1

3K 6 4

Type Number One :

CLOWNS

Ang official kenkoy ng klase.

May mga one-liner na gumigising sa lahat kapag nagkakaantukan na.

Sabi ng mga teacher, eto raw 'yung mga KSP sa klase na dahil hindi naman matalino e idinadaan nalang sa patawa ang pagpapapansin.

Pero aaminin ko, walang klaseng walang ganito, at kung mayroon man, magiging matinding sakripisyo ang pagpasok sa eskwela araw-araw.

***

Ako nga pala si Jethro. Papasok na naman ako sa school. Third year college na ako sa Fusek Peters University. At ako ang clown sa aming klase. Literal na clown.

Walang araw yata sa school na hindi ako pinagtitripan at basta basta na lang pinagtatawanan.

Sa itsura ko ba namang tatalo pa sa panakot sa daga. Baka hindi lang sila matakot, sila na lang din ang pumatay sa sarili nila sa sobrang pagkamuhi sa itsura ko.

Pagkarating ko sa room, binati na agad ako ng mga kaklase ko.

"Hi Jeth! Naligo ka ba?"

"Uy Jethro the buda!"

"Jethro! Eto pabango ko, baka gusto mo?"

At marami pang ibang bumati sakin. Di ko na lang sila pinansin. Sanay na ako. Ano pa bang bago?

Isang Dosenang Klase ng Estudyante Ng High SchoolBasahin ang storyang ito ng LIBRE!