twenty-nine
Pilit akong tumawa mag-isa. Para akong natuod sa kinatatayuan at hindi agad nakagalaw. Taas-baba ang dibdib ko dahil sa bilis ng tibok ng puso. At hindi ako natutuwa na gano'n ang naging reaksyon ko dahil lang pumasok siya sa loob ng opisina.
Inis akong lumakad sa mesa para magsimulang mag-ayos. Ano naman kung nakita ko siya? Kinabahan lang ako, kasi ilang taon rin kaming hindi nagkita. Iyon lang 'yon. Padabog kong inayos ang mga gamit. Tinanggal ko na rin ang cover ng couch. Is it really necessary that everything is new?
Hindi pa ako tapos sa ginagawa nang may kumatok muli, hindi pa nagsisimula ang araw ko, nakatatlong katok na sa pinto ko.
Kung sa New York 'to nakarinig na silang lahat sa akin. Nilingon ko ito at pumasok si Ralf sa pinto, mabuti na lang at ang refreshing niya sa paningin. Mainit na sana ang ulo ko sa kanya.
"Ralf," bungad ko, huminto lang ito hindi kalayuan sa akin at yumuko.
"Mr. Tonjuarez is calling you in his office, Ma'am Inieno," magalang na saad nito, bigla akong natigilan at napataas ang kilay.
Right. Why would I expect to have my own office and not be interrogated by the boss?
Ginusto mo 'to di ba?
"Akala ko ba may meeting siya?" I tried to remain compose.
"His meeting with the head of finance is done, Ma'am," sagot ni Ralf. Agad-agad? Head of finance pala si Pio?
Kahit labag sa loob ay tumango na ako, ano pa bang magagawa ko. I hate unprofessionalism, kaya hindi ko iyon gagawin. Itatapon ko na sana sa sahig ang hawak na plastic cover nang lumapit na si Ralf para kunin iyon sa kamay ko.
"I'll take care of this, Mr. Tonjuarez is already waiting for you, Ma'am," paalala niya. Binasa ko ang ibabang labi habang pinapahaba ang pang-unawa ko.
"Sige, Ralf. Salamat."
Iniwan ko na nga siya roon at naglakad na palabas ng office. Pumikit muna ako at kinalma ang sarili. I touched my chest to regulate my breathing. Don't get nervous, Inah. You are the head designer of Alora Design of New York. Si Wyatt lang 'yan, taga bili mo ng fishball noong high school ka.
Nagsimula na ako muling maglakad nang makabawi na ako, lumapit ako sa front desk para magtanong. Hindi ko alam kung saan ang office ni Wyatt at ano'ng floor. Kasi pakialam ko naman?
"Hi," bati ko. Nginitian ako ng babae.
"Good morning, Miss Inieno," bati nito pabalik. Hindi na ako nagulat na kilala niya ako.
"Good morning. I would just like to ask where the office of the Executive Director is?" nakangiti kong tanong.
"You mean Mr. Tonjuarez, Ma'am? That door po." turo niya sa isang malaking pinto sa likod lang ng front desk.
Mabilis na naglaho ang ngiti ko. Binasa ko ang paskil sa nakadikit sa pinto, Executive Director's office.
Iisa lang kami ng floor?! Magkatapat lang ang office namin?! Seryoso ba? O prank 'to?!
Napaawang ang labi ko, pero bago pa ako mawalan ng poise ay binawi ko na ang sarili. Isang malalim na hininga ulit ang ginawa ko bago ko nginitian ulit ang babae. Mamaya ko na iisipin kung bakit magkatapat lang ang office ng Head Designer sa Executive Director. Napakalaking coincidence kasi!
"Thank you, Miss," pasasalamat ko tsaka naglakad papunta sa office niya.
I composed myself again. I don't know how many times I tried to prepare myself today just to meet this guy. I talked and even ate with elite business tycoons abroad but I never experienced this!
BINABASA MO ANG
Trophy of the Sunsets | Tonjuarez Series II
Romance[UNEDITED] Eanah Devon Inieno was contented with her peaceful life, she is independent and fearless. Not until the person she least expected entered her life. But the question is, can she handle it? Or just like the sunset that fades the day light...
