"Meralco Bill Ate Ganda...Good Morning ho!",wika ng nakitang mama at lilipat sa kabila

Manunumbalik ang kalungkutan ni Janice at isasara muli ang gate. Ngayon ay didiretso na siya sa kanilang pintuan hawak-hawak ang mga papel na nakuha. Hindi pa man nakakapasok sa loob ay makakarinig naman ngayon ng beep mula sa bagong park na van. Mas mabilis ang tibok ng puso niya ngayon na inaakalang LVC Padala ito. Bubuksan ang gate.

"Sis!!! Kumusta ang hangover?!", banggit ni Rhyna pagkatapos bumaba sa van na kasunod ni Vince na kinuha ang malalaking plastic bag

"Eto... kagigising ko nga lang eh!", sabi ni Janice na nagpupunas-punas pa ng mukha at hindi mapapansin ang pag-akyat ng isang babae sa bakod sa kanyang likuran, "Bakit kayo lang??? Nasaan si Rubie?"

Biglang may kakalabit sa spinal cord ni Janice sa loob ng bakuran malapit sa gate at gugulatin ito, "Surprise!", ani Rubie

"Waaah! Paano ka napunta diyan?!", paglingon na tanong ni Janice habang may bitbit na mga dalahin na pumapasok sa kanilang bahay sina Rhyna at Vince

"Simple lang Sis... Nag-teleport ako!", dagdag ni Rubie

Pipitikin ni Janice ang isang tainga ng dalaga, "Buwisit ka! Teleport ka diyan..."

"Aw! Masakit yun Sis ah... Tumalon ako sa bakod niyo habang kausap mo sina Rhyna! Lumilipad na naman kasi yang utak mo kani-kanino kaya hindi mo ako pinapansin..."

Lalapit si Rhyna sa dalawa at magsasalita "Siguro Sis... ine-expect mong sasakyan ni Papa Julius ang paparada sa inyo nuh?! Acheche..."

"Hindi... ano ba kayo!", pagpapanggap na sambit ni Janice. Ngingiti si Janice sa mga kasama at isasara ang gate. Pupuntahan niya ang mesa sa bakuran at magugulat sa makikita, "Anong meron???"

Tumambad sa bagong gising ang limang platong styrofoam, mga basong plastic, dalawang boteng isang litrong softdrinks na iba-iba ang manufacturers, isang kalderong tutong na kanin, isang platitong sawsawan na may toyo, plastik ng nahiwang kalamansi at mga siling pula, at ang main course... FRIED CHICKENS!

"Ano pa ba? Edi anniversary ng dalawang mag-jowa na ito!", sagot ni Rubie na galing sa kusina nina Janice upang kumuha ng mga tinidor, kutsara at matalas na kutsilyo

"Yup! And my dear sister... ito rin yung day ng first kiss namin ng Honey Bhe ko...", sabat ni Rhyna na tititig sa kasintahang mas bata na nakaupo sa harap ng lamesa

"Weh??? Sample naman diyan!", sabi ni Rubie na tatabihan si Rhyna sa upuan, at papalakpak, "Sample! Sample! Sample! Sample!"

Magbabasa ng laway sa labi si Rhyna... nanakawin ang mukha ng boyfriend at hahalikan ito sa labi. PZZZZZSQ!

"Mabuhay ang bagong sakal!!! hoooh!", sigaw ni Rubie na kukuha ng atensiyon ng lolang nagpapahinga sa sala at nang bagong ligo na si Leo sa loob

"Huwag nga kayo!", malanding banggit ni Rhyna, "Hon... oh!"

"Eh kung ganun nga, bakit hindi kayo mag-celebrate sa house niyo Vince? o sa chapel? o sa Restaurant... sa mamahaling restaurant!", sambit ni Janice

"Sis...", sagot ni Rhyna habang sumusubo ng pira-pirasong fried chicken sa bibig, "Sinubukan na namin! Eh kaso traffic sa Mak-Mak-Mak-Mak...ati na tinitirhan ni Vince kaya nagsimba na lang kami saglit sa Chapel eh, Mak-Mak-Mak-Mak...ulit 'to si Vince... at gusto na ring Mak-Mak-Mak-Mag...tipid. Kaysa sa mga Restaurant pa, why not Mak-Mak-Mak-Mak...ki-bonding na lang sa inyo rito 'di ba? ang saya!"

