Chapter 43

14.1K 398 62
                                    

Chapter 43

Kahit pa hindi ko na gusto, bumalik pa rin ako sa loob para personal na magpaalam kina Tito Dashiel at Tito Dreya. Wala silang kasalanan sa akin at sa kabila ng nangyari noon, malaki pa rin ang respeto ko para sa kanila.

They were still in the living room. Ang ilan sa kanila ay nag-uusap at tanging si Tita Dreya lang ang tahimik na nakatingin sa kawalan na para bang malalim ang iniisip.

I had a glimpse of Daniella looking at me from a distance. Bago niya pa man ako magawang ngitian ay ako na mismo ang unang nagbawi ng tingin.

Masiyado nga ata akong mapagtanim ng sama ng loob. She already apologized but I can't forgive that easily. Or maybe, I can. But we can never have the closeness we once had before.

Anais was leaning against the wall. Her arms were crossed over her chest. She was looking at me. Wala na roon ang tapang na hawak niya kanina. I looked back at her but gave her a blank emotion.

Nilagpasan ko siya.

"Tita Dreya..." pukaw ko. Napaayos siya ng upo nang makita ako. "Mauuna na po kami."

Tumayo siya hanggang sa maglebel ang mga mata namin.

"Kaagad? Hindi n'yo na ba hihintayin magsimula ang party?" bumaba ang mga mata niya kay Iesha. "I'm sure she will love to be part of it."

Umiling ako. "Hindi na po. I'm sorry but we are not really here for the party. Gusto ko lang sana na makilala ninyo ang anak ko pero hindi sa ganitong paraan na marami ang makikisali."

Pasimple siyang tumingin sa paligid. Sa pamilya ni Duke ko lang gusto ipakilala si Iesha nang pormal at hindi sa buong angkan ng Monasterio. Kung makikilala man silang lahat, sa tingin ko ay may tamang panahon para doon.

"I'm sorry, Izza. Alam ko na hindi maganda ang pagkakataon na ito para ipakilala ang sarili namin kay Iesha pero sana..." huminga siya nang malalim. "Hayaan mo kaming makalapit sa bata."

Tumango ako. "Wala po akong plano ipagdamot. Hindi rin po ako magpapakita dito sa inyo kung gusto ko siya itago sa mahabang panahon."

"We're sorry for the trouble, Izza." si Tito Dashiel.

Tumango lang ako at tipid na ngumiti. "Mauna na po kami."

Pansin kung paanong malungkot ang ekspresyon ng mga mata ni Tita Dreya nang tingnan si Iesha. Wala naman akong balak ilayo sa kanila ang anak ko. I just want a private meet up for them. Iyong walang ibang nakikisali.

Tita Dreya then squatted in front of Iesha. She smiled at her. Nang magtabi sila ay mas lalong nadepina ang pagiging magkamukha nila. Idagdag pa si Daniella na kung tatabi sa kanila ngayon as mas mapapagkamalan na mag-ina.

"It's nice meeting you, Iesha. I'll see you soon?"

Iesha smiled sweetly at her. "Nice to meet you po!"

Hinaplos ni Tita Dreya ang pisngi niya bago tumayo. She looked at me and smiled a bit.

"We'll go ahead."

Hawak ang kamay ni Iesha ay pumihit na kami patalikod sa kanilang lahat. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang pagpasok ni Dustine at Elianna na siyang kadarating lang ata.

They soon found my eyes. Nanglaki ang mga mata ni Elianna pagkakita sa akin. Dustine's dark eyes automatically went to Iesha.

They didn't know anything.

But Duke knew. How?

"Izza..."

Yumakap ako kay Elianna nang salubungin niya ako. Tipid na ngumiti si Dustine sa akin na sinagot ko lang ng tango.

Monasterio Series 10: Her Wicked SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon