Caela's pov

  This is it! Pansit. Hahaha
Ngayon na ang start ng pasukan, kasalukuyan akong nagbibihis at nagaayos ng sarili. Kinakabahan ako at the same time excited na rin. Maganda yung uniform nila. Color silver na long sleeves tapos ung palda is 2 inches above the knee. Then yung buhok ko, hinayaan ko na lang na nakalugay tapos nilagyan ko ng hairclip sa gilid. Nga pala tinanggal ko na yung salamin na suot ko, kaya eto medyo naninibago pa ko -_- Hindi naman kase talaga malabo ung mata ko, kaso yun ung nakasanayan ko. At hindi rin naman talaga manang style ung pormahan ko dati bago ako pumasok sa dati kong school. Maalam naman akong mag-ayos ng sarili ko, kaso mas pinili ko pa rin na ipagpatuloy yun. Parang way ko na rin para maitago ang sarili ko. Pero ngayon, ayaw ko ng ilayo yung sarili ko sa mundong ito, kung saan nararamdaman kong kabilang ako.

"Caelaaaaaaaaa. Bilisan mo dyan kung ayaw mong malate tayo." Sigaw ni Michie. Ang lakas talaga ng boses nung babaeng yun, kahit kelan. Hahaha.

"Oo ayan na, bababa na." Sigaw ko rin. Hahaha. Kinuha ko na ung bag sa kama ko, at bumaba na ko para kumain. Ng nasa huling baitang na ko ng hagdan nagulat ako sa sigaw nina Sophia at Dindin.

"WAAAAAAAHHHH"

Nagmamadali namang lumapit si Michie samin para tingnan kung ano ang nangyare, at katulad nga ng ginawa nung dalawa sumigaw din siya. Yung totoo ano nangyayare sa mga to?

"Bakit ba kayo sumisigaw diyan. Para kayong timang, nakakagulat pa kayo. Ano ba problema?" Tanong ko sa kanila, kase naguguluhan na rin ako -_-

Aba alam niyo reaksyon nung tatlo?

Well, nakaturo lang sila sakin at nakanganga. Ano ba kase nangyayare? Sabihin niyo nga? Ang gulo eh :3 -_-

"Hoy! Ano ba kayo? Para kayong namaligno."

"I-i ca-can't believe it-t." Sophia. Huh? May pautal-utal pang nalalaman.

"Why so beautiful my dear sissy?" Mitchie with matching hand gestures pa.

"Ate Caela. Ang ganda mo. You look like a goddess. Lalo kang gumanda nung nawala ung salamin mo. Hihi. I want to look like you, when I grow up." Dindin na may pataas pa ng kilay. Ang daldal talaga ng batang to.

"Ang OA niyo rin no? Para nagtanggal lang ng salamin. Maganda na agad? Wala akong piso dito sa bulsa ko."

"Anong gagawin sa piso?" Yung tatlo po yan.
Srsly? Haaaaay! Ang slooooow. Tsk. Wag ko na nga ipaliwanag. Madali yata akong tatanda sa mga to >_

"Tara na nga. Akala ko ba malalate na tayo kaya pinagmamadali niyo ako."

"Di pa rin talaga ako maka-move on. Haaaay. Mas maganda kana sakin girl. Huhuhu." Sophia.

"Baliw. Halika na nga"
Ayun natapos na rin ang kalbaryo ko sa mga OA kong kaibigan. Hahahaha. Joke! Naglalakad na kami papunta sa room. Malaki pala talaga ang Mystique Academy. Natour na nga din pala ako nung dalawa, kaya hindi na 'siguro' ako maliligaw dito. Hahaha

Humiwalay ng way samin si Dindin, kase elementary pa lang ung batang yun. Sa kabilang building ung room niya. Nagulat nga ako kase elementary pa lang pala siya, akala ko highschool na. Kung mag-isip kase daig pa matanda.

Yung academy is katulad din nung mga school sa mortal world, meron din silang elementary, highschool at college. Ang kaibahan nga lang, about sa power ung tinuturo nila dito.

Naglalakad na kami sa hallway, at madami na rin estudyante ang nakakalat sa corridor. Kung malaki tingnan sa labas ang academy, mas malaki ito kapag nasa loob ka na. Marami rin palang tao ang pinagkalooban ng kapangyarihan. Di lang ako nag-iisa sa mundo. Ang pinagtataka ko lang, bakit halos lahat samin nakatingin? Pangit ba suot namin? Eh magkakatulad lang naman ung uniform namin. Ayy! Hindi pala, ang katulad pala ng uniform ko eh ung kabilang sa Mediocris section. Sa Imus section naman ay black. Sa Superius ay gold. Pero wala pa kong nakikitang naka-gold na uniform. Ay hayaan ko na nga lang sila. Nagpatuloy na kami sa paglalakad at hindi na pinansin yung mga estudyante na kung makatingin eh parang tutunawin ka. Mamaya ko na lang tatanungin sina Mitchie kung bakit ganun ang mga estudyante dito.
Ng biglang..........

'BLAAAAAAAAAG'

UH-OHH?

~  ~ ~ ~ ~  ~ ~ ~ ~  ~ ~ ~ ~  ~ ~ ~ ~  ~ ~ ~
Sorry po lame update :'( Need your votes and comments. Thank you :)

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!