Chapter 5

4.5K 314 106
                                        

Chapter 5

"Finally, kanina pa kita hinihintay," ani Miss Sylvia nang puntahan ko siya sa faculty office.

Napahawak ako sa batok at nahihiyang tumingin sa kaniya. "Pasensiya na po, Ma'am. May inasikaso lang po."

"More important than me?" mahina niyang bulong.

"Ho?"

Imbes na sumagot ay may inabot siyang file sa 'kin. Naglalaman 'yon ng details sa avant-garde namin. May pointers dito kung ano ang mga dapat naming pagtuunan at i-improve.

"The Dean wants me to assist your class in your performance. Gusto rin niyang tumulong ang sophomores sa inyo kung need niyo ng assistance lalo na sa props at costumes. Liban kasi sa media, may mga importanteng taong dadalo. Hindi lang ito about your grades or exam. Nakasalalay na rito ang reputasyon ng Theater program at mukha ng university. Kaya naman, we want this to be perfect," mahabang paliwanag ni Miss Sylvia. "So ngayon, I want you to disseminate this to your class. Gusto kong alam niyo na 'to bago ko i-discuss sa inyo para mapaghandaan niyo at makapag-exhange ng ideas."

Tumango ako at nagtanong. "Sino po pala important guests na pupunta?"

"One of the guests is Dr. Rikki Vergel De Dios—one of the finest surgeons in the country. She's also the manager of the multi-awarded music organization from a prestigious international school, the Malcolm International College or MIC. At kung 'di mo naitatanong, she's the daughter of Senator Santi Vergel De Dios. Aside from her, may pupunta ring representative ang Foundation ng De Santiago-Lauchengco Group of Companies—the one of the heirs—Hao Lauchengco."

Napasipol ako mentally. Mukhang mga big time nga. Pangalan pa lang, gigilid ka na.

"Malaking opportunity ito sa school kung magugustuhan nila ang performance niyo at magbibigay ng financial support sa university lalo na sa TA department. That's why we can't afford a single mistake. I want your avant-garde performance to be 500% perfect!"

"Yes, Ma'am!"

Agad kong naramdaman ang pressure dahil sa tono ng pananalita ni Ma'am. Ganito pala siya 'pag nagseryoso nang bongga, 'pag naka-focus na sa goal.

Pwes, hindi ko siya bibiguin.

Medyo natagalan pa ang pag-uusap namin ni Ma'am tungkol sa play kaya halos makalimutan ko na ang tanong ko sa kaniya tungkol kay Mary.

Nang makahanap ako ng pagkakataon, hindi na ako nagdalawang-isip na tanungin siya.

"Ma'am, may itatanong po sana ako sa inyo, kung hindi niyo po mamasamain..." kabado kong tanong.

"Anything, Jocas. Basta ikaw. Ano ba 'yon?"

Basta ikaw.

Medyo kinilig ako sa sinabi ni Ma'am pero ipinagpaliban ko muna 'yon.

Bska kasi maging...kilig now, mapapagalitan later....

Huminga ako nang malalim bago magsalita. "Itatanong ko lang po sana 'yung tungkol po kay...Mary—Mary Lazaro."

Natigilan siya nang marinig ang pangalang binanggit ko.

Hindi ko na nakita ang sumunod niyang reaksiyon dahil nag-iwas siya ng tingin at tumungo.

"Ka-batch niyo po siya, 'di ba? Classmate at close friend niyo pa po. Nagbabaka-sakali lang po akong may ma-i-share kayo tungkol po sa kaniya...lalo na po sa detalye ng pagkamatay niya."

Tumingin na siya sa akin. Banaag ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Ba't ka naman biglang nagkainteres kay Mary?" seryosong tanong niya na may nanunuring tingin.

Bloody Mary (GL) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon