Chapter 38

1.3K 27 1
                                    

Sean's pov

Habang inaayos pa rin ang mga gamit ni Akira ay tinawagan ko ang kuya nya para ipaalam sa kanya na uuwi kami dahil gusto makita ni Akira ang magulang nila dahil sa miss na rin naman nito ang magulang nila.

"Anong oras ang alis nyo mamaya?" Tanong sa akin ni Ace. "Mamayang hapon pa naman, ikaw na muna ang bahala sa lahat baka matagalan pa kami pero pag emergency na tawagan mo nalang ako agad." Tumango naman agad sya bago inilabas ang mga pinapalabas ko sa kanya mga gamit na ipapadala ko sa pamilya ni Akira mamaya.

"Boss tapos ko na pong ayusin mga gamit ni ma'am Akira sa kwarto nyo." Tumayo na ako sa inuupuan ko bago umakyat sa taas para pagayakan na si Kira.

Akira's pov

Naalim pungatan ako ng mga humahalik-halik sa pisngi ko kaya dinilat ko na ang mga mata ko at sinalubong ng mga mata ni Sean bumungad sa akin.

"Inaantok pa ako," inaantok na sambit ko sa kanya, natawa naman sya. "Ayaw mo bang puntahan sila mama mo?" Doon ay nagising bigla ang diwa ko at napabalikwas pa ng bangon kaya nagkatamaan ang ulo at ilong ni Sean.

"H-hala sorry!!" Natatarantang sabi ko pero ngumiti lang ito. "Inayos ko na ang paligo mo at damit sa may bathroom. Hihintayin nalang kita sa baba," hinalikan nya muli ako noo ko bago sya umalis sa kwarto namin.

Pag pasok ko sa loob ng bathroom ay namangha ako sa nakita ko. May mga petals na naman na nakakalat ganon din sa bathtub na bumubula pa.

"Hahaha ito na naman pala ulit," napapailing nalang ako na may ngiti sa labi.

Fast forward

Paglabas ko ng kwarto ay nasalubong ko si Margaret.

"Nako tehh parang ayaw mo pa atang lumabas sa cr eh," natawa ako sa sinabi nya."Napasarap kasi sa paliligo kaya natagalan." Sagot ko sa kanya pero ngumisi sya na ikinataka ko.

"Paanong di makakapag relax kung may asawa ka naman na sobrang sweet at maalaga?" Namula ako sa sinabi nya.

"Ahh talaga lang ah," iniwan ko na sya at habang papalayo ay narinig ko pa syang tumawa. "Nasa may garahe na si sir Demon don ka nalang nga hinintay!" Sigaw nya kaya kinayawan ko nalang sya.

Pag labas ko ay nakita kong nakikipag tawanan sya sa mga kaibigan nya.

"Nandito na ang mahal na reyna," napailing nalang ako sa sinabi ni Neil bago hinarap si Sean na ngayon ay may ngiti sa labi.

"Let's go? Mahaba pa ang biyahe natin?" Tumango ako sa kanya bago nya buksan ang passenger seat.

"Enjoy sa travel nyo," nabatukan ni Wade si Warren na ikinatawa naman ng dalawa. "Lakas ng bibig mo parang speaker." Napanguso naman si Warren.

"Alis na kami, kayo na ang bahala dito." Tanging tango nalang ang sinagot nila kaya pinaandar na rin ni Sean ang kotse nya.

Habang nasa biyahe kami ay dumaan muna kami sa may mall para bumili ng mga pasalubong para kila mama at kumain muna ulit kami bago bumiyahe. Sabi nya medyo malayo daw ang bahay nila mama baka daw mga isang oras ang biyahe, ewan ko ba sa lalaking ito kung saan nya dinala sila mama.

"Yong pagkain ko?" Tanong ko sa kanya, natawa naman sya ng mahina kaya napangiwi ako. "Alam kong hahanapin mo yon kaya dinala ko na rin at pati yong mga bagong binili ko sayo kanina." Napangiti ako sa sinabi nya.

Minsan paiba-iba ang mood nya madalas kasi masungit ito lalo na sa ibang tao o di kaya sa mga kaibigan nya pero pag dating sa amin sweet sya lalo na sa akin.

Kung noon o dati kung kaylan nag aaral pa kami palagi nya sinisira ang araw ko, binunully at inaasar nya ako noon kaya talagang naiinis ako sa lalaking ito kasi masyadong papansin tss.

Pero ngayon? Sa kanya rin pala ako babagsak. Pero sila kuya at sya di pa rin okay siguro dahil sa nakaraan nila kaya ganyan sila.

Naramdaman ko ang kamay ni Sean sa palad ko at pinagtiklop nya yon kaya napalingon ako sa kanya.

"Matulog ka na muna, mamaya gigisingin kita." May binigay sya sa akin sa back seat bago ipinasuot ito sa akin sa leeg. Parang pillow neck ata ito para daw di mangawit ang leeg ko.

Hanggang sa makatulog na ako.

Kylne's pov

Masaya ako ngayon kasi makikita ko na ulit sila ate Kira at kuya Demon. No'ong unang nag kita kami galit na galit si papa kay kuya lalo na't nalaman nya na si kuya pala ang dahilan kaya maagang nag kaanak si ate ko.

Pero sabi nya kaya nya naman daw na buhayin sila ate at ang mga pamangkin ko tinulungan nya pa nga kami nila nanay na lumipat ng bahay dito rin sa manila pero malayo kila ate mga isang oras lang daw ang layo sa kanila.

Si kuya din ang dahilan kaya nakapasok ako sa scholarship at sa school din na pag mamay-ari ni kuya Demon ako nag aaral. Ang yaman ng asawa ni ate hahaha.

Sa ngayon ay nag aayos ako dito ng lumapit sa akin si Denise. Ayaw nya tawagin ko syang ate kahit na mas matanda sya sa akin ng apat na taon.

"Aalis na ako, pasabi nalang kay nanay mo na umalis na ako." Bakit kaya iniiwasan nya ang kuya nya?

"Ayaw mo ba talaga na mag pakita sa kuya mo?" Tanong ko sa kanya, ngumiti ito sa akin bago hinawakan ang ulo ko.

"May dahilan ako Kylne. At isa pa babalik na rin ang ex ng ate mo at ng kuya ko kaya dapat palaging nag iingat si ate." Mas lalong nangunot ang noo ko sa sinabi nya.

Dati kasi bago ko malaman na buntis si ate nasa puder ako ng tita at lola ko sa side ni nanay pero no'ng bumalik sila ate sa probinsya ay umalis na rin ako sa puder nila tita ko.

9 year old na ako nong panahon na umuwi sila inay sa probinsya.

"Malapit na rin dumating sila ate mo kaya pakisabi nalang sa nanay mo na mag handa na." Muhkang di ko mapipigilan itong si ate Denise ngayon. Nagulat ako ng ikiss nya ang pisngi ko bago kumayaw sa akin papaalis.

Hala ano yon???

Continue

─────────ೋღ 🌺 ღೋ─────────
Merry Christmas and happy new year too readers sorry ngayon nalang ulit

Hiding My Twin From Billionaire's Father(HIDING SERIES #1)UNDER EDITEDNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