Chapter 23Cat Villanueva
Nakarating na kami sa parenting workshop na siyang pupuntahan namin ngayong araw. Grabe, kapapasok lang namin ay pinukaw na kami ng tingin ng mga couple na nasa loob na ng venue. Nagulat pa ako dahil bigla akong inakbayan ni Russel. Napatingin lang ako sa kanya habang siya ay nakangiti sa'kin. Juskong mga ngiti na siyang dahilan kaya ako buntis ngayon. 'De, charot lang! Kagagawan nga pala lahat ng kagagahan ko sa boy bestfriend ko takteng set-up pa kasi ng sadyang one night stand si Dok Russel tuloy ang nakapasok sa kwarto tapos ako namang si tanga akala ko siya si bestfriend and the rest of the history of my kagagahan edi heto, bundat. Kambal pa, napakalupet ni Dok.
Tapos ngayon the audacity na ngitian ako ng ganyan? Buntis na nga ako Dok oh, ano gawin na nating triplets? Ayyyy anteh, ano ba 'yan? Dala ba ng preggy hormones kaya ka lumalaswa ng ganyan?
Heto na nga naupo na kami dahil nga for reservation ito. Nasa medyo harapan kami at mabuti naman dahil medyo malabo na ang mata ko lalo na kapag nag-flash ng powerpoint presentation mamayang mag-start.
Patuloy siyang nakangiti sa akin. "Are you comfortable here?" tanong niya.
Hindi ako kaagad nakapag-react dahil napanganga na yata ako kaya napangisi siya and he brushed my chin with his thumb.
"Cute mo, yes I know hindi mo na kinakaya ang ka-gwapuhan ko. Pero 'wag dito, mamaya na sa car." Kumindat siya.
Lalo naman akong namula. Grabe talaga! Napakataas ng self-esteem ni Dok. Hindi ko ma reach!
At ano raw? Sa car? Ano'ng gagawin sa car?!
Luh, painosente ang buntis. Pero kasi naman bakit hindi ko maiwasan na mapatitig sa kanya ng ganito. Iyong tipong gano'n lamang ang gusto kong gawin maghapon at magdamag. Uy! Si O.A.
Ano na? Makaka-focus pa ba ako sa seminar na siyang nagsisimula na ngayon?
"May gusto ka pa ba bukod sa titigan ako?" Puna niya, nakatitig lamang ako sa kanya.
Kinurot ko ang hita niya. Bigla siyang napahiyaw dahil napalakas yata ang kurot ko sa binti niya. Natahimik at nagtinginan tuloy sa amin ang lahat maging ang speaker na nagsasalita sa stage.
Napaka awkward naman!
Napatayo si Russel at yumukod ng bahagya. "I apologize for disturbing this event, My wife is just want my attention."
Napanganga na naman ako sa sinabi niya. Kinilig naman ang mga nandoon maging ang speaker.
At ano'ng sabi niya? Wife?!
Aba! Sumosobra na ang Doktor Rat Velaroza na ito!
Pasimple ko siyang hinihila pabalik muli gusto ko na mamula sa kahihiyan. Ano ka ba naman kasi Dok! Nakakaloka!
Bumulong ako sa kanya. "Ano ba 'yang pinagsasabi mo?"
Bigla ay bumaling ang mukha niya sa'kin. Sobrang lapit na lamang ng mga labi namin at magkatitigan kami ngayon.
Napalunok ako sapagkat nananatili lamang siyang nakatitig na para bang hinihintay niya kung ako ang unang bibitiw sa titigan na ginagawa namin ngayon. Pero ang lintek ay mabilis binigyan ng smack kiss.
Napaawang ang bibig ko sa gulat. Mabilis naman niyang tinakpan ang bibig ko sapagkat alam niyang sisigaw ako dahil sa ginawa niya.
Mautak talaga ng dagang 'to!
Pinanlakihan ko lang siya ng mata at nanatiling nakatakip ang kamay niya sa bibig ko.
"Don't shout okay? Kundi uulitin ko 'yon." Banta niya."Close your mouth now, Cat. Ang O.A. na."
BINABASA MO ANG
The Doctor Series #3: Reaching You
RomanceCat Villanueva is the Headnurse of HC Medical City at nabuntis siya ng kinaiinisan at mortal enemy na Doktor. Ito ay si Rat Velaroza, isang OB-GYN. Ayaw sa kanya magpa-prenatal check-up ni Cat. Kaya ang ginawa niya ay pina-blacklist niya ito sa la...