Chapter 45
Mabigat ang bawat hakbang ko palabas ng kwarto ni Iesha. Duke was silent and I didn't want to start the conversation first.
My heart still couldn't take the scene I witnessed earlier. I didn't imagine that he could be that vulnerable in front of his daughter.
In front of me.
"Does she sleep like you?" He broke the silence. "Tulog mantika rin?"
Pababa kaming dalawa ng hagdan. Hindi ko alam kung saan kami mag-uusap. Kung lalabas pa ba o sa sala na lang rin. Kahit saan naman siguro. Ang importante ay magkaroon kami ng pagkakataon na masabi ang lahat ng gusto namin sa isa't isa.
"A bit. Tanghali na rin magising kung madalas."
Malalim ang boses niya nang matawa siya. "I remember you always waking up late in Argao. Kahit maaga kang natutulog sa gabi, tanghali na rin nagigising sa umaga."
"Iba na ngayon," tipid ang ngiting sagot ko. "Kailangan ko na rin magising nang maaga kahit puyat minsan. Nasanay na rin naman ako."
"Is it hard?"
Nilingon ko siya. Nasa baitang ng hagdan nakatuon ang mga mata niya habang ang mga kamay ay nakasukbit sa loob ng bulsa ng pantalon.
"Being a mother?"
"Yes."
"It is..." I said directly before anchoring my eyes ahead. "Pero masaya lalo na at lumalaking mabait si Iesha. Hindi ata sa akin nagmana ng ugali kung hindi sa Mama mo."
Hangga't maaari, ayaw ko siyang sumbatan kung bakit mas naging mahirap para sa akin ang pagiging isang ina dahil wala akong katuwang. It was my choice breaking up with him. Kaya kahit nahihirapan ako dahil wala siya sa tabi ko sa mga nakalipas na taon, hindi ko iyon isusumbat.
"The little girl is also fierce — that I know she got from you."
Nakarating kami sa garden. Doon ako dinala ng mga paa ko at alam ko na sumusunod lang siya sa akin kung saan man ako magdesisyon na magpunta.
Hinarap namin ang malawak na kapatagan. Wala kaming kapit bahay at literal na malayo sa isa't isa. Puro mga damuhan ang matatanaw sa umaga at mga halaman na tinatanim ni Mommy.
Huminto kaming dalawa, parehong walang kibo at nakatitig lang sa kawalan. We stayed that way for the next couple of minutes. Para bang nakuntento na rin na ang malalim na paghinga na lang ng isa't isa ang naririnig.
"Can we start this conversation in a calm way, Izza?" he finally smashed the silence with that question.
"We can..." huminga ako nang malalim. "I'm sorry if I was being rude to you earlier."
Dumating ako sa bahay nina Priscila at Terrence na galit at wala sa wisyo. Na kahit sinong madapuan ng mga mata ko, itinuturing kong kaaway. Hindi ko akalain na babalik ako dito sa bahay na kalmado na sa kabila ng nangyaring kaguluhan.
At aaminin ko na malaking kaginhawaan para sa akin ang katotohanang pinili ni Duke ang sundan kami ni Iesha at ihatid dito sa bahay.
Pakiramdam ko, pinili niya kami.
"I understand. You have all the rights to be rude towards me. Wala ako sa tabi mo nung mga panahong dapat ay naroon ako."
"It was my choice. I asked you to stay away from me and focus your attention on Dominique."
"I obeyed you. Sinunod ko ang gusto mong maging mabuting ama kay Dominique..." sagot niya. "I stayed away from you but I was literally watching you and our daughter from afar."
