Chapter Nineteen

NAOMI

"Do you like me, Naomi?

Tama nga ang sabi nila. Ang isda ay nahuhuli sa sarili niyang bibig

Nakatingin pa rin ako hanggang ngayon kay Drew at hindi ko malaman ang dapat kong i-sagot sa tanong niya.

Gusto kong bawiin ang sinabi ko. Gusto kong sabihin na joke lang katulad ng sinabi niya na isang malaking joke lang din ang pag amin niya sa akin.

Pero meron ding parte sa isip ko na sinasabing wag kong bawiin at panindigan ko dahil pag binawi ko ito, pagsisisihan ko ito.

At dahil undecided ang utak ko sa kung anong dapat gawin, nanahimik na lang ako.

Nasaan si Stephen? Kailangan ko si Stephen! Sana sumulpot siya at sirain ang moment na 'to.

Nasaan siya ngayong ito na ang pinaka perfect moment para um-epal siya?

"Naomi, please answer me," sabi ni Drew.

Napaiwas ako bigla nang tingin at itinutok ko ang mga mata ko sa tubig ng pool.

"Ahm.. a-ano kasi eh.. ganito kasi yun..." pautal utal na sabi ko. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga alam kung ano ang dapat sabihin.

Ganito ba ang pakiramdam ng nagtatapat? Grabe nakaka nerbyos. Partida wala pa kong practice! Biglaan ito!

Naramdaman ko na ipinatong ni Drew ang kamay niya sa kamay ko and he gently squeezed it.

The fuck? How to calm?

"Naomi," he said in a low voice, "may gusto ka ba sa akin?"

Huminga ako nang malalim. Pilit na pinapakalma ang nagwawalang puso ko. Pumikit ako sabay sabing---"Oo. Meron."

I dropped the bomb. Wala na. Wala nang atrasan 'to. Sinabi ko na sa kanya. Umamin na ako sa kanya. Hindi ko na mababawi ang sinabi ko.

"Look at me, please," sabi niya pero umiling ako at nanatiling nakapikit ang mga mata ko.

Ramdam na ramdam ko ang pag init ng mukha ko. Hindi ko matitignan si Drew. Ayoko. Hindi ko kaya.

"Naomi," naramdaman kong hinawakan ni Drew ang magkabila kong pisngi at iniharap sa kanya. "Please, look at me. Sabihin mo sa akin yan nang nakatingin ka sa akin."

"A-ayoko!" pilit kong ipinihit ang mukha ko but he won't let go.

"Please?"

Humarap ako sa kanya pero sa may pool nakatingin ang mga mata ko.

"Naomi, look at me and tell me you like me."

"Ayoko nga kasi sabi! Once is enough!" at muli akong pumikit.

"Please, Naomi?"

"Bakit, ano ba kung mahal kita?" sabi ko habang nakapikit pa rin. "Eh wala ka namang paki sa akin, eh. Hindi mo naman ako gusto. 'Di ba nga isang malaking joke lang yung sinabi mo! Asang asa na ako nun, pakshet na yan! Tapos sasabihin mo, joke? Tapos ikaw pa may ganang maging cold sa akin? Wow!"

Naramdaman ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ko kaya buong pwersa kong tinabing ang kamay ni Drew at mag w-walk out na sana ako nang hawakan niya ang wrist ko.

Operation: Break the Casanova's Heart (Editing)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!