"Oo naman Sis... tsaka Mak-Mak-Mak-Mag-ing...", sabi ni Rubie na magtataka sa sinasabi pagkatapos kumagat ng pakpak, "Masaya ka na rin kahit papano... alam naman naming may pinagdaraanan ka pa rin hanggang ngayon nuh!"

"Salamat...", sambit ni Janice na sasaluhan na rin ang mga kaibigan sa lamesa. Tatawagin na rin ni Rubie si Leo para kumuha ng makakain para sa matandang naka-wheel chair at naglagay na rin ng mga softdrinks si Vince sa baso't makikipagkuwentuhan.

"Mabuti pa ang dalawang ito...", wika ni Rubie na nakatingin sa magkasintahan, "Sa darating na Pasko... hindi malamig ang selebrasyon nila nuh! Habang kami ni Janice..."

"Ay sus! kay Janice maniniwala ako... pero sa'yo?", sambit ni Rhyna kay Rubie pagkatapos uminom ng softdrink, "As... if!"

Biglang maririnig ang message tone ni Rubie sa cellphone

"Oops!", wika ni Rubie na ibababa muna ang hawak na isang kutsarang kanin. Babasahin niya ang text sa cellphone, "Oh my! Nakikipag-meet na siya Guys!"

"Huh? Sinong siya?!", usisa ni Janice

"Yung...", kinakabahang sagot ni Rubie na biglang hihinto at isusunod ang mas mataas na boses, "Yung nakilala ko sa bar kagabi!!!"

"Woah!", gulat ni Vince

"Yung cute na nakasayaw ko tapos nakipag-tose pa nga ng Martini's sa akin sa kanyang table... He is awesome! May French blood! Tapos nagpalitan na kami ng number..."

"And... then...", sambit ni Rhyna

"Then, we shoke hands! Yun lang!", wika ni Rubie

"Okay... Akala ko ginawa mo rin yung nangyari nung una mong nakilala si Cesar sa isang bar eh... Yung memorable talagang moment sa buhay mo!", sambit ni Rhyna kay Rubie

"Huy! hindi na ako sobrang flirt gaya ng dati nuh! And I'd better take care of my actions na rin tsaka meet lang naman ito! Malay mo, gusto niya lang akong makita ng malapitan para maniwala siyang maganda ako kahit hindi siya lasing nuh!", dagdag ni Rubie

"Haha! Inunahan mo lang ako sa sasabihin ko eh! Pero, good for you Sis! Minsan, ipakilala mo rin yan sa amin ni Vince at Janice nang makilatis!", sambit ni Rhyna na hahawak ng kamay kay Vince at susubuan ito ng naisawsaw na karne ng manok

"Haaay... Pagbigyan niyo na ako! Para naman bago magpalit ang taon eh may lovelife ako! Hindi ba...", wika ni Rubie na ibabaling ang tingin sana kay Janice ngunit mapapansin na nakatulala ito

"Mabuti pa kayo...", pabulong na banggit ni Janice na nakatitig sa malayo, "Mabuti pa kayo...", at dire-diretso siyang sumusubo ng mga pagkaing madadampot ng kamay kahit hindi nito nakikita. Uminom din siya ng softdrink na may tumulo-tulo pa sa kanyang leeg. At sumubo... ng sumubo...

"Sis...", tapik ng katabing si Rhyna kay Janice na nakatulala pa rin, "Ayos ka lang ba?"

Pagkatapos sumubo at ngumuya ni Janice ay unti-unting sisimangot ang pagmumukha nito. Magiging gusot ang balat ng mukha at didila ang dalaga.

"Sis...", ikalawang sambit ni Rhyna na nag-aalala sa kaibigan

Lalo pang sisimangot ang pagmumukha ni Janice... mamumula at luluha... Sa pagnguya ay malakas itong iiyak at manginginig.

"Sis... sinabi na sa'yong huwag mo nang isipin si..", wika ni Rubie na lalapit sa nangungulilang kaibigan

"Huwaaaaah! Ang... ang anghang!!!", sigaw ni Janice na makakakuha ng tatlong maliliit na tangkay ng sili sa gilid ng ngipin, "Pahingi ng tubig!"

"Tubig???", tanong ni Vince na makikitang ubos na rin ang laman ng dalawang bote ng softdrinks at nabuhos pa ang baso nila sa pagkakataranta. Naiihing pumasok sa loob ng CR si Rubie habang inaalalayan naman ni Rhyna si Janice sa kanyang upuan.








TUBIIIIIIIIG!

If we fall in-luvKde žijí příběhy. Začni objevovat