Chapter 2. Don't freak out!

Start from the beginning
                                    

Lumapit si King sa kinaroroonan namin at walang sabi-sabing hinalikan ang asawa sa labi.

Ay grabe...lalanggamin ang building na 'to.

Bitin pa yata sa honeymoon ang dalawang 'to.

Napangiti na lang ako. Hindi naman ako naaasiwa sa kanila, sa katunayan nga...nakakainggit silang tingnan.

Nang sa wakas ay natapos din ang kissing scene ng dalawa...

"So...sinabi mo na ba kay Ruby?" sabi ni King na kumindat sakin.

Napakunot ang noo ko.

"May kailangan ba akong malaman?" baling ko kay Twix na napakalawak na ng ngiti.

"Well..."

"Well...?"

Nagtinginan pa ang couples bago sakin.

"We're pregnant...Ninang Ruby..." panabay na anunsiyo ng dalawa.

Napasinghap ako at hindi ko napigilang yakapin ang dalawa.

"Congratulations! Oh God...I'm so happy for you guys!"

Kumawala ako sa yakap sa kanila at kitang kita ko kung gaano kasaya ang mag-asawa.

"Hinintay lang talaga namin ang pagdating mo bago namin sabihin sayo. Anyways, regalo mo na samin ang pagpayag mo sa offer ng misis ko, okay?" nakangiting sabi ni King.

"Pati ba naman ikaw? Tss...pumayag na nga po ako kaya tama na ang pag-alog niyo sa konsensiya ko, okay? Aakyat na nga ako, so okay na tayo?" natatawang sagot ko.

"Alright! Aalis na kami. Don't forget, next week na ang Grand Opening natin. Make yourself at home!" si Twix.

"Ah-huh... Ano pa bang magagawa ko? Akin na nga ang susi at umalis na kayo sa harapan ko. Inaakyat na kayo ng langgam."

Natawa na lang sila pareho sa pagtataboy ko sa kanila.

Nakakainggit kasi masyado... -__-

Inabot ni Twix sakin ang susi.

"Kung may kailangan ka---"

"Nope. Okay na ako, Mrs. Montereal kaya tantanan mo na ako at nang maiuwi ka na ng mister mo. Mukhang may gagawin siya sayo..." makahulugang sabi ko sa dalawa.

Nag-blush naman ang lola habang si lolo naman ay hindi nagawang itanggi ang binabalak sa asawa pagkauwi nila. Ang laki-laki ng pagkakangiti nito.

"Bye, Ninang Ruby!" paalam ni King at iginiya na ang asawa palabas.

Maya-maya ay umandar na ang sasakyan nila at umalis na.


Katahimikan...

Bitbit ang suitcases, hinanap ko ang daan papunta sa second floor. Nasa sulok iyon na may hagdanan pataas at may nakalagay na 'For Private Use Only'.

'Hindi naman kaya magmukhang may hidden agenda ang sign na yan?'

Nagkibit na lang ako ng balikat at inakyat ang hagdan. Sa may dulo niyon ay may saradong pinto.

Kinuha ko ang susi at ini-unlock ang door. Pagbukas ko sa pintuan ay bumungad sakin ang isang cozy na living room, complete with furnitures and appliances.

"Oh my geez..." sambit ko sa sarili ko.

Nilibot ko ang buong floor at hindi nga nagbibiro si Twix nang sabihin niyang kumpleto na lahat ng kakailanganin ko. Para na rin akong umupa ng isang condo unit dahil kumpleto lahat ng kagamitan sa kitchen, sa bathroom, bedroom, at anak ng tinapa! May laundry room at balcony pa!

'Akin ang buong second floor? Para na rin akong nagkaroon ng bahay na bungalo!'

Mas maganda pa ito kaysa sa bahay na tinirhan ko sa La Union!

"Ah! Twilight!" naiiling na lang na sabi ko.

Hindi naman sa hindi ko nagustuhan, I really like it...pero lampas pa ito sa inexpect ko. Ang akala ko ay papag lang ang hihigaan ko pero tangina niyan...malambot na malambot ang kama at mga unan, may lampshade at kung anuman ang makikita mong hitsura ng bedroom sa isang five-star hotel.

I breathed deeply.

It's been a long time since the last time I slept in this kind of comfortable room.

Tumunog ang cp ko at nakita ko sa screen na si Twix ang tumatawag, agad kong sinagot iyon.

"Nagustuhan mo ba ang second floor mo?" tanong kaagad niya, malamang na nahulaan na niyang kasalukuyan na akong naglilibot dito sa taas.

"This is more than I expected, Twilight..."

"You're welcome!" narinig kong humagikhik pa siya.

Huminga ako nang malalim.

"This will be the last time na tatanggap ako ng anumang libre mula sayo, Twix. Thank you...so much...for these..." sincere na sabi ko.

"Yup. Promise, last na yan."

"Okay...sige na at magliligpit pa ako ng mga gamit ko..."

"Uhm...Ruby...?"

"Yes?"

"Don't get mad at Dove when you open the closet."

"What? Bakit---"

TOOT.

Ibinaba na ng kausap ko ang cp niya.

Diniretso ko agad ang closet and voila!

"You...gotta be...kidding me..."

Napapikit pa ako ng mariin nang makita ko ang laman niyon.

Dresses.

Shoes.

Bags.

Accessories.

Lingeries???

"ENRICO DAVID OCAMPO!!!" bulalas ko na para bang kaharap ko ang baklang 'yon.

Argh!

Nasapo ko ang ulo ko.

Breathe in. Breathe out.

May napansin akong maliit na sticky note na nakadikit sa isang damit na madaling mahahagilap ng mata.

'You're welcome. Refuse these and I'll send you more. Enjoy your new home! Muah!

Dove.'

"Lord...saan ko gagamitin ang mga 'to?"

Ay jusko po!

Parang ibinabalik sakin ang lahat ng iniiwasan ko.

Hindi ko dapat tinatamasa ang lahat ng 'to.

Tzk.

Kakayanin ko 'to.

"Hay...buhay..." tanging nasabi ko na lang.

Wala na akong magagawa pa bukod sa tanggapin ang mga ito at para na rin sa ikatatahimik ng lahat.

"Pero jusko Lord! Anong gagawin ko sa mga lingeries na 'to?!" sambit ko habang iniisa-isa ang mga laced, silk at maninipis na telang underwears.

Aish.

'Don't freak out, Ruby...


Don't freak out!'

The Elite Men Empire Series: Singing Zeus a Love SongWhere stories live. Discover now