Chapter 15: Digging the Past

Kisha’s POV

“Kisha...”

“Bakit?”

“Kisha...”

“Bakit nga?” iritadong sabi ko sa kanya. Ang kuliiiiiit! Sinabi ng pagod ako eh! Tapos...tapos...alam niyo na. Gusto niyang...ano...’yung ano…tss.

Bumangon ako at tiningnan siya. Nakatayo siya at nakatingin din sakin with his puppy dog eyes...

“Pwede bukas na lang?”

Mas lalo pa niyang nilungkutan ang itsura niya. Is he making me feel...uggh!!! Ang bampirang ‘to talaga! Hindi ba siya napagod sa pagtetraining niya? Inis ah! Napagod kasi ako sa pagsakay kay Jiji eh. Para siyang yung pusa na lumalaki doon sa Inuyasha. Hahaha!

“Hindi mo ba alam...” tapos pumikit siya ng mariin at humawak sa leeg niya bago muling magsalita... “Na parang sinasakal ako kapag napalagpas ko ‘tong gabing ‘to na hindi ka nagiging akin?”

Bakit ba kailangan niyang maging gwapo palagi?! AHHH! He’s too handsome to ignore! Ano bang magagawa ko sa nilalang na ‘to? Siya ‘yung tipong hindi mo talaga matitiis. Tumingin ka lang sa mata niya para bang nakakahypnotize, kapag naman tumingin ka sa mukha niya hindi mo na kaya pang ialis ang tingin mo sa sobrang gwapo niya at higit sa lahat, kapag nakita mo na ‘yung katawan niya, hindi na uso ang salitang self-control!

Umupo na siya sa kama at nakatingin pa rin siya sa mga mata ko with his puppy dog eyes still on. So cute that I wanna pinch his cheeks!

“I’m not cute” seryosong sabi niya… “I’m hot” binasa na naman niya ang isip ko. Buti na lang hindi niya nabasa ‘yung una kong inisip.

“Okay fine! Pero ayaw ko pa rin” humiga na ako at nagtalukbong ng kumot...

Naramdaman ko na din siyang humiga at yumakap mula sa likudan ko. Inalis niya ang kumot na nakabalot sakin at hinalik-halikan niya ang batok ko. Ang lamig ng labi niya at sobrang bilis ng tibok ng puso niya at nararamdaman ko yun kasi nakalapat ang dibdib niya sa likudan ko. Why are you making this hard for me? Damn it.

“If you don’t want to do it then I understand...” he said huskily... “But at least let me do this...” at patuloy pa rin siya sa paghalik sa batok ko. Waaaaaaaaah! He’s making me crazy!!! Hinayaan ko lang siyang humalik sa batok ko pero maya-maya na naramdaman ko....he sucked my skin!!

“W-What are you doing?” hindi niya pinansin ang pagpapanic ko at patuloy lang siya sa paggawa non. Iniharap niya ako sa kanya at sa leeg ko naman niya yun ginawa. Hindi ko tuloy mapigilang mapa-moan sa ginagawa niya. Ang landi landi talaga ni Van!

“Ohh, my masterpiece is so appealing” Sabi niya pagkatigil niya at talagang parang kumikinang pa ang mga mata niya. Ano kayang ginawa niya sa leeg ko?! Nakatingin pa rin siya sa leeg ko na para bang nakagawa siya ng isang napakagandang bagay. Teka...napahawak ako sa leeg ko. Masterpiece. Sucking my skin equals.........HICKEY?!

Napabangon ako bigla at dumiretso sa banyo. At tiningnan ko ang leeg ko sa salamin...

“WAAAAAAAAAAAAAH! VAN! ANONG GINAWA MO SA LEEG KO?!”

Narinig ko ang tawa niya mula sa labas. Punong-puno ng hickey ang leeg ko at baka pati batok ko! Paano ko ngayon ito itatago? Huhuhu! I wanna strangle him to death!

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!