Chapter 48

13.8K 375 14
                                    

Chapter 48

"So, pinatawad mo nga?"

I heard the sarcasm through his voice on the other line. Kahit pa hindi naman kami magkaharap sa mga sandaling ito, nasisiguro ko na may pang-aasar ang ekspresyon ng mukha niya.

"I heard his explanations, Spyral. He knew everything I've been through since we broke up. It is because my parents were with him during those times."

Naupo ako sa terrace habang pinapanood si Iesha na maglaro ng picnic kasama ang Gabby doll niya. Maaga pa naman kaya hindi pa ganoon katindi ang init. The weather here in Cavite isn't that humid and polluted unlike in Manila.

"Naawa ka naman?"

Nagsalubong ang mga kilay ko sa paraan ng pagtatanong niya.

"Bakit tunog kontrabida ka? Don't tell me nagseselos ka?" natatawang biro ko.

Hindi ba at nakaabante naman na siya mula sa pagkakagusto niya sa akin? Isa pa, alam ko na mababaw lang ang naramdaman niyang 'yon.

"I don't like you anymore..." diretso niyang sabi na muli kong ikinatawa. "I'm just thinking how the situation would turn around for you now that you decided to accept him again."

"Hindi pa naman kami nagkakabalikan, Spy. We still have to buy some time because of the kids. Ni hindi pa nakikilala ni Iesha si Duke at hindi pa rin nalalaman ni Dominique ang tungkol sa akin..." huminga ako nang malalim. "Hindi pa nagkakakilala ang magkapatid."

Bumalik sa ala-ala ko ang mga salitang binitawan ni Ruth sa harapan mismo ni Dominique.

I'm the woman who tries to steal his father from him.

Not a good impression but I hope it won't last in his mind.

Hindi porque magkakabalikan kami ni Duke, ibig sabihin ay hahatian ko na siya sa atensyon nito. Ako pa mismo ang magtutulak kay Duke sa mga bagay na puwede niyang gawin para mapasaya ito.

"You were being dishonest with me, Spyral. Ang sabi mo ay hindi kayo kailanman nagkaroon ng pagkakataon mag-usap ni Duke tungkol sa akin."

"Hay, this girl is really forgetful. Ikaw na mismo ang nagsabi sa akin na huwag na natin siyang pag-usapan, hindi ba?" naninising tono niya. "Why would I tell you about it?"

Natawa ako. Sa paraan ng pagsasalita niya, para siyang isang bata na dinedepensahan ang sarili niya dahil nadidiin na siya.

"But are you sure about this, Izza? The last time I checked, you were confident that you would never go back to him no matter what."

Tumungo ako sa mga paa ko na nakapatong sa isang silya. Umihip ang pang-umagang hangin na nagdulot nang gaan sa puso ko sa kabila ng mga nangyari kagabi.

"I know this will sound unbelievable but... I'm sure about it, Spyral. That moment when he decided to follow us as Iesha and I had our way out yesterday, I felt like he chose us."

That was a huge factor for me to give in. Na kahit paulit ulit ko noon sinasabi sa sarili ko na kaya ko ang lahat at hindi na kailangan pang balikan siya, alam ko sa sarili ko na hindi ko pa rin mapapanindigan oras na muli kaming magkita.

Isa rin sa mga dahilan kung bakit sinabi ko sa kaniya noon na oras na magpakita siyang muli sa akin at bibigyan ko na siya ng restraining order ay dahil nag-aalala ako. I was bothered that if I see him again and beg for any chances, I wouldn't be able to reject him for the second time.

I may look tough and brave but when it comes to Duke, it doesn't always go that way.

"I hate to say this but Duke will always choose you even if he has Dominique. That day when he talked to me, he was really angry and even received a punched from him. Ako mismo ay alam kung gaano ka niya kamahal..." huminga siya nang malalim. "Kaming magpipinsan, alam lahat kung gaano kabaliw si Duke pagdating sa'yo."

Monasterio Series 10: Her Wicked SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon