Chapter 46
Ang tagal kong pinanindigan na kahit ano'ng mangyari, hindi ako babalik kay Duke gaano ko man siya kamahal. Na kahit pa may anak kaming dalawa, hindi ako aasa na babalik pa kami sa dati lalo na at may mga batang maaapektuhan.
I tried to be the woman who doesn't need a man to complete me. Palagi kong sinasabi na hindi ko siya kailanman kakailanganin dahil pipilitin kong maging sapat para kay Iesha.
Kahit pa alam ko na imposible 'yon mangyari.
Kayanin ko man para sa sarili ko... pero pagdating sa anak namin, hindi ganoon kadali.
Hindi ako magiging sapat.
Tahimik kami ni Duke nang pumasok sa loob ng bahay. Kahit pa nang makarating kami sa sala ay wala ni isa sa amin ang nagbubukas ng tema na maaaring pag-usapan. Pakiramdam ko, pareho kaming hindi makapaniwala sa biglaan pag-ikot ng sitwasyon.
I sat down on the couch. Huminga ako nang malalim at tumitig sa sahig. Ramdam ko ang pamimigat ng talukap ko dahil sa walang tigil na pag-iyak kanina. Mabuti na lang rin at hindi pa nagigising si Iesha. She will surely notice my puffy eyes if ever.
Duke sat beside me. He didn't leave any space between us and that's fine. I honestly missed his natural scent mixing with his perfume.
He still doesn't change. Kung ano ang gamit niya noon, ganoon pa rin ngayon.
"Can I stay here for the whole night?"
Natigilan ako, hindi inaasahan ang naging tanong niyang iyon. Nilingon ko siya. He was also staring at the floor before he anchored his gaze on mine.
Hindi katulad kanina, wala na ang bigat sa mga mata niya ngayon habang pinagmamasdan ako. It's as if a bunch of thorns were pulled out of his chest.
"I can fit in this couch..." pahabol niya. "I just want to spend the night with Iesha."
Tumango ako, walang nakikitang problema doon pagdating sa akin.
"What about Dominique? He will surely look for you."
Umiling siya. "Maraming pagkakataon na hindi niya ako nakakasama sa pagtulog o kahit pa sa isang buong araw. Sinasanay ko na siya noon pa man na hindi ako nakikita palagi sa paraang hindi ako nagkukulang sa kaniya."
"What do you mean? Aren't you and Ruth living together?"
His brows snapped in a frown. "Where did you get that idea?"
"Naisip ko lang dahil hindi ba at matagal ka nang hindi umuuwi ng Pinas? Nauwi ka man pero sandali lang at babalik na rin kaagad."
Mula sa pagkakatuon ng mga siko sa ibabaw ng hita ay napatuwid ang likod niya. Hindi niya inaalis ang tingin sa akin at sa halip ay mariin pa akong tinitigan.
"Spyral fed you that information?"
I blinked my eyes. "Is there anything wrong with that? I was already expecting it anyway. Iniisip ko na nga kasal na kayong dalawa-"
"That's bullshit-"
"It ain't. Iyon naman talaga ang normal na iisipin ng kahit na sino dahil may anak kayong dalawa-"
"May anak tayong dalawa. Iyon rin ba ang dapat isipin ng mga tao pagdating sa atin?"
Hindi ako nakasagot. Mas tamang hindi napaghandaan ang sinabi niyang iyon. My face couldn't hold any reaction while looking at his face.
He shot his brow up, satisfied with my reaction.
"That's not what I'm talking about. Bakit sa atin bigla napunta ang tema?"
