thirty-two
Bumukas na ang pinto ng conference room. Mabilis na nagbago ang atmospera ng buong silid, isang lalaki na mainit ang ulo ang pumasok sa loob, sa likod nito ay nakasunod si Ralf.
Hawak nito ang cellphone sa tenga, at base sa itsura niya hindi niya nagugustuhan ang sinasabi ng kausap sa kabilang linya. Hinilot nito ang sintido bago umupo sa dulong upuan. Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto at wala na ni isa ang nagtangkang magsalita pa.
His eyes shot up as he tried to peer at me, he sighed heavily and licked his lips before he cut the call. Everyone quickly reads the room, Wyatt is already not in the mood, making everyone shiver in terror.
Kita ko ang paglunok nila Jass dahil doon, hindi mapakali sa dalang mga folder kahit kanina pa naman na nila naayos iyon. Iginala ni Wyatt ang mata sa paligid, doon niya yata napagtanto na siya na lang inaantay.
"Ralf," tawag nito sa sekretarya at nilahad ang kamay para kunin ang iPad dito.
Napabuntong hininga ako habang nagbabasa siya roon, wala man lang bati ng 'Good morning?' o 'Sorry, I'm late?'. Sa tagal naming naghintay rito, napag-usapan na nila ang buhay niya. But no matter what he lost, the pain should not resonate in how he treats the people around him.
He put the iPad on the table, crossed his legs, put his elbows on the edge, and intertwined his fingers. That made everyone feel tense. I creased my forehead. Hindi ko naiintindihan kung ano ang nakakatakot. Kasi kung sisigaw man si Wyatt, sisigiwan ko lang din siya pabalik.
Pakiramdam ko hindi na humihinga sila Jass. Binasa ko ang ibabang labi at humugot ng panibagong linya ng pasensya. Kasalanan ba nila Jass kung ano man ang sumira ng araw niya ngayon? I can't take this. Before my body gets the memo that Wyatt is our boss, I already kicked his foot under the table. Dahil doon ay nawala ito sa balanse niya at napahawak sa gilid ng mesa.
His eyes turned in full size. I remained cold.
We stared at each other for a while, when the silence enveloped the whole room, he turned his gaze away and cleared his throat. He fixed his coat before facing them. "Pio, tell me about the possible sales..."
Mabilis rin na natapos ang meeting. Wala nang ibang tinanong si Wyatt at inantay lang na makapag-report lahat. Wala na rin siyang nagiing reklamo. Akala ko may ipapahiya ulit siya, lalo na't mainit ang ulo niya, pero nakita kong nagkokontrol na siya kanina.
A satisfied smile was plastered on my lips when the meeting adjourned. The world is healing.
Sabado na at ngayon lang ulit ako makakapagpahinga ng weekend. Dahil sa New York kahit Sabado ay may ginagawa ako. Pero sa J Prime, they strictly follow the rules, no work on weekends.
I combed my fingers through my hair, and my other hand was holding my cup of coffee. I walked towards the front door. Gusto ko lang mag muni-muni at makalanghap ng sariwang hangin. Maaga pa naman at kagigising ko lang.
Nang makalabas ako ay huminto ako sa harap ng bahay at pumikit, dinadama ang hangin. Ilang segundo akong nanatiling gano'n, ngunit natigil ang pagmumuni-muni ko nang may marinig akong mga tools ng sasakyan sa gilid ko. Dumilat ako at takang tinignan ang naka-park na sasakyan ni Daddy na hinihiram ko.
Hindi pa ako nakakalad para tingnin iyon dahil baka may pinaayos si Daddy sa sasakyan, ay may lumabas na isang lalaki sa ilalim no'n. Tumayo na ito at may hawak-hawak na tools ng sasakyan sa kamay. Ngunit naibuga ko ang iniinom na kape nang makita kung sino iyon. Nanlaki ang mata ko at bumaba iyon mula sa mukha niya pababa sa katawan nitong tambad dahil wala siyang damit pangtaas!
Tuluyan nang namilog ang mga mata ko nang matantong naka-jeans lang ito!
His body was perfectly sculpted. I saw him topless before but his body has become better right now. He can pass as a Calvin Klein model! He. Is. Ripped. His jeans were loosely hanging on his waist, his sweat was dripping on his body, and his hands were covered with car oil.
BINABASA MO ANG
Trophy of the Sunsets | Tonjuarez Series II
Romance[UNEDITED] Eanah Devon Inieno was contented with her peaceful life, she is independent and fearless. Not until the person she least expected entered her life. But the question is, can she handle it? Or just like the sunset that fades the day light...
