"Sis... makinig ka!", sabi ni Rhyna habang yinuyugyog ang malungkot na kaibigan, "Hindi bawal ang umibig... okay? Ang bawal lang ay yung hindi ka magtitira ng pang-unawa o pagmamahal para rin sa sarili mo! Mas kailangan ka ng kaluluwa mo kaysa sa katawan ng ibang tao!"

"Definitely! Tsaka sinabi sa note ni Papa Julius na 'The Feelings were still True'... Meaning, mahal ka pa rin niya! yun nga lang kailangan ka na niyang kalimutan kasi maaaring...", sambit ni Rubie habang may paparating na babaeng naka-high heels sa kanila

"Maaaring may iba na siyang mahal!", patuloy ni Rhyna na lalo pang magpapalakas ng hagulgol ng dalaga, "Oops! Patawad Sis!"

Pipilitin si Janice na patahanin ni Rubie upang hindi maka-istorbo sa iba pang mga staff na nagtatrabaho. Biglang may pupuntang babae sa tapat nito.

"Ehem... Ang aga naman ng Teleserye Bida! Akala ko mamaya pa yun pagkatapos ng TV Patrol???", taas-kilay na iwinika ni Mya at agad magsisipag-alisan ang dalawa pang kaibigan ni Janice sa naturang cubicle

"Uhm... So... Sorry po Ma'am", banggit ni Janice na unti-unting tatahan

"Anyways... Janice, I want your second draft on your Investigative Report within this week!", wika ni Mya

"Agad-agad po???", tanong ni Janice na namumula pa rin ang ilong

"Yes!!! kung kaya mo bukas na agad...edi better!"

"Pero wala pong ini-inform si Manager...", putol ni Janice

"Just do!", mataray na sagot ni Mya na dahan-dahang umalis sa cubicle ni Janice at umupo sa sarili niyang cubicle. Kahit mabigat ang nararamdaman ay tumapat si Janice sa kanyang computer.

Habang abala ang iba, ay in-open ni Janice ang Microsoft Word sa Computer at nag-hang. Sa sobrang inis ay in-off nito ang CPU at binuksan muli para ma-refresh. Umabot ng five minutes bago tuluyang mag-open ang monitor papuntang desktop. Ang puting mouse na may LED lights sa scroll nito ay hindi rin nagpa-function ng maayos kaya niya naihagis ito sa gilid ng monitor. Ginamit na lamang niya ang arrow buttons sa keyboard at binuksan ang Microsoft Word. Ang Antivirus dialog box ay biglang nag-appear upang ma-update at ma-scan ang buong system na inaprubahan naman ng dalaga. Walang anu-ano ay nagsimulang mag-type si Janice sa computer. Ang font ay Verdana at ang unang talata ay English Article na tumatalakay sa kanyang report hanggang sa pinindot niya ang 'Enter' at nagpahinga saglit. Naisip niya muli si Julius... mga masasayang sandali at mga araw na nagpapalitan sila ng kuwento sa isa't isa hanggang sa mangibabaw ang galit. Pinindot niya ang 'Caps Lock' at mabilis na nag-type si Janice sa keyboard:

NAKAKAINIS! WHALNG KASING SAMA KANG TAO! UMAZA P NMN AQ NA WLA NA AKONG IBANG HAHANAPEN PANG IBBA KUNGHINDIKAW... BUONG PUSO NAMAIN KITANG MINAHAL TAPOS GANITO LANG PALA MATATAPOZ AMHNG RELASYON NATIN! I I I HATE YOUJCBJBNKLFAOEBJVKJMEBAMVKJLKLJL;,KCLK][04-40O]';P]P];!

Sasakit ang ulo at mapapasigaw.... AAAAAAH!

Alas sais ng gabi at kauuwi lamang ni Janice galing sa trabaho. Bago buksan ang gate ay mapapansin ni Janice ang dalawang magkasintahang nakaupo sa gilid ng kanilang kalye. May hawak na stuffed toy at bulaklak ang babae na nakangiti sa lalaking nakaakbay sa kanya. Nang bigyan ng lalaki ng isang card na naka-sobre ang dilag ay nagulat ito! Binuksan ng babae ang card at binasa... nang ma-touch ay niyakap niya ang lalaki at hinalikan sa labi. Isang lingon ni Janice sa may kapitbahay ay may magkasintahan din na matamis na matamis na nagse-selfie sa tapat ng bahay. May pose silang dalawa na nakadila, jumpshot, nakapikit, cold teeth at sungay-sungayan sa ulo. Nang ilabas ng lalaki ang dalang selfie stick ay lalo pang natuwa ang babae at bumulong sa lalaki na lalo pang nagpatamis sa dalawa. Ayaw nang makita ni Janice ang iba pang mga eksena kaya't malungkot na pumasok ito sa bahay at unti-unting umiyak. Hindi pa man naisasara ni Janice ang kanilang gate ay may nakasumbrerong snatcher ang kumuha ng Smartphone ng nagseselfie na agad namang hinabol ng kasintahang lalaki nito.

"Oh! Parang malungkot ata ang anak ko?!", bungad ng lola kay Janice pagpasok nito sa sala

"Wala po lola... Napagod lang!", sagot ni Janice

"Wehh? Araw-araw ka namang napapagod eh! Heartbroken kamo!", sabi ni Leo na nanunuod ng mga balita sa telebisyon, nakabukangkang at may hawak-hawak na nakabuklat na libro

"Janice...", banggit ng lola na hahawiin ang bangs ng apo, "Ganyan talaga ang umibig... ang ma-in love! Nasasaktan man tayo pero kaya pa rin nating hilumin ito kasi hindi lang isang tao ang pwedeng magmahal sa atin... Nandito kami ni Leo! Nariyan ang mga kaibigan mo! Pati ang mama at papa mo!"

"Lola...", sambit ng apo na yayakap ng mahigpit sa matanda. Pupuntahan sila ni Leo

"Tsaka ate... Pagbali-baligtarin mo man ang itsura nun! Tsk! Mas guwapo pa rin ako dun noh! 'Di ba La?", wika ng binata na dadagdag pa sa dalawang nagyayakapan

"He he! Sige na nga! Buti na lang pinsan kita!", sambit ni Janice na guguluhin ang buhok ng binata. Magtatawanan din sila.

"Haaay... Nung iniwan ako ng lolo niyo, hindi ko na dinamdam! Bagkus ay mas minahal ko ang iniwan niya sa akin... Si Leonisa!", banggit ng lola na titingin sa kaninang nalulumbay na apo, "Sampung minuto pagkatapos kaming layasan ng babaero mong lolo, nagkakilala at naging magkaibigan ang mama at papa mo na nagkabangga..."

Pahihintuin ito ni Janice, "Lola!!! Tama na yan! Kinuwento mo na 'yan sa Chapter Seven eh! Move on na 'La!"

"Ay! oo nga pala... Akala ko'y hindi pa!", banggit ng lola na mapapansing magtutungo sa kusina si Leo at maghahanda ng kanilang hapunan

"Lola! Ate Jans! Ikain na lang natin 'yan at marami pa akong rerebiyuhin mamaya! Tara!", yaya ni Leo na susundin naman ng dalawa pang kasama sa bahay.

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now