TOTS 31

2.7K 69 9
                                    

Chapter 31

Pinitik ko ang daliri sa harap niya. Parang kailangan ko pa siyang gisingin sa reyalidad, bago niya mapagtanto na nagtatrabaho kami ngayon, at hindi siya nag si-sightseeing.

"Hey, Wyatt! Earth to Wyatt, hello?" pukaw ko pa, pinitik ko ulit ang daliri sa harap niya.

Doon lang siya gumalaw at binawi ang pwesto niya. "Stop lacking! Ayoko ng papatay-patay!" sigaw ko sa kanya. He cleared his throat before he fixed his position and focused on his laptop.

Muli pa itong sumulyap sa akin, tinaasan ko siya ng kilay. "Work!" utos ko sa kanya at nilahad pa ang kamay para magpatuloy na siya.

Wala namang siyang alinlangan na sumunod, at parang bata na nakikinig sa akin. Umikot ang mata ko, bago ko ito ibinalik sa laptop. Mamaya ko nalang pala ipapakita sa kanya 'to. Baka ako nanaman ang titigan niya.

"Ehem," natigilan ako nang marinig akong pamilyar na boses, nagtatakang hinanap ng mata ko si Ralf na nakatayo malapit sa pinto.

Napa awang ang labi ko, kanina pa ba siya diyan? Bakit hindi ko siya napansin?

"Sir, you called for me?" pagkuha nito sa atensyon ng boss niya.

Wyatt cleared his throat again. "Yes, please order us some food. Cheese burger." sagot ni Wyatt, sa kanya ako napalingon ngayon.

Cheese burger?

Parang may mga ala-alang bumalik sa akin. Napa lunok ako at ibinalik na ang pokus sa ginagawa. Naaalala niya pa bang mahilig ako sa cheese burger noong high school?

"S-Sir?" parang nabinging tanong ni Ralf.

"Cheese burger daw, Ralf," ako na ang sumagot para sa kanya, tutal mas malapit ako kay Ralf.

Wyatt instantly shifted his direction towards me, with his forehead creased. His deep alluring eyes shot up the moment it met mine.

"Why do you call him by his name?" naiinis niyang sita sa akin, naglakbay ang mata ko sa kalawan. Bakit masama ba? Pati paraan ng pagtawag ko ngayon sisitahin niya?

"Malamang, pangalan niya 'yon?" sarkastiko kong sagot.

"Call him formally, Miss Inieno." he firmly said, not wanting to let go of this. Why does he always complicate small things? Ganoon ba kagrabe ang galit niya sa mundo?

Hindi ko tuloy, matuloy-tuloy ang ginagawa dahil ang ingay ng katabi ko. Binasa ko ang labi, sinusubukang kumuha pa ng iilang natitira kong pasensya.

Bahagya kong inilayo ang laptop at hinarap siya. "Bakit? Ikaw rin naman tinatawag lang kitang Wyatt." reklamo ko, I just think he is being unreasonable right now.

I understand that we are in an office, and practically working. But as if we're in the middle of a meeting? Tatlo lang naman kami sa office. I'm sure he just calls Ralf, with his first name from time to time.

He bent down trying to fakely focus on his laptop, before he answered me. "S-Sa akin lang dapat." depensa niya, mabilis na tumama sa akin ang sagot niya at nanlaki ang mata ko.

Iniwas niya ang tingin sa akin at nilugmok na ang sarili sa ginagawa. Natahimik ako at parang natuod ang dila ko.

I heard Ralf scoffed. Also not prepared by his boss' underlying personality.

"I-I'll go then, Sir, Ma'am..." paalam nito bago tumungo palabas ng pinto.

Napa kurap-kurap ako. Pilit na pinoproseso ang narinig. Pero parang nagliparan lahat ng lakas ng loob ko kanina, ni hindi ko na siya nakompronta sa sinabi niya. Wala rin akong lakas ng loob marinig ang sagot niya.

Trophy of the Sunsets (Tonjuarez Series II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon