Chapter 4
Pagkatapos ng araw na 'yon, halos araw-araw ko nang nakikita si Mary sa university at umabot na sa puntong nasanay na ako sa presensiya niya...'yong tipong hindi na ako natatakot sa kaniya. Pero paminsan-minsan ay nagugulat pa rin dahil sa bigla-biglang pagsulpot niya.
Lumipas pa ang mga araw—linggo, at bumalik na rin sa dati ang pakikitungo sa akin ng mga kaklase ko at ng iba pang mga estudyante. Nakikita naman kasi nilang wala namang nangyari sa 'kin matapos kong gawin ang ritwal sa pagtawag kay Bloody Mary.
Naniwala silang kuwento-kuwento lang talaga ang tungkol kay Bloody Mary at ang iba pang katatakutan dito sa TA building. Liban sa akin.
"Mauna na kayo, magsi-CR muna ako," paalam ko kina Temarie habang papunta kami sa next class namin.
Habang nananalamin ako, biglang lumabo ang salamin at mayamaya pa'y lumitaw mula roon ang mga letra ng pangalan ko na dahan-dahang isinusulat.
J-O-C-A-S
Napairap ako.
"Mary naman, eh! Nakita mong nagmamadali 'yong tao, eh! May klase pa 'ko, o!" sabi ko at pinunasan ang salamin gamit ang gilid ng palad ko para matapos na ang pagre-retouch ko.
Bigla siyang lumitaw sa gilid ko, nakaupo sa lababo.
"Hindi ka na talaga natatakot sa 'kin, 'no?"
Araw-araw ko ba naman kasing nakikita 'yang pagmumukha mo, eh, matatakot pa ba 'ko?
"Sanay na 'ko eh," sagot ko.
"So, hindi ka na rin natatakot na baka isang araw, kunin ko na 'yang kaluluwa mo?"
"Nope."
Nawala siya sa gilid ko at bigla na lang sumulpot sa harapan ko. Agad akong napaatras dahil ang lapit ng mukha niya sa akin.
"Ang totoo kasi, hindi mo talaga kayang gawin 'yon. It's not dahil ayaw mong gawin 'yon, wala ka talagang kakayahan," sabi ko pa. "Tinatakot mo lang ako noon!"
"At paano ka naman nakakasiguro? Hm?"
Tinapos ko munang i-apply ang liptint ko bago ko siya sinagot.
"Mary, you're not an evil spirit. You're not the evil Bloody Mary," may katiyakan kong sagot.
Sa tinagal-tagal, napagtanto ko ang bagay na 'yon. Hindi naman kasi siya nananakit. Nananakot at nangtri-trip, oo.
'Yong insidente sa banyo noon, sadya lang sigurong nawalan ako ng malay dahil sa sobrang takot ko noon.
"Eh, anong tingin mo sa akin?" tanong niya.
"Ligaw at 'di matahimik na kaluluwa na pagala-gala dito sa university."
Sumulyap ako sa kaniya. Habang tumatagal, napapansin kong nag-iiba ang awra niya. Unti-unti na ring nawawala 'yung parang itim na usok na nakapaligid sa kaniya.
Umaaliwalas na rin ang mukha niya, hindi tulad dati na sobrang nakakatakot.
"Babush! H'wag mo muna akong guluhin, may exam pa 'ko'!"
.
.
.
"Jocs, ano answer sa number 28?" bulong sa 'kin ni Pablo. Sinundot pa niya ng ballpen ang tagiliran ko.
Kami ang magkatabi, 'yong iba naming tropa napunta sa ibang upuan nang palipatin ng prof namin.
Inis ko siyang nilingon at minura.
"Gago ka! Mahuli tayo!" pabulong kong asik sa kaniya.
"Number 28?"
"Wala. Hindi ko rin alam ang sagot!" ani ko at sumenyas pa.
