Chapter 5

28 3 0
                                    

Chapter 5

"Napakaganda talaga ng tanawin dito" saad ko sa kanya na nakapikit at ninanamnam Ang simoy ng hangin.

"Buti naman at nagustuhan mo dito." Aniya habang pinagmamasdan ang alon.

"This is my favorite place it's give me relax. Actually my mom and I are always here. Para Makita ang napakagandang tanawin na ito." Mahabang aniya ko.

Natutuwa talaga ako na nagpapakita siya sa panaginip ko. Kapag may problema ako lagi siyang nariyan para makinig sa akin.

"Bukas nga Pala keino uuwi na ako samin." Saad ko sa kanya dahil na kapag decide na akong umuwi na samin para Naman Makita ko na si dad namimiss ko na rin siya.

"Buti Naman at uuwi kana para makausap mo rin ang iyong ama." Aniya.

"Sa totoo lang Galit pa rin ako dahil sa iniwan niya kami ni mama. Pero kailangan ko pakinggan Kong bakit niya kami iniwan." Sa dalawampung taon Hindi ko siya nakakasama nangungulila ako sa isang ama.

Hindi ko namalayan na tumutulo na Pala Ang aking mga luha.

"Wag kang mag-alala magiging maayos din kayo ng iyong ama." Sana nga maging maayos kami.

"Di pa Pala ako nakapagpakilala sa iyo keino." Ngiting saad ko dahil somi lang alam niya na pangalan ko which is nickname ko na di ko alam Kong pano niya nalaman.

"Ako nga Pala si Soreen Mimosa Hase I'm half japanese nice meeting you." I extended my hands to shake our hands which he accepted.

"I'm Keino Lucien Conwell nice meeting you too Mi lady." Aniya.

Ang Ganda ng kanyang pangalan pang mayaman gusto ko ng ganito yung nakikilala ko siya. Kahit di ko man nasisilayan ang kanyang mukha kahit papaano alam ko Ang kanyang buong pangalan.

Kahit Anong gawin kong pag aninag ng kanyang mga mukha ay di ko pa rin Makita. Ang magagandang mata at ngiti Ang aking nasisilayan lamang.

I'm curious talaga kung sino ba talaga siya at bakit lagi siyang nagpapakita sa panaginip ko.

"May gusto akong malaman sa'yo keino?" Saad ko dito nanunuyo Ang aking lalamunan sa gusto Kong malaman sa kanya.

"Bakit lagi kang nagpapakita sa panaginip ko?" Tanong ko sa kanya na nagpawala ng kanyang ngiti.

Naging seryoso ang kanyang mga tingin sa'kin. Na lalong nakapag kaba sakin.

"I'm sorry di ko masasagot Ang iyong katanungan." Hinging paumanhin nito sakin. Nangunot Ang aking nuo dahil di niya masabi sakin.

"Bakit Hindi?"

"Dahil di ko pa masasabi sa ngayon." Sambit niya pa.

"Kung di mo masasagot Ang katanungan na iyan. Itong tanong na lang."

"Bakit alam mo Ang aking nickname?"
Dahil Ang tumatawag lang noon ay Ang aking Ina.

"Paumanhin di ko rin masasagot yan." Mas Lalong gusto Kong malaman Ang lahat.

"Lalong gusto Kong malaman keino Ang lahat sino ka nga ba talaga?" Mausisa kong tanong sa kanya.

"Pero Hindi pa sa ngayon."

Dagdag niya pa. " Tatandaan mo na lagi akong narito para makinig sa'yo one day masasagot ko rin lahat ng iyong katanungan pero sa ngayon hindi muna adiós mi amor.

After that bigla na lang siya naglaho na parang bula.

Nagising na lamang ako dahil sa nangyari.

Ngayon na Pala Ang aking alis dito sa bahay ni natasha. Naisipan ko na lamang mag impake ng aking mga damit para mamaya aalis na lamang ako. Isa pa ayaw ko pag hintayin Ang aking Ina nagbakasyon lang naman ako dahil gusto ko makapag relax man lang.

Pagkatapos kong mag impake ng aking mga gamit. Nag painting ako at inayos lahat ng ginamit ko.

Bumaba na ako para makapag paalam na Kay Natasha.

"Good morning bestie, ano handa na ba Ang lahat?" Tanong niya sakin at tumango ako bilang sagot.

"Ako na Pala maghahatid sayo ha." Saad niya sa akin.

"Salamat talaga sayo natasha, your always here to me para samahan ako lagi." Mamimiss ko talaga Ang kaibigan ko kasi siya lang ka close ko dito e.

"Ano ka ba... Parang hindi tayo magkikita ha." Natatawang saad ko sa ka'nya.

"HAHAHAHA... Oo, nga Pala magkaklase pa tayo sorry masyado lang akong praning." Nagkibit balikat na lang ako sa kanya Minsan kasi Ang OA niya hayss.

"Tara lets na nga. Baka mahuli pa ako sa byahe ko." Aya ko sa kanya.

"Mabuti pa nga ako na mag drive Yung mga maleta mo ilagay mo na sa compartment." Aniya.

Mahabang Oras pa Ang byahe ko kaya mas mabuti na agahan ko. Habang nasa byahe ako nag ring ang phone ko. Pag tingin ko sa caller si Mom Pala.

"Hello, Mom?" Sagot sa kabilang linya.

["Soreen, may family dinner Pala tayo today. Your dad plan it para makilala ka ng mga relatives natin."] Sagot Naman ni Mom sa kabilang linya. Nagplano Pala si dad para maipakilala na ako since di ko pa nakikilala sila.

"Sure, Mom nasa byahe pa po kasi ako."Sabi ko pa dito at nakatingin sa bintana kong malapit na ba kami.

["Sige na mag ingat ka ha diretso ka muna sa bahay natin dahil mamaya pa Naman Yung 6:00 pm."] Dagdag niya pa.

"Sige po, text ko na lang kapag nandyan na ako." Mom hung up the call.

Napabuntong hininga ako dahil Ngayon na Pala ako ipapakilala ni dad sa mga kamag anak namin puro pa Naman mga hapon Yun.

Napatingin si Natasha sakin.

"May problem ba?" Tanong niya.

"Kasi bes, ipapakilala na ako ni dad sa relatives namin."

"Oh Anong problema don e ipapakilala ka lang pala" Sabi pa nito.

"You know Naman di ba. Mga hapon sila alam mo namang di pa ako gaanong sana'y mag Nihongo di ba." Pero marunong Naman ako kahit papaano mga basic nga lang.

"Kaya mo Yan Ikaw pa. Saka mag usap kayo ng tatay mo para makapag ayos na kayo. Ako na stress sa Inyo e." Irap niya sa'kin. She's right naman.

"Btw, nagkita ulit kami ni keino."

"Yung guy sa panaginip mo?"tanong niya.


Don't Cry My LoveOnde histórias criam vida. Descubra agora