Chapter 51
Yumuko 'yong lalaki, ramdam ang takot habang nakatayo sa harapan ni Duke. Maging ang dalawa niya pang kasama ay hindi rin makatingin ng diretso sa kaniya.
"Ang utos niya ay tatakutin ka lang. Wala naman siyang inutos na galawin ka o ano."
Takutin lang?
I can't believe Ruth will stoop that low. Kung mahina ang loob ko, hindi niya ba naisip na puwede akong magkaroon ng trauma sa ginawa niya?
She thought asking some people to harass me just to scare me was shallow and fine? Iniisip niyang hindi naman ito makakaapekto sa akin kaya ayos lang? Babae rin siya. Hindi ba dapat ay higit sa kanino pa man, alam niya ang maaari kong maramdaman?
"At dahil wala naman kayong ginawa kung hindi ang takutin ako, dapat ay maabswelto pa rin kayo?" malamig na tanong ko.
Hindi sila nakasagot at nananatiling nakatungo.
"Walang maaabswelto." puno ng awtoridad na sagot ni Duke habang nakatitig sa kawalan at tila malalim ang iniisip.
"Hindi ba at kayo rin iyong mga lalaki sa loob ng restaurant? Marami kayo at hindi lang tatlo." paratang ko.
"Ayaw po sumama ng iba dahil alam po nilang si Duke Monasterio ang nakadikit sa'yo-"
"At kayong narito... hindi n'yo alam?" putol ni Duke bago malamig silang tinitigan.
Hindi sila nakasagot. Sa halip ay nag-iwas pa sila ng tingin na para bang may ideya naman talaga sila una pa lang na kadikit ko si Duke pero ipinagpatuloy pa rin gumawa ng mali.
"Anong kapalit?" basag ko sa katahimikan.
Tiningnan ako ng lalaking siyang nanguna na hawakan ako kanina.
"Kaibigan ko si Ruth at malaki rin ang utang na loob namin sa kaniya ng asawa ko dahil tinulungan niya kami nung mga panahong wala kami-"
"At ang bastusin ako ang kabayaran? Sa ganoong paraan ninyo gusto magbayad?" natawa ako. "Iyong makukunsensya kayo dahil mayroon kayong binastos na tao?"
Muli ay hindi sila nakasagot. May kaunting bahid ng dugo pa ang damit ng dalawa sa kanila dahil sa pananakit ni Duke. I wasn't surprised anymore that they were in that situation. Wala silang laban kay Duke dahil sa tangkad at pangangatawan pa lang ay hindi na rin sila uubra pa.
"I'll see you in jail."
Bago ko pa man tingnan si Duke matapos sabihin iyon ay ilang pulis na ang nakita kong lumapit at pinalibutan ang tatlong lalaki. Umatras ako para bigyan sila ng espasyo. Naramdaman ko ang kamay ni Duke sa aking likod.
I glanced at him and he was glaring with poisonous anger towards those guys. Nilingon niya ako, ang mga mata ay lumamlam sa kabila ng galit na pumapalibot dito.
"You won't show mercy for these assholes."
Umiling ako. "Give them what they deserve."
Hindi ako santa para maawa sa kanila. Madaling magsinungaling na gusto lang nila akong takutin. Kung sakaling hindi dumating si Duke para saklolohan ako, maaari higit pa roon ang nagawa nila at kahit pa matapang ako, wala pa rin akong magiging laban pagdating sa kanila.
"Mr Monasterio, kakailanganin po namin ang statement ni ma'am." sabi nung isang pulis.
"She needs to rest. I will just give you a call regarding that..." malamig na sabi ni Duke. "I need to see them behind the bars once I arrive there."
"Yes, Mr Monasterio." bahagyang yumuko ang pulis.
Hawak ang bewang ko, tuluyan na kaming tumalikod ni Duke. Lumalim ang titig ko sa mga lalaki na mabilis na nag-iwas ng tingin.
