Chapter 18

4K 185 21
                                    

Chapter 18

Kinalas niya ang yakap ko at tumalikod. "Get inside," she said, in a chilly and aloof manner.

Naglakad siya papasok, iniwan akong mag-isa. Binalewala ko ang kirot sa dibdib at sumunod sa kanya.

As she ascended the stairs, I remained rooted at the bottom, watching her. Halos nasa gitna na siya nang huminto siya.

"Are you just going to stand there?" she said without turning her head. "Follow me."

Kinagat ko ang ibabang labi, nagpipigil ng emosyon. Isinara ko ang pinto sa likod ko pagpasok ko sa room niya.

Dumeretso siya sa walk-in closet pero nanatili lang ako sa pwesto ko. Pagkakataon ko na ito para kausapin siya, pero ganoon pa rin, hindi ako makahagilap ng sasabihin.

She returned with clothes in her hands and placed them on the bed. "Take a shower to bring your body temperature back to normal."

Palabas siya ng kwarto nang hawakan ko ang kamay niya. "Rain..."

She let go abruptly and left without uttering a single word.

Dinampot ko ang mga damit na inihanda niya saka ako pumasok ng bathroom.

After getting dressed, I searched for her around the house and found her in the kitchen wearing a black cami crop top, cotton shorts with an elastic waistband, and an apron. Busy siya pagluluto ng dinner na pamilyar sa pang-amoy ko.

Naglakas-loob ako na lumapit sa kanya. Nilingon niya ako pero pumokus ang atensyon ko sa niluluto niyang adobong pusit. Inilipat niya sa plate ang katatapos lang maluto na stir-fried baby bok choy.

Pasimple akong lumunok. "Do you need help?"

"I don't."

Doon ko siya tiningnan. Halu-halo ang nararamdaman ko—gutom at pagkamangha dahil marunong pala siyang magluto.

I gazed at her beautiful face. Muli niya akong tiningnan at nagtama ang paningin namin.

Pakiramdam ko ay lumundag ang puso ko nang magtaas siya ng kilay. "Could you please move a bit farther away? Can't you see that I'm cooking?"

She was obviously mad at me, but for what reason? Wala akong maisip na ginawa ko na pupwede niyang ikagalit.

"Hindi ka ba nilalamig sa suot mo?" Pambabalewala ko sa pagsusungit niya.

Huhubarin ko sana ang itim na sweater na pinahiram niya sa akin pero nagsalita siya, "Keep it on, I'm okay with the cold."

Napabuntonghininga na lang ako.

Hindi pa rin kasi tumitigil ang ulan, mas lalo pa nga itong lumalakas.

Gumala ang paningin ko, nag-iisip kung ano ang pwede kong gawin. Lumapit ako sa malaking dish rack at ako na ang nag-ayos sa hapag. Wala naman akong narinig na pagtutol sa kanya.

"Uuwi ako pagtila ng ulan." Pinanonood ko siyang ihanda sa table ang nilutong mga ulam.

"I called your mom and told her you're staying the night at my place." Tumingin siya sa upuan sa harap niya kaya naupo ako rito.

Dinig ko ang pagbuntonghininga niya bago siya kumuha ng isa pang set ng plate at utensils saka inayos sa pwesto ko. Wala naman kasi akong balak kumain dito kaya siya lang ang pinaghanda ko.

"Let's eat," she said.

Tahimik ko siyang sinabayan. Pinanood ko ang bawat kilos niya, wala nang pakialam kung mahuli niya ako.

Uminom siya ng tubig, napatitig ako sa paggalaw ng lalamunan niya.

"Focus on your food, not other things," she said as she leaned back in her chair, looking at me.

Raindrops on Flowers (Muse Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon