Chapter 41

11.9K 436 59
                                    

FULL CHAPTERS FOR ONLY 100. MESSAGE WARRANJ NOVELS TO AVAIL.


Chapter 41

I thought he wouldn't be here.

I wasn't prepared for this. Hindi ko napaghandaan ang makita siya sa mga sandaling ito lalo pa at ang sabi ni Spyral, hindi darating si Duke.

Ano'ng ginagawa niya dito? Sila... ng sariling pamilya niya?

"Believe me but this isn't what I know. Ang alam namin ay hindi siya makakapunta." bulong ni Spyral.

Pinilit ko ang pakalmahin ang sarili ko lalo pa at ang buong angkan nila, nakatitig sa akin.

Tumaas ang gilid ng labi ko sa kabila ng panginginig ng mga ito.

"Surprise then?" I taunted without taking my eyes off Ruth.

Sa litrato lang kita nakikita noon. Hindi ko akalain na dadating ang panahon at maghaharap tayo. Sa ganitong sitwasyon pa.

I bore my eyes on Duke. He was staring intently at me as if I was the only one he could see right now. Mabilis kong binawi ang mga mata palayo sa kaniya at itinuon ito sa iba na para bang baliwala sa akin ang presensya niya.

Kahit pa sa mga sandaling ito, gusto kong umatras na at lumayo sa lugar na ito.

"Ninong... there's so many people..." ungot ni Iesha. Yumakap siya sa leeg ni Spyral at isiniksik ang mukha sa gilid nito. "I'm scared."

Hinaplos ni Spyral ang likod ni Iesha. "I'm here, baby. These people won't harm you. I swear-"

"Spyral..."

Lumapit sa amin ang naaalala kong mukha ng ina ni Spyral. Mula kay Spyral ay itinuon niya ang mga mata sa akin. Tipid akong ngumiti sa kaniya.

"Good evening to you, Ma'am Visha." may respetong pagbati ko.

She brought her eyes back to me. Pansin ang pagguhit ng alanganing ngiti sa mga labi niya.

"Hi. Have we personally met before?"

"We haven't, ma'am. This is our first time meeting each other."

Lumapit sa kaniya ang asawa niya na si Reon Monasterio. Mabuti na lang rin at naipakita na sila sa akin ni Spyral noon kahit sa larawan lang kaya may ideya na ako sa mga itsura nila.

Hindi ako magmumukhang tanga.

"Good evening, sir." bati ko.

Tipid rin siyang ngumiti bago isang beses na tumango. Isha Monasterio still looked confused and I understood why. Kahit hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na magkakilala noon, alam kong may ideya siya sa naging koneksyon namin ni Duke dati.

"We will talk later, Mama. Not now please." dinig kong bulong ni Spyral kay Isha Monasterio.

Sa kabila nang maraming pares ng mga mata na nakatitig sa akin, pilit kong iniwasan ang dumapo sa gawi nina Duke at Ruth.

Kaya lang... kahit anong iwas ko, sa kaniya pa rin ako dinadala ng mga mata ko. I caught him still staring at me. Para bang hindi siya nag-aalala na nahuhuli ko  siyang pinagmamasdan ako.

"Let's give our gift to the twins." Spyral whispered in my ear.

Natawa ako matapos siya lingunin. "Just my gift and Iesha's."

His lips curled up into a playful smirk while eyeing me. Pakiramdam ko, may kahulugan ang ngisi niyang iyon at dahil kilala ko siya, kaagad ko rin nakuha ang gusto niyang mangyari.

Monasterio Series 10: Her Wicked SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon