Chapter 23 - 'Wag Ako

34 2 1

Naiinip na'ko rito sa ginagawa ko. Kailangan ko na yata gumawa ng climax. Hehe Pasensya na guys, super busy kasi. Night shift na eh so paguwi ko sa umaga, tulog na lang tapos paggising ko papasok na ulit. Hehe Pero don't worry, i'll try to update it kahit every 2 weeks lang. Thank you for all your support. Sana matapos ko na'to haha

Matapos kong magbura ng blackboard ay nilapitan ko si Ruby sa kanyang upuan. Tinanggal ko ang nakasalpak na headset sa tenga niya para marinig niya 'ko.

"Ano ba?!", ang mataray na tugon nito.

"Ruby, hindi ka ba talaga magsosorry kay Beatriz?", ang mahinahong tanong ko sa kanya.

"No way! So what kung ipatawag ang parents ko? I already told them so wala na tayo magagawa?"

"Are you sure? It might affect your ranking Chubbs? Do you even know what you're doing?"

"Don't you dare call me that name again. I know what I'm doing. As if naman you really care for me.", ang mataray na tugon nito sa'kin.

"Nagbago ka na nga talaga Ruby."

Nakita kong bumalik na ulit si Beatriz galing CR kaya naman bumalik na rin ako sa upuan ko. Maya-maya lamang ay tinawag ako ni Ruby.

"And who are you to ask for someone's apology Bernard?", ang pahabol ni Ruby na sadyang inilakas niya para marinig siya ni Beatriz.

"Ano 'to Bernard? Totoo ba'to?", ang inis na tanong ni Beatriz sa'kin.

Nagwalkout siya. Kaya naman agad ko siyang sinundan. Since paika-ika ang lakad niya, this time maabutan ko siya.

"Pasensya na Beatriz. Magpapaliwanag ako."

"Bernard naman. Hindi mo kailangang gawin 'yun. Kung ayaw nilang magsorry hayaan mo sila. Bakit kailangan mong makiusap na magsorry sila sa'kin?!"

"Huh? Para wala na sanang gulo. Baka lumaki pa kasi. Maapektuhan kayo pare-pareho."

"Kahit na. Gulo namin 'to. Labas ka dito Bernard!"

"Pasensya na talaga Beatriz. I won't do it again."

"Siguraduhin mo lang kasi malilintikan ka talaga sa'kin!"

Napakamot na lamang ako ng noo. Hindi pa kami mag-asawa under na kaga'd ako. Asawa talaga? Nangangarap talaga eh noh? Malay natin.

"Kamusta na nga pala yang binti mo?"

"Huh? Ok naman masakit pa rin. Tara upo muna tayo don."

Niyaya niya kong umupo muna dito sa bench malapit sa canteen. Hindi niya pwedeng itayo ang kanyang binti ng matagal. Napuruhan kasi talaga siya ng K-girls at ni Ruby. Ang tanga tanga ko kasi hindi ko man lang siya natulungan that time. Ano ka ba Bernard? Nagpapasalamat nga siya sa'yo diba? Kung hindi ka pumito, hindi sila titigil. Ay oo nga pala noh?

"Nga pala Beatriz, pupunta ba ang nanay mo bukas?"

"Oo eh. Kanina andito rin siya. Nireport niya 'yung nangyari sa'kin. Kaya 'yun pinatawag ang parents ng K-girls at ni Ruby. Ewan ko ba, kung ako lang masusunod papalagpasin ko na lang tutal naman may kasalanan din naman ako. Kung hindi ko sana sila pinatulan e di sana wala 'tong issue na'to ngayon.

"Pero kasi Beatriz..."

"Anong pero?"

"I think wala ring mangyayari and I'm worried na baka ikaw ang mas maapektuhan."

"Huh? Bakit? E ako nga 'tong napuruhan! Wala ngang kagalus-galos mga 'yun eh!"

"Major investors kasi ng school natin ang parents ng mga K-girls na 'yun."

OVERWEIGHT? Can LOVE W8?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!