Part 36

865 51 7
                                    

Jessica:

boss ok na po yung pinapaayos niyo..si mafe, isa sa mga architect dito sa firm, sa firm namin, yes may sarili na kaming firm. Limang taon naba naman yung lumipas at sobrang thankfull ako kasi natupad ko yung matagal ko nang pangarap.

thank you maf's sige na maglunch ka na din..nakangiting sabi ko sakanya, mabilis naman siyang tumango.

napahinga nalang ako nang malalim nung matapos ko din yung ginagawa ko, 12:30 na pala ng tanghali, napangiti naman ako nung makita ko yung picture naming tatlo nila ellie at kyla, sa amin tong firm na to, akala nga namin nung una hindi makikilala yung sarili naming firm, hindi naging madali pero nagawa namin.

oi best ano hindi kapa kakain? si kyla nung tumayo siya sa upuan niya, nag aayos na din siya ng gamit niya para lumabas at maglunch.

kakain na din sabay na tayo..sagot ko saka inayos na din yung gamit ko, gutom na din kaya ako.

nandito na kami sa canteen na kinakainan namin, actually si mama ang nagluluto dito, ewan ko ba naisip nila ni papang gawing bussiness to, syempre pabor naman sa amin kasi sigurado kaming laging bago at masarap yung kakainin namin, nung una tumutol ako kasi sabi ko mapapagod lang sila pero wala din akong nagawa mapilit sila at lalo lang daw silang manghihina pag nasa bahay lang sila kaya hinayaan ko nalang din para malibang sila.

tita wala po talangang kupas yung luto niyo, sirang sira lagi yung diet ko..si kyla habang puno pa nang pagkain yung bibig niya kaya nailing ako, para parin bata tong bruha na to limang taon na yung lumipas pero wala paring pinagbago sakanya.

hoy bruha ubusin mo muna kaya yang nasa bibig mo..pagtataray ko pero inikutan lang niya ako ng mata saka sumubo ulit, natawa nalang si mama sakanya..

ikaw jessica anak gusto mo paba?..tanong ni mama nung makitang ubos na yung pagkain ko

ma busog na po ako,salamat..

tita ako po gusto ko pa nitong hipon..sabat ni kyla na busy parin kumain, seryoso ba siya? gusto pa niya? yung totoo siya lang talaga yung kumakain o may kasama siyang hindi ko nakikita?..

hoy bruha huwag mo akong tingnan nang ganyan gutom talaga ako..nakangusong sabi niya kaya natawa ako, wala namang akong ibang sinabi  bakit parang nabasa niya yung nasa isip ko?...haha bahala ka dyan..

hay naku bahala ka dyan kumain ka hanggat gusto mo alam mo namang babayaran mo lahat yan..tumatawang sabi ko kaya napatigil siya sa pagkain.

hala akala ko libre mo?..tanong niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

libre mo mukha mo, bahala ka dyan..ma alis na  po ako..mabilis na daldal ko saka tumayo at naglakad palabas ng canteen, mauutakan na naman ako ng bruha na yun.

pagdating ko naman ng office wala pa akong kasama, hindi ko napansin kung nasa canteen pa yung iba, si mafe lang yung nakita dun.

meron kasi kaming anim na engineer dito tapos anim na architect din, dati nagsimula lang kami na kaming tatlo lang at isang architect si maika kaya lang may magandang opportunity sakanya sa japan kaya ginrab na niya.

maaga pa naman kaya nag check muna ako ng phone, wala pang message si ellie baka wala pa siya sa bayan, nasa isang site kasi siya ngayon at walang signal dun.

habang nagsscroll naman ako napako yung tingin ko sa post ni bie,

congrats deans, sabi na e kaya mo yan..caption sa post niya at picture ni deans.

anong meron?

congrats para saan?

congrats ceo..nabasa kong comment ni cait..

ceo? wow! as in wow..

ceo na siya ngayon?

masaya ako para sakanya,  sa lahat ng achievements niya.

limang taon na yung nakalipas at matagal ko na din siyang napatawad,

flashback:

jessica?..si deans nandito kasi kami sa bar ngayon para icelebrate yung natapos naming project, tumaas naman agad yung kilay ko nung makita ko siya..

diba sabi ko..hindi ko pa natapos yung sasabihin ko pero tinakpan niya nang daliri niya yung bibig ko pero mabilis ko din yun hinawi..

sorry!hindi ko sinasadyang magpakita sayo, nagkataon lang na nandito din kami nila bie, im so sorry jessica, dont worry this is the last time na makikita mo ako..seryosong sabi niya kaya natigilan ako, huling makikita? ano bang pinagsasasabi nito? lasing ba siya? namumula kasi ng sobra yung mukha niya.

i hope someday mapatawad mo din ako jessica..huling salitang binitawan niya bago ako talikuran at naglakad palayo sa akin, pakiramdam ko gusto ko siyang habulin pero hindi ko yung ginawa...

eof:

yun na pala yung huli naming pagkikita, nabalitaan ko nalang umalis na siya ng pilipinas, matagal akong walang naging balita sakanya siguro tatlong taon din yun, ngayon lang ulit ako nagkaroon ng balita sakanya nung naging trending siya sa social media dahil sa isang achievements ulit niya, sikat siyang doctor ngayon sa san francisco hindi naman ako magtataka dahil alam kong matalino si deans..

napabalik naman ako sa wisyo nung biglang tumunog yung phone ko..

ma'am goodafternoon po,iinform ko lang po kayo na ok na po yung schedule ng gown fitting next week..sabi sa kabilang linya, ikakasal na nga pala ako..

ikakasal na ako!

MY DIRTY LITTLE SECRETDonde viven las historias. Descúbrelo ahora