I tried to shove his hands but he was too strong so I couldn't get rid of it. Napatingin ako sa paligid at halos ng atensyon ng mga nasa gym ay nasa amin.

"What the fuck is wrong with you, Timoteo?" Mariing pagkakasabi ko sa kanya.

"Huwag mo akong minumura, Nayumi. Let's go home, now." He said in a tight voice.

Anong uuwi? Nasisiraan na ba siya? May laro pa ako! Mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin ngunit hindi ako nasasaktan. Matalim ko siyang tinignan.

"Pre, kalma lang. We're just talking-" Hindi natapos ang sasabihin ni Blade nang magsalitang muli si Timoteo.

Mukhang nataranta ang mga players sa biglaang sitwasyon, kaninang nagtutuksuhan ay parang nakakahula sila sa maaaring mangyari.

"The show is over, man. She's not into you, that's all." He said.

"Ang harsh mo naman pre!" Blade dramatically said.

Nakita ko ang pagpigil ni Blade. Alam kong iniisip niya ang mararamdaman ng kapatid niya kung papatulan niya pa ito. Pero mukhang hindi niya naman papatulan si Timoteo. He's smirking like crazy.

"Halika na, Nayumi." Sambit ni Timoteo ngunit hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko dahilan para bumalik ang tingin niya sa akin.

"And I'm also not into you...So please? Let me go." Seryoso kong sambit na ikinatigil niya.

His eyes widened, and his brows furrowed in disbelief as my word sink in. His mouth slightly open, speechless at my unexpected request. Naramdaman ko ang paghina nang pagkakahawak niya sa akin so I took that chance to shove his hands away.

"Pasensya na. Mauuna nalang ako sa labas." He softly said.

Parang kumirot ang puso ko nang mapagtanto ang dahan-dahan niyang pag-alis. Gusto ko siyang puntahan pero may kung anong pumipigil sa akin.

I'm Nayumi Skye Zavala, a girl who always prioritize her peace, who always chose herself more than other people, who always love being alone than loving someone.

But why do I feel that I am asking for a sign from the heaven's above to give me the right person?

At bakit pakiramdam ko, bakit nasa isip at puso ko na si Timoteo ang taong iyon? Kaya hindi ko siya kayang layuan nang tuluyan.

Sinundan ko siya ng tingin palabas ng court. May nakita pa akong lumapit sa kanyang mga babae ngunit hindi niya ito pinansin dahil dire-diretso siyang lumabas. Napabuntong hininga ako nang makita ang mukha ng bata.

"I'm sorry but I have to go now." I gave her an apologetic smile.

"It's okay ate Nayumi, I hope I see you again!" She giggled that caused me to smile. Hinawakan ko ang pisngi niya.

"We will meet again, Blaze."

Tuluyan na akong lumabas ng court. Sina Isla ay nauna na siguro sa locker room kaya ako lang mag-isa ang pumunta roon.

Dumiretso ako roon at nakita ko sina Trina na kinuha ang mga uniforms nila. Tinapunan nila ako ng tingin at ako naman dire-diretso sa locker ko. Kinuha ko yung jersey ko at pumasok sa girls room.

Naririnig ko ang kwentuhan nila ngunit hindi ko iyon binigyan ng atensyon. Halata rin na tungkol sa akin ang topic.

"Balita ko nga hindi na siya pinapansin ni Timoteo, obvious na hindi naman talaga siya gusto ng lalaki." Pagtawa ni Trina.

"Akala siguro niya ay hahabulin siya ni Timoteo, as if? Hahaha! Kahit ayaw ko kay Yna? Pwede na rin sila." Daisy laughed, her one friend.

Parang kambing siya kung tumawa. Napairap ako nang malaman ang mga iniisip nila. Ganoon pala iyon? Napatawa nalang ako. Ano naman kung mas bagay sila? I don't even care.

Somewhere In The Haze (Aloha Haven Series 1)Where stories live. Discover now