Chapter 16
Habang namimili ng chichirya si Sol ay lumabas na si Rain. Sinundan ko siya, umupo siya sa tabi ng nanay ko na kakwentuhan si Reika.
"Anong kinukuha mong kurso, hija?"
"Political Science po," magalang na sagot ni Reika. "Balak ko pong i-pursue ang law," dagdag pa niya.
Pasimple kong sinulyapan si Rain na nagtitipa sa phone niya.
"Lahat ng tao may rason sa napili nilang kurso. Ikaw, Rain, bakit Nursing?"
"I wanted to pursue someone's broken dreams."
Napatitig ako sa walang emosyon niyang mukha. Sino kaya ang tinutukoy niya? Halatang wala siyang balak sabihin kung sino dahil hindi na niya sinundan ang sinabi.
After fidgeting with my pen for a while, I let out a frustrated sigh. Tumingin ako sa labas at agad napatayo nang makita si Rain na naglalakad sa corridor.
May isang oras pa bago ang first subject. I came to school early on purpose to talk to her. Pagkatapos kasi ng pag-uusap nila ni Mama kahapon ay hindi na siya umimik. I tried to contact her via text and call, but received no response.
"Rain..."
Napatigil siya sa pinto. Tiningnan lang niya ako at dumeretso sa upuan niya.
Nilapitan ko siya. "May problema ba?"
Hindi siya sumagot.
"May nasabi bang hindi maganda si Mama? Bigla ka na lang nawala sa mood kahapon."
Hinarap niya ako. "I'm busy today. Can you leave me alone?"
Natigilan ako, napatango na lang.
Naglakad ako palabas pero agad ding tumigil paghakbang at nilingon siya.
"I'm just here," I almost said in a whisper. Iniwan ko siya kahit gusto ng isip at katawan ko na samahan siya.
Sol:
Grabe! Ang kapal talaga ng mukha nitong ex n'yo. Wala nang ginawa kundi sundan si Rain at kulitin. Ayaw na nga siya kausap! Kulit!Katatapos lang ng second subject at iyon ang bumungad sa akin na message pagkuha ko ng phone ko sa bag.
Me:
Okay lang ba si Rain?Sol:
Yup! Ganda pa rin.I smiled at her reply. Wala talaga sa hulog mag-reply si Sol minsan.
Saktong lunch ay tumunog ang phone ko. Dinampot ko ito sa table at nagtaka dahil may tumatawag na unregistered number.
"Hello?" sagot ko.
"It's Hermes. Where can I find you? I'm here at Avira."
Napatayo ako. Gulat na napatingin sa akin sina Sol at Yan, tumigil pareho pagkain.
"Who's that?" Yan asked.
"Hermes," mahina kong sagot. "Excuse me."
Lumabas ako ng canteen. Dinig ko pa ang pagtawag sa akin ng dalawa.
"Amihan?" tawag ni Hermes.
"Saan ka banda?" Hindi na ako nag-abalang tanungin siya kung saan niya nakuha ang number ko.
"President's Office. Have you seen Rain?"
"Kaninang umaga. Hindi ko pa ulit siya nakita ngayon."
"Is she okay? You sound worried."
"Hindi ko alam. Ayaw niyang makipag-usap kahit kanino."
"Let's meet somewhere."
"Nursing Garden," suhestiyon ko. "May malapit na daan galing sa President's Office."
