"Tama kayo, Black Bears, kasabwat nila si Astro."


Huh?


"Si Astro... ang underdog na yun ang dapat na pinapahirapan ng ganito. Narinig ko ang plano nila three days bago kayo dumating dito."


"Three days? Mali ka, kadarating lang namin dito sa London nang araw na iyon ," siguradong sagot ni Sophia.


Hindi ako sigurado kung anong araw lumapag ang private plane dito sa London pero sigurado din akong tatlong araw na rin kami dito. Kung ganun, anong alam niya?


Bagamat nakatali sa upuan, agad ko siyang kinwelyuhan at halos masakal ko na rin siya. "What are you saying? ," gigil kong tanong.


"Three days ago nang pumunta ako sa Cambridgeshire dahil sa isang mission na binigay sa akin ni kuya para kay Lady Jhayd. Pero nagkaroon ng conflict nang araw na yun dahil may nakasagupa kaming isang grupo. Nagkahiwa-hiwalay kami ng mga kasama ko at ngtago ako sa madilim na lugar."


"At ano pa? ," seryosong tanong ni Sophia matapos niyang kumuha ng mauupuan at hinarap si Anton.


The atmosphere between Anton and Sophia... mas nagiging tensyonado ang titigan nila to the point na para bang lalamunin ni Phia nang buo si Anton kung magkakamali ito ng salitang babanggitin.


"G-Gabi nang araw na yun pero dahil sa kaunting ilaw mula sa buwan, n-nakita ko sila ," nauutal niyang panimula.


"Sino naman sila?! ,"


"Si Astro! Yung unang underdog na si Astro na akala ko noon namatay na dahil sa balita tungkol sa Dark Angel at ang mga kasama niya nang gabing yun. May pinaplano sila tungkol kay Master Zeke. Gusto nilang angkinin ang Underground."


"Tungkol kay Master Zeke? Ano naman kaya ang balak nila? ," tanong sa akin ni Sophia na nagbunga ng pagblangko ng isip ko.


Tama... ano'ng balak nila?


"Ang rinig ko pa, utos daw iyon ni Master Wolfux! ," dagdag niya pa.


Nanindig ang mga balahibo ko matapos marinig ang pangalan na iyon dahil si Master Wolfux ang ama ni Florian at kasama siya sa mga namatay sa Underground three years ago. Kaya paano?


"Patay na si Master Wolfux. Niloloko mo ba ako? ," naiinis na sambit ni Phia.


"H-Hindi, Miss Sophia. Akala ko din noon na imposible yun dahil nga namatay si Master Wolfux sa Underground pero mali ako, mali tayong lahat! Palihim akong naghanap ng impormasyon para hindi malaman ni kuya at nalaman ko na si Master Dominique ang namatay at hindi siya."


"S-Si Master Dom? S-Sigurado ka bang siya ang namatay noon? ," nauutal na tanong ulit ni Sophia.


"Ano'ng ibig niyang sabihin, Sophia? ," nalilito kong tanong.


Hindi ko na sila maintindihan.


"Michael... si Astro kasi... underdog siya ni First Master Dominique. At kung siya talaga ang namatay noon sa Underground, may possibility na si Astro mismo ang pumatay sa kanya at pinagtakpan yun ni Master Cairo ," halos hindi makapaniwala niyang sagot.


Kung ganun... ang ama nga ni Florian ang mastermind? N-No, impossible yun!


"Nasabi din ni Rex na may half-truth sa text na natanggap niya at possible na ginamit lang din nila si Florian ," I uttered.


"Ako ang nagsabi kay kuya na magpadala ng text na yun kay Lady Jhayd bago pa malaman ni kuya na buhay si Master Zeke at si Astro. Hindi niya alam na ako ang unang nakaalam ng bagay na yun at hindi rin nila alam until I told him na sabihan ang Tower. Hindi ko na alam kung sino'ng pagkakatiwalaan ko matapos akong makarinig ng ganun kaya kay Lady Jhayd na ako dumeretso. Natatakot na ako ," biglang pag-amin ni Anton.


"Hindi maniniwala si Rex kapag narinig niya yan... ," sambit ni Sophia na agad kong dinugtungan ng, "...at lalong hindi maniniwala si Florian."


Nagpalitan kami ng tingin at sa hindi ko malamang dahilan, nagkaroon ako ng alinlangan. Dapat bang sabihin pa namin kay Rex at Florian? O hayaan na lang na sila ang makaalam?


"Kailangan na magmadali kayo. Kung noon hindi namatay si Master Zeke, baka ngayon mawala na talaga siya. Ayoko na ulit marinig yung balita tungkol sa ginawa ni Lady Jhayd sa Underground three years ago at mas lalong ayokong makita yun."


Tama si Anton. 


There is a high possibility na mangyari ulit yung ginawa ni Rex sa Underground noon.


There is a high possibility na kahit si Sophia ay hindi na siya kayang pigilan na pumatay.


Ano ba'ng dapat naming gawin?

UNDERDOGS AND DEMONSDonde viven las historias. Descúbrelo ahora