Chapter 3

4.8K 330 103
                                        

Chapter 3


Hindi ko na alam kung ano ang nangyari pagkatapos.

Sinabi na lang nila Papa na sumundo sa 'kin na nadatnan na lang daw ako ng guard sa backstage na walang malay.

Nilagnat ako nang mga sumunod na araw kaya hindi na rin ako nakapasok. Pabor din sa 'kin 'yon dahil may excuse ako para hindi pumasok.

Ayoko pang pumasok.

Natatakot akong baka muling magpakita sa 'kin si Bloody Mary at tuluyan na niyang kunin ang kaluluwa ko.

Pero ba't hindi pa niya ginawa noon?

Ang libro niya ay kung saan-saan ko na nilagay. May pagkakataon pa ngang itinapon ko na pero bumalik lang sa 'kin. Hindi ko 'yon maidispatsa dahil kahit anong gawin ko ay bumabalik 'yon. Nakikita ko na lang na nasa bag ko na uli ang libro niya.

Ano bang gusto niya sa 'kin?!

Dumating ang araw na kailangan ko nang pumasok sa school. At hindi ko inaasahan ang magiging pagbabago n'on sa buhay-estudyante ko.

Kumalat na sa buong campus ang ginawa kong pagtawag sa Bloody Mary at marami ang naniniwala na ang pagkakasakit ko ay kaakibat ng sumpa ng ginawa ko.

Ang siste, nangilag sa akin ang mga estudyante at halos wala nang lumapit at kumausap sa akin...ayaw nilang madamay sa sumpa...

Liban sa mga kaibigan ko.

Sa oras talaga ng kagipitan, malalaman mo talaga kung sino ang mga totoo sa 'yo.

"'Di ba kayo natatakot na pati kayo layuan nila dahil sa pagsama niyo sa akin?" tanong ko sa tropa.

"Pakialam ba namin sa kanila?!" ani Temarie.

"Dahil sa nangyari, mas nakilala namin ang totoong kulay ng mga 'yan! So bakit kami mag-aalala at manghihinayang na layuan nila kami?" ani Ria na sinang-ayunan ng iba.

"Tulad niyan ni Andrea, oh! 'Kala mo kung sinong maganda at magaling!" imbyernang sabi ni Temarie. "Nag-shine lang siya sa play natin at nakuha ang highest grade from Ma'am Sylvia, akala mo kung sino kung makaasta! Feeling superstar at best actress ampota! 'Apaka antipatika!"

Dumaan sa tapat namin si Andrea pati ang mga tropa nito pero nagbulungan lang mga ito at lumayo sa amin. Ngunit hindi nakaligtas sa 'kin ang pagngisi at pag-irap nito.

So totoo nga, nagbago nga ito...or should I say, lumabas na ang tunay na kulay.

"Pa-irap-irap pa! Sarap sungalngalin!" ani Ria. "Alam niyo, dati ko pa ramdam na may tinatagong kulo 'yan eh. 'Di ba ang competitive niyan minsan kay Jocas? Inggit siguro. Tas ngayon akala mo ay nasapawan na niya si Jocas."

"Ano, i-lock na ba namin sa CR?" ani nila Pablo at nagtawanan pa.

"Guys, chill. 'Yaan niyo na siya kung dyan siya masaya."

"Pero, Jocs, okay ka na ba talaga?" tanong ni Ria.

Huminga ako nang malalim. "May aaminin ako, guys. And I want to let you know na maiintindihan ko kung mag-iiba rin ang tingin niyo sa akin at lalayuan niyo rin ako."

Nakita ko ang pag-aalala sa mukha nila habang hinihintay ang susunod kong sasabihin.

"Guys, totoo. Nakita ko si Bloody Mary o si Mary Lazaro that night. At 'yon ang reason kung bakit ako nawalan ng malay, at siguro nagkasakit nang ilang araw," walang patumpik-tumpik na sabi ko at kinuwento ko pa sa kanila ang buong detalye ng pangyayari.

"N-Nagbibiro ka lang, 'di ba, Jocas?" ani Temarie na hindi naitago ang takot sa mukha, sila ni Ria.

"Uy, Jocs, sabi ka lang kung tatawa na kami," ani Leon.

Bloody Mary (GL) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon