Chapter 20
"I'm free tonight."
Uuwi na lang ako mamaya para kumuha ng damit. Nilaro ko ang mga daliri sa ilalim ng mesa, nililibang ang sarili.
"Hello po."
Nag-angat ako ng tingin. While talking to someone on the phone, she continued to stare at me.
"Napatawag po ako kasi inaya ko po si Amihan na sa amin ulit matulog mamaya. Baka po pagalitan mo siya kapag hindi agad kami nagsabi. Okay lang po ba na hiramin ko ulit siya?"
I blinked, listening to her speak with my mom. Hindi ko napigil ang ngiti dahil sa salitang ginamit niya.
Hihiramin niya raw ako. Ano ba ako bagay? Baby na hiniram sa magulang para alagaan?
She laughed, revealing her perfect white teeth and sparkling eyes as she listened to my mother.
Ang sarap niyang titigan, ang sarap panoorin.
"Thank you. Bye po," paalam niya at ibinaba ang phone sa table.
"Anong sabi ni Mama?"
Sumandal siya sa upuan niya. She began tapping her index finger slowly on the table.
"Your mom teased me asking if I wanted to adopt you. She said she's willing to give you to me." Napailing siya sabay kuha ng baso na sinalinan ng waiter ng tubig. She drank almost half of it and looked at me again. "'Wag na raw kita ibalik."
"Gusto mo ba?"
Natigilan kami pareho. I never expected to react this way.
"Ang hindi ka ibalik?" She tapped her fingers on the table again and then locked her gaze on me. "Oo, gusto ko."
Nag-init ang pisngi ko na nagdulot ng kakaibang epekto sa kabuuan ko.
"Baka hindi mo 'ko kayang alagaan."
Ang bilis nagbago ng emosyon ng mga mata niya, saglit itong namangha at agad napalitan ng kaseryosohan.
"You still have much to learn about me, Amihan," she said in a smooth, seductive tone.
Inabot ko ang baso at napainom ng tubig. The way she was flirting with me exceeded my imagination.
"Then just let me know more about you."
Bigla siyang tumayo, lumibot ang tingin sa restaurant. "Follow me."
Sumunod ako, at pumasok siya sa washroom na mas lalong nagpakaba sa akin.
She closed the door behind me and turned to face me. I closed my eyes as her hand brushed against my arm. Narinig ko ang tunog ng lock ng pinto.
Pagmulat ko ay inilapit niya ang mga labi sa tainga ko. "Have you heard any rumors about me?"
Hindi ako nakasagot dahil sa pagtaas ng balahibo ko sa batok. Lumayo siya sa akin at tumingin sa salamin.
"That I'm a flirt, and I hit on different guys."
Nanatili siyang nakatingin sa akin sa salamin.
"I don't believe that."
Sa kabila ng pag-aalinlangan ay nilapitan ko siya at iniharap siya sa akin. Humagod ang tingin niya sa mukha ko.
"I... I like girls, Amihan." Lumunok siya, bumaba ang tingin sa mga labi ko. Inangat niya ang baba ko at hinagilap ang mga mata ko.
"Bakit mo sinasabi ang mga 'to sa akin ngayon?"
Tumama ang mabango at mabini niyang hininga sa mukha ko.
"You asked me if I can take care of you." Lumapat ang mga labi niya sa mga labi ko.
