Chapter 1

233 16 18
                                    

"Totoo nga!" pamimilit ni Gizelle sa gusto nito. "Gusto ka niyan. Ayaw mo pa maniwala."

Maikli akong tumawa at umiling. "Tigilan mo nga ako. Hindi ako gusto niyan," wika ko.

Marahas itong suminghal. "Palagi ko iyang nahuhuling tumitingin sa 'yo, girl!"

"Porque tumitingin, gusto na?"

"Oo!"

"Edi gusto mo si Richard?" taas-kilay kong tanong at itinaas ang isang gilid ng bibig. "Lagi rin kitang nahuhuling tumitingin sa kaniya." Mas lumawak ang ngisi ko nang hindi ito nakasagot sa akin.

Umiiling kong tinuloy ang pagkain ko nang tuluyan na itong tumahimik. Si Richard lang pala katapat neto, eh.

"Shit!" bulalas niya dahilan para tumingin ako sa kaniya.

"Bakit?"

"Si Primo," bulong nito at tinignan pa ang likod ko.

Napalingon na lang din ako sa likod ko. Doon ay nakita ko ang lalaking tinutukoy niya. Tumatawa ito kasama ang dalawang mga kaibigan niya. May hawak siyang plate-tray sa isang kamay at dalawang plastic bottle ng tubig ang isa.

Dumako sa direksyon ko ang mga mata niya at pagkatapos ay naglakad na siya patungo sa amin kasama ang dalawang kaibigan.

Inikutan ko siya ng mata at ibinalik ang tingin sa kaharap. Kagat-kagat nito ang labi at nakatuon ang mga mata sa pagkain.

"Para kang tanga," usal ko at kumain na lang rin. "Alam kong gusto mo siya pero huwag ka namang sobrang obvious."

Napatingin ako sa bote ng tubig na pumatong sa mesa namin. Nag-angat ako ng tingin upang tignan ang taong gumawa no'n. Hindi ko na kailangan pang mag-guess dahil alam ko naman kung sino ito.

Wala na sa tabi niya ang dalawang kaibigan. Siguro ay nauna na silang umupo. Tinaasan ko ng dalawang kilay ang lalaking nasa harapan ko. "Oh?"

"Tubig," sagot nito at pinakawalan mula sa pagkakahawak ang bote ng tubig na inilapag niya sa lamesa namin at inilagay ang kamay sa bulsa ng sout na loose-pantalon.

"May tubig ako," nguso ko.

"Lista ko na lang, hm?" Tinaas-babaan pa niya ako ng dalawang kilay. Tinanguan niya ng isang beses ang kaharap ko at pagkatapos ay ibinalik sa akin ang paningin. "Sabay tayo mamayang hapon. Kutos ang abot mo sa 'kin kapag tinakasan mo ako," litanya niya bago umalis nang walang paalam.

"Sheesh!" impit na tili ni Gizelle nang tuluyang makaalis si Primo. "Paanong hindi ka kinikilig sa kaniya? Ang gwapo niya, shet."

Inilingan ko lang siya at kumain na ulit. "Tanga lang kikiligin do'n."

"Edi tanga ako?"

"Gano'n na nga," tumatango kong sagot. "Tinatanong pa ba iyan?"

Nahuli ko ang pagnguso niya. "Ediwow."

May katangkaran si Primo. Matatangkad rin naman ang ibang lalaki rito sa school pero kung ikukumpara, mas angat ng kaunti si Primo. Namana niya kay tito ang pagkamoreno. Ang mga mata naman niyang may kasingkitan ay nakuha niya kay tita na isang koreana. Kasali rin siya sa mga varsity player namin, sa baseball team. Isa siya sa mga minamahal, inaalagaan, hinahangaan at lahat-lahat na na athlete. Kahit na gano'n, na-me-maintain pa rin niya ang pagiging honor student. Ang hindi nga lang alam ng nakakarami, ungas siya.

Pagkatapos naming kumain ay nagtungo agad kami sa room. Nadatnan namin doon ang ibang classmate na nanonood ng TV. Tumatawa pa sila sa pinapanood kahit na hindi naman masyadong nakakatawa iyon.

"Parang tanga 'tong mga 'to," mahinang usal ni Gizelle nang makaupo kami.

"Shh," suway ko rito. "Baka marinig ka."

Dumb Ways to DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon