Chapter 43

164 2 0
                                    

Vien's POV

             Kinakabahan ako pero kailangan kong harapin ito, natatakot ako pero kailangan. Nandito ako ngayon sa isang restaurant hinihintay si Faye. Tnawagan niya ako kasi may importante daw siyang sasabihin kaya pumayag na lang ako. She told me, kami lang dapat wala si Oliver.

"I'm glad you're here." nakangiting sabi ni Faye pagkadating niya.

"Bilisan lang nating mag usap kasi gumagabi na."

"Don't worry mabilis lang 'to." Umupo na kami pareho at umorder, juice lang yung sakin kasi hindi ako nagugutom sa kaba ko.

"Ano ba yung sasabihin mo?" Paninimula ko ng topic kay Faye. I was shocked when her tears starting to fall down.

"Bakit ka umiiyak?"

"Vien, buntis ako. I am 6 months pregnant." Hindi mako nakapagsalita. Para bang  binagsakan  ako ng malaking bato.

"Wha- What do you mean? I don't get it Faye." sagot ko sakanya. "I'm so sorry Vien, pero buntis talaga ako at si Oliver ang ama." Mas lalo saying umiyak.

Hindi na ako nakapagsalita pa, bumuhos na lang yung mga luha ko. Pinilit kung magsalita.  "Nasabi mo naba sakanya?"

She answered na para bang namatayan siya. "Not yet because he doesn't want to talk with me. Vien, hindi ko na nga alam ang gagawin ko. My tummy is getting bigger. "

I wiped my tears. "So, what do you want me to do para matulongan kita?" Nasasaktan ako pero kusang gumagalaw young dila ko na para bang may utak.

"Look, Vien i'm pregnant and I don't want my baby to grow up without a father. It's so unfair Vien, ayoko saying lumaki na walang ama. Naaawa ako sa anak ko. Pls, I'm begging you give up mo na lang siya para sa baby namin."

Hindi ko alam ang gagawin ko, humagulgol na lang ako sa iyak. Hindi ko alam ang nararamdaman ko gusto kung magalit pero yung awa ang nangingibaw sakin.

"Kahit masakit gagawin ko. Ingatan mo si Oliver at ang magiging baby niyo. Just give me more time ibibigay ko siya sa'yo.  Pagkatapos kung sabihin ang mga yun umalis na ako agad sa lugar na yun.

Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ako nakapag desisyon na umuwi na. I went home pero dumiretso ako sa bahay namin hindi sa bahay namin ni Oliver.

"Why are you here?" tanong ni mama sakin. Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit hindi naba ako welcome sa bahay na ito ma?" Nakuha pang mambiro para hindi niya mahalata na may problema ako.

"Of course you're always welcome honey, bahay natin to eh. I mean, sa gantong oras? Hello, it's already 11:30 pm Vien. Delikado sa dan."

"O.A mo naman masyado mom. May kotse naman ako eh."

"Kahit na,...." hindi pa siya natatapos magsalita eh nagsalita na ako. "Shhh.. I just missed you guys. Let's just talk tomorrow, I need to rest."

I went straight to my room and I realized that nakakamiss rin pala yung mga nangyari noon. Yung theme ng room ko when i'm still 16 or 17 is still the same, even the pictures. Nothing was change. Nag iba na naman ang aura ng mukha ko nong sumagi na naman sa isipan ko ang sinabi ni Faye. Nagsisilabasan na naman ang mga luha ko ng tumunog yung cellphone ko. Hinayaan ko na lang at napagdesisyonan na maligo na at makapagpahinga na rin ako. Before, I went to bed, I texted Oliver. Yes, I texted him baka kasi nag aalala. "Don't worry about me, I'm fine."

Nagising ako sa sinag ng araw "Uhmm.." Nahihilo ako na nasusuka kaya tumakbo ako sa cr ng kwarto ko. Nanghina ako sa kakasuka kaya bumalik ako sa kama ko. Nagulat ako ng mapansin kung may lalakeng nakatayo malapit sa kama ko. Namimiss ko siya, gusto ko siyang yakapin, halikan pero hindi na pwede. Ayoko ng mapalapit pa ng lubosan sakanya.

"Why are you here?" Matamlay kung tanong sakanya. "Bakit, bawal bang sunduin ang asawa ko?" seryosong tanong niya sakin. "No, I mean is bakit nandito ka at wala sa trabaho?" Tumingin lang siya ng diresto pero umiwas ako. Lumapit siya at hinawakan ang kamay ko. "What's wrong? Kausapin mo naman ako hindi yung ganito. Hindi ko kayang nagkakaganito tayo." Tahimik lang ako ng sunagot na ang sariling mata ko. Humagulgol na ako sa iyak. "Sshh.. tahan na, if you don't want to talk about it right now it's okay. Hindi kita pipilitin pero please wag mo tong patagalin, Vien, nahihirapan din ako." Mangiyak ngiyak niyang sabi. "Maybe, I'll just stay here for a while." sagot ko pero umiling siya. "No, you can't stay here pero pag pinilit mo, sige, we'll stay here."

Oliver's POV
Nagpaalam na muna kami kay, Mommy. Kailangan ko pa kasing dumaan sa office ko at dalhin si Vien sa doctor. I don't know what's wrong with her, hindi naman kami nag away pero hindi ko muna siya pipilitin ngayon kung ayaw niyang mag sabi. Nanghihina kasi siya and I'm worried about her.

"Ba't pa kasi kailangan kung pumunta sa doctor eh nahihilo lang naman ako, puyat lang siguro 'to." Sabi ni Vien. "Mas mabuti na yung sigurado."

Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makarating sa hospital. Ibang iba siya, parang ako yung nasasaktan pag tumitingin ako sakanya.

"Oliver, punta kana lang sa office, I can handle myself." hindi ako pumayag sa sinabi ni Vien, nagpumilit pa rin akong sumama sakanya.

Naghihintay kami dito sa waiting area na tawagin ng doctor si, Vien, nang tumunog ang cellphone ko. "Excuse me." Pagpapaalam ko sa asawa ko.

"Ayusin niyo yan." Medyo galit na sabi ko sa kabilang linya kasi nagkakagulo na daw sa office. Narinig ata ni Vien kaya pinilit niya akong pumunta na lang don. "I'm fine, Oliver. Sasabihin ko na lang yung result sa'yo. They need you, nandito rin sa hospital sina Shams kaya okay lang." Lumapit ako sakanya "Are you sure? I can stay naman eh."

"Just go, kaya ko 'to."

"Sige, Iloveyou. Babalik rin ako." I kissed her on her forehead before I go.

Vien's POV

"Where are you guys at?" Tanong ko sa kabilang linya.. "Okay, I'll just wait for you here." Sabi ko kila Shams kasi kailangan ko ng kasama dito. I just pretend to, Oliver, na kaya ko pero hindi talaga.

Nasusuka na naman ako kaya tumakbo akong restroom dito sa hospital. Naiinip na rin ako kasi ang tagal eh. Pagkatapos kung magsuka, bumalik ako sa kinauupuan ko kanina. Hilong hilo na ako.. "Hey, Vien! You okay?" ang huling salita na narinig ko-----

A/N: Yass! Bitin ba? Haha Sorry not sorry. :D Ano kayang nangyari? We'll see.. ;)

Ako at ang boyfriend kong artistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon