TOTS 40

2.8K 51 7
                                    

Chapter 40

Ipinatong ko ang ulo kay Topi at niyakap ito, habang pinapanood namin ang tatay niyang mag ayos ng mga dadalhin na gamit. He was just going to use a small black Rimowa luggage for his one month trip in Europe. Bumibigat na ang talukap ng mata ko, dahil rin siguro kulang ako at tulog at malamig pa rito sa kwarto ni Wyatt.

He put thick folders on the luggage. "Wala kang dadalhin na damit?" pagtataka ko. Puro papeles ang tungkol sa trabaho lang ang nilalagay niya.

"I have there," sagot nito habang nag aayos.

Ngumuso ako at bahagyang tumaas ang kilay ko, napansin niya ata ang hindi ko pag sagot agad kaya nilingon niya na ako. Nang makita niya ang ekspresyon ko ay tumaas rin ang kilay niya, ipinasada nito ang daliri sa buhok at sinuklay ang nagulo doon dahil sa pagyuko niya kanina.

"I know what you're thinking." the amusement in his voice was evident, I tried to shut my obvious expression. Ipinatong ko ulit ang baba sa likod nito ni Topi at niyakap ito habang natutulog dito sa kama.

"Wala naman akong iniisip,"

He chuckled. "Hindi ako babaero Eanah, you don't have to worry about that." he tried assuring me.

Pero imbis na matuwa, lalo lang akong nabagabag. "Hindi nga, pero 1.4m naman ang tags mo sa social media, ang dami kong kabiral." bulong ko at umirap.

Natigil ito sa pag aayos ng papel at kumunot ang noo sa akin. "What?"

"One. point. Four. million. Tags." artista ka ba? Bakit ganoon karami ang post tungkol sa'yo?

His brows furrowed, like he doesn't get what I am trying to say. "What's that?"

I sighed and rolled my eyes. "Tags mo sa instagram! Maraming may gusto sa'yo!" I exclaimed.

Ihinagis nito ang hawak sa loob ng maleta at nagpamewang na humarap sa direksyon ko. "That's not new?" he grinned.

Aba't. "Proud na proud ka pa?" tanong ko sa nanghahamon na tono.

"I am proud because I have a fans club." dugtong niya, lalong nagsalubong ang kilay ko at nag tagis ang ngipin ko.

Alam ko ang tungkol doon! Alam niya rin?!

"Oo, para ka nang artista sa lagay na 'yan!" dabog ko at tinuon ang gigil kay Topi na walang kamalay-malay.

"Because my girlfriend is the president."

Natigilan ako at mabilis na lumipad ang mata sa kanya, ilang beses pa akong napa kurap bago tuluyang naka bigkas ng salita. "M-May iba ka pang girlfriend?" kinakabahan kong tanong, biglang kumabog ang dibdib ko.

Nalukot ang mukha niya sa akin at napilitan na lumapit para tabihan ako. Umupo siya sa harap ko. "What?! No, I'm talking about you." paliwanag niya, pero hindi naman ako naliwanagan.

"Wala naman akong sinasalihang club!"

"I read your name, you were the founder." pamimilit niya.

"Hindi 'yan totoo! O baka, may nalagay lang ng pangalan ko—"

"Wyattloversclub." putol niya sa akin. The name quickly registered in my brain that it made my tongue freeze.

Napaawang ang labi ko. The amusement in his eyes intensified when he saw my reaction. "See? It's you." he said in my defeat.

Para akong natuod sa kinauupuan, sa sobrang tagal na ay hindi na iyon ulit pumasok sa isip ko. Biro-biro ko lang naman 'yon dati! Did the fans club blow up? Paano e hindi naman ako active doon? I thought it disappeared in thin air! 'Y-Yon rin ba iyong fans club na sinalihan ni Fina?

Trophy of the Sunsets (Tonjuarez Series II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon