Chapter 1

16.1K 388 87
                                        

Martha's POV:

Nagising ako sa malakas na alarm na ng galing sa phone ko. 7am na pala at 9am naman ang pasok ko sa Kumpanya na pagmamay-ari ng mga Montego.

Ang Montego Corporation ay isa sa malalaking company dito sa Philippines. Kaya naman sobrang swerte ko dahil isang apply ko lang ay kaagad naman akong natanggap bilang assistant secretary.

Mabilis akong nag-ayos ng mga dapat kong gawin dahil ayokong ma late ako sa trabaho ko. Knowing my boss! Baka isang late ko lang ay mawalan na kaagad ako nang trabaho.

"Maaa? Asan ang blazer ko?" Nagmamadaling sigaw ko sa nanay ko.

"Nandito pa anak, malapit na matapos" sagot naman ni mama.

Tapos na akong maligo at magbihis. Okay narin ang mga gamit ko at handa ng umalis. Saglit lang akong kumain nang almusal dahil baka ma late pa ako. Monday pa naman ngayon, bukod sa traffic na, pahirapan pang sumakay sa jeep at MRT papunta sa BGC.

"Late na ako ma. Mamaya late akong makakauwi, maraming meetings ang boss ko, punta ka nalang muna kayna tita. Bye ma."

Dali-dali kong kinuha ang pinaplantsa niyang blazer ko at umalis na sa bahay.

Paglabas ko ay kaagad akong humanap nang tricycle. Mabuti naman at nakikisama sa'kin ang panahon dahil kalalabas ko lang ay meron na kaagad.

"Manong sa MRT Boni po" tumango lang naman ang driver at kaagad narin kaming umalis.

Ganon nalang ang panghihina ko ng makita ko ang sobrang traffic sa may Boni Dansalan.

"Nako, Hindi umuusad ang mga sasakyan" si manong driver.

Mabilis kong kinuha ang phone ko para tingnan ang oras at para naman akong nakakita ng multo sa nakita ko, 8:42am na at ilang minuto nalang ay malapit ng mag 9am.

Hindi ako mapakali, kahit naman hindi ako pinapagalitan ni ma'am Santi sa tuwing nalilate ako e nakakahiya parin naman na malaman na eksaktong 9am ay nasa office na siya.

"Jusko naman, ang aga-aga kona nga gumising e. 7am na yung alarm ko." Pagrarant ko sa loob nang tricycle.

Maya-maya pa ay ramdam kona ang pag-andar ng tricycle. Nakahinga naman ako ng konte.

"Ito bayad, manong. Thank you"

Pagkababa ko palang ay kaagad ko na tinakbo ang elevator papunta sa MRT. 9am na ako nakasakay at habang nasa byahe nga ako ay nag message na ang boss ko.

Mariin akong napapikit bago ko buksan ang message...

Ma'am Santi:

Martha? Where are you?

Ma'am Santi:

I'm here at the office

Kaagad ko naman ibinaba muna ang mga dala ko bago ako nag reply-

Me:

Ma'am Santi, sorry po. Pero nandito pa po kase ako sa MRT. Medjo naipit lang po sa traffic pero otw na ako. Promise po :))

Ilang segundo lamang ay nakatanggap kaagad ako ng reply mula sakanya-

Ma'am Santi:

Okay. Be safe.

'yon lang ang message, tangkang ipapasok kona sana ang phone ko ng may pahabol pa siya na text...

Ma'am Santi:

:))

Napakunot noo naman ako, binaliwala ko nalang dahil ganon narin siya sa'kin noon pa man.

Halos lahat ng kaibigan kong kapwa ko empleyado ay sinasabing masama raw ang ugali ni ma'am Santi. Pero bakit parang hindi naman? Well sa'kin kase never niya akong sinigawan. Tahimik lang naman siya at palaging seryoso. Kinakausap niya lang ako kapag may iuutos siya at kung may kailangan gawin. Ilang buwan narin akong nagtatrabaho sakanya, at so far hindi naman niya ako sinigawan. Kahit nga may pagkakamali ako, ipapaulit nalang niya sa'kin.

Mahigit 15 minutes rin pala akong late. Mabuti nalang at mamaya pang 1:30pm ang una niyang meeting.

Inayos ko muna ang sarili ko bago ako pumasok sa loob nang office.

Dahan-dahan akong lumapit sa pinto at handa na sanang kumatok ng makarinig naman ako ng boses na galing sa CCTV dito.

"Come in"

Tumango pa ako bago dahan-dahan binuksan ang pinto.

"Good morning, ma'am." Bati ko sa boss ko na tahimik lang nanakaupo sa swivel chair niya. Seryoso at walang emosyon na nakatingin sa'kin.

Maliit lang akong ngumiti bago nag-paalam na babalik na sa table ko. Nasa labas lang naman ako ng office niya.

Nasa may pinto na ako ng kaagad naman niya akong tawagin--

"Martha?"

Humarap naman ako at tahimik na hinintay ang sasabihin niya.

"did you eat breakfast?" Seryosong tanong naman niya.

Hindi na ako magtataka kung bakit niya ako tinatanong. Ganito naman siya araw-araw. At hindi narin ako magtataka kung may dala nanaman siyang breakfast at ibibigay 'yon sa'kin.

Hindi pa man ako sumasagot ay mabilis itong tumayo sa pagkaka-upo sa swivel chair niya at may kinuha sa gilid. Parang gusto ko mapangit ng makita ko ang same paper bag na palagi niyang binibigay sa'kin.

"Here. Eat before you work" 'yon lang ang sinabi niya at bumalik na sa upuan.

"Thank you po." Tulad Ng dati, hindi kona hinintay ang sasabihin niya dahil tuluyan na akong lumabas nang office niya at dumiretso na sa table ko.

"Hulaan ko kung anong laman mo... Croque Madame?"

Halos ma patalon naman ako ng makitang tama nga ako. Well, ito naman ang palagi niyang binibigay sa'kin na breakfast.

Napailing iling nalang ako at itinabi ang pag-kain. Gawin ko nalang lunch para makatipid.

Nasa kalagitnaan ako ng pagtatrabaho nang mapansin ko ang CCTV...

Tiningnan ko ang ito dahil ramdam ko na gumalaw 'yon at nabago ang pwesto. Tutok na tutok na ito sa'kin ngayon na dapat ay nasa may pinto ng CEO office.

Binaliwala ko nalang at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

Sana maging maayos ang buong araw na ito.

-----------------------------------------------------------

A/N: short update muna. Baka mamaya mag update ulit ako or kung hindi, baka bukas na.

💌

My CEO's Obsession Where stories live. Discover now