Chapter 2. Don't freak out!

Start from the beginning

Umalingawngaw ang tawanan namin sa buong paligid.

"Siyanga pala, pinaayos ko na rin ang second floor para sa stay mo. Kumpleto na lahat doon." maya-maya ay basag ni Twix sa katahimikan.

"Twix, I told you...maghahanap na lang ako ng malapit na apartment dito."

"And I said no. I insist na gamitin mo ang second floor as your own place, free of charge. This place is yours too at ayokong sa iba ka mag-stay."

"But Twix---"

"Please Ruby...mas panatag ako na dito ka magstay. Ayaw mo naman sa Royalty Heights at mas lalong ayaw mo naman sa kahit na anong hotel na i-offer namin ng husband ko sayo. So please, kahit dito lang pagbigyan mo na ako..."

She flashed her pleading look right at my face.

Napabuntong-hininga ako.

Hindi naman sa mataas ang pride ko o pakipot o ano. Sinanay ko lang kasi ang sarili ko na hindi umasa sa tulong ng ibang tao unless pinaghirapan ko mismo ang makukuha ko.

"All I'm asking is for you to be safe...you'll be safe here. You're not just my business partner, Ruby, you're also my friend. So...please accept it."

I looked at her intently. Napakahirap tanggihan ang mukhang yan na lalo pang pinaigting ng paawa-effect ng magaling kong business partner at kaibigan.

"Magtatampo ako sayo kung tinanggihan mo ako...bahala ka...baka hindi kita kausapin---"

"Fine... Oo na... Pero sa isang kundisyon..." sagot ko.

She raised her brows.

"Ay grabe...may kundisyon ka pang nalalaman. Hindi! Wala kang babayaran sa akin ni isang kusing, Miss Gonzales, and that's final!" naggagalit-galitan na sagot ni Twix.

Natawa na lang ako. In fact, sasabihin ko sanang rerentahan ko ang stay ko sa second floor pero ganun na nga ba talaga ako ka-transparent at nahulaan niya kaagad ang iniisip ko.

Hays...

Paano ko ba lulusutan ang babaeng 'to? -__-

"Well...kahit man lang gastusin sa tubig at kuryente..." kiming pilit ko.

"NOPE."

"Housekeeping?"

"NO."

"I-hire mo ako bilang waitress o kahit bookkeeper man lang..."

"NEVER. We both own this place."

"Secretary then?"

"Seriously, Ruby? Stop it already. It's a place for you to stay and it makes me happy that you're here. The only thing you can do is to accept it and I'll let you decide on everything..."

"Tss... Sasabihin mong pareho nating property ang place na 'to tapos ibibigay mo sakin ang authority mo? Baliw..."

Twix laughed. Nahawa na rin ako.

"Di pa kasi tanggapin ang second floor...ang taas-taas ng pride niyo. Para rin naman sa kabutihan mo 'to..."

"Oo na nga...dadagdagan mo pa ang bigat sa konsensya ko..."

And we laughed again.

Ah...

It's good to laugh. I can't even remember the last time I felt this good.

"Hello, pretty ladies!"

Napalingon kami pareho ni Twix sa bukana ng pinto.

"Hey, hubby!" sagot ni Twix.

The Elite Men Empire Series: Singing Zeus a Love SongRead this story for FREE!