Chapter 1

1.1K 42 3

My mother's eyes are beautiful. Maiitim ang mga ito at medyo masingkit. Sa tuwing natutuwa siya ay ngumingiti ang kanyang mga mata, lalo na kapag kasama niya ang mga taong mahalaga sa kanya.

My dad said he fell in love with mom's eyes at first sight. The first time he saw her in the field he was immediately attracted to her dark eyes. May kakaibang ngiti daw kasi sa kanyang mga mata. Nakakahawa. And it's like they're drawing you in.

Miriam Doromal, my mom, was a new volunteer in a feeding program sponsored by a group of Christian missionaries, in which my dad was one of them. Sa feeding program na yun nagkakilala ang aking mga magulang.

Orchestrated by God, they fell in love and got married after two years of knowing each other.

Ang totoo nyan, hindi sang-ayon ang magulang ni mama na pakasalan si papa. Well, mom comes from a wealthy family and a devoted Catholic. Dad, on the other hand, is a born again Christian and God is all he has. He's an Irish man at sa kanya ko minana ang aking mga mata, kulay itim na medyo may pagka-berde.

It took three years para tanggapin ulit si mama ng kanyang mga magulang, it took three years na tinaggap nila si dad, that was when I was born. At the end of the day, God doubled the blessings on my parents. Tinanggap na si papa at pinamanahan pa si mama ng konting share sa Marc Pole.

And because they have wisdom from God on how to manage their money well, mas lumago pa ang ilan sa negosyo ni mama. Kaya naman lumaki ako na hindi kailan man naranasan ang hirap sa buhay.
Pinalaki akong may pagmamahal sa Diyos. Sa katunayan, close family friend nina mama ang pastor ng aming simbahan, si Pastor Jonathan Ferrer. Hindi pa man ako naisilang ay magkaibigan na sila. Bestfriend kasi ni papa si Tito Jonathan.

I was five when Tito Jonathan's wife, Tita Rebecca, gave birth to a baby girl. She was named Naomi. And because we're very close with them, it was expected that I should treat her as my little sister.

At first, I didn't like her. Simula kasi ng maisilang siya ay hindi ko na masyadong nakakabonding sina Tito Jonathan. At sa tuwing dumadalaw sila sa mansyon, mas binibigyan nila ng pansin ang kakyutan ni Naomi.

I felt like I was left behind because of her.

"Josh, come here hijo. Tingnan mo ang baby ni Tita Rebecca." Mom said when she saw me pouting in a corner. Nasa hospital kami nun at binisita ang kapapanganak na si Tita Rebecca.

Ayoko sanang sumama kasi ayoko ng may kahati sa pagmamahal nina papa, mama, tito at tita. I was only five years old then! Naalala ko pa na ipinagdasal ko noon na sana hindi cute ang baby. Nang sa ganun ako pa rin ang number one sa paningin nila.

"Did you hear me, son?" Mom repeated and so I jumped off from the chair I sitted on.

"Yes, mommy." Sabi ko at lumapit sa amoy hospital bed, kinakabahan habang nakangiti sa'kin si Tita Rebecca, na para bang excited hinihintay ang pagdalo ko.

At that moment I felt like everything was slow motion, nakatingin silang lahat sa'kin. Nang makalapit na ako kay Tita Rebecca ay inilapit niya ang sanggol sa'kin. She was clothed with white clothes, and I couldn't see her face yet. Maybe it was too small.

At dahil maliit pa ako nun, Dad carried me on his arms para masuling ko ang mukha ng baby. "Isn't she cute?" Dad said.

Finally, I got a closer look. Napakaliit ng kanyang mukha, pulang-pula ang kanyang mga pisngi, at ganun rin ang kanyang mga labi. Dad's right. She was really cute. I leaned closer to look at her face more closely, but it wasn't her cuteness that stunned me.

It was her eyes.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko nun, pero inilahad ko ang aking kamay at inabot ang kanyang maliit na pisngi. She giggled as if reacting cutely to my touch. When I touched her, she smiled. Alam kong hindi pa niya ako nakikita pero nakatutok ang kanyang mga sa'kin na para bang tumatagos sa'king kaluluwa.

Beauty And The BeatBasahin ang storyang ito ng LIBRE!