Chapter 40

11.2K 375 59
                                    

Chapter 40

Kahit pa sabihin ko nang paulit ulit sa sarili ko na buo na ang loob ko at hindi na ako kinakabahan, mayroon pa rin sa akin ang may alinlangan na harapin ang pamilya niya.

Within those years, did they ever think about me? Alam nilang lahat na nagkaroon kami ng relasyon ni Duke. Naisip kaya nila kung kumusta na ako matapos namin maghiwalay ni Duke dahil kay Ruth?

Pinagtawanan ba nila ako kasi naiwan akong nakakaawa? I tried to save myself from being so pitiful and helpless during those times that Duke ghosted me. Alam nila ang maaaring sitwasyon ko noon pero ni isa sa kanila, walang nag-abala sabihin sa akin ang totoo.

Of course. Why would they feed me the truth I needed? Sino ba naman ako sa kanila? They would still choose to be on Duke's side even if they knew that he hurt me.

"Mowmmy, where are we going today?" Iesha asked while standing in front of me.

Inaayos ko ang suot niyang bestida. Her sweet aura and smiling face always brightens up my day. Kahit pa ngayong abot-abot ang kaba ko, isang hagikhik lang mula sa kaniya ay bahagya na rin gumagaan ang pakiramdam ko.

"We are going to attend a birthday party."

"Whose birthday is it?"

Puwede ko bang sabihin na mga pamangkin niya ang magdidiwang ng kaarawan ngayon? All throughout her life, she doesn't know any relatives aside from my parents' side. Iilan lang rin ang nakakaalam dahil hangga't maaari, ayaw kong mag-ugat ng mga tanong sa mga kamag-anak ko kung nasaan ang ama ni Iesha.

"You will know later, sweetheart." I smiled and gently pressed her chin.

Ngumiti siya pabalik at ipinaikot ang mga kamay sa aking leeg. Niyakap ko siya pabalik at hinalikan sa gilid ng kaniyang sentido.

"I heard from your Ninong Spyral that you're looking for your father?"

"Hmm, yah."

"You want to meet him?"

"Yes, Mowmmy. I want to meet my daddy. When is it going to happen?"

Hindi ko rin alam. Ang sabi ni Spyral, hindi rin siya sigurado kung dadalo si Duke dahil bihira na rin ito umuwi kahit pa may okasyon.

Hindi siguro maiwan iyong anak niya doon. O, baka si Ruth.

"You pray for that, alright? Ask Jesus to make a way and let you meet your father."

I felt her nod. "I'm always doing that, Mowmmy."

Isang beses pa akong nagpakawala nang buntonghininga bago nagsimula na rin kumilos. Wala sina Mommy at nasa Maynila. Bukas pa ang balik nila kaya hindi rin nila alam ang plano naming ito.

I intended not to let them know. Siguradong hindi sila papabor lalo pa at matindi ang galit ni Daddy kay Duke.

I made sure I look presentable with no trace of bitterness from the past. Kulay pink na bestida rin ang suot ko at terno kay Iesha. Kahit sinong makakita, iisipin na mag-ina kami.

Motherhood suits me well, they said. My body turned to be matured and my curves were on the right places. Hindi ganoon kabilog ang dibdib ko noon kumpara ngayon.

I must say I love the effect pregnancy did to my body. Hindi na ako mukhang bata katulad noon. Kung titingnan, puwede na rin akong akalain na kasing edad ni Spyral.

"Ready?" Spyral asked as soon as he was done settling Iesha at the car seat.

Huminga ako nang malalim at tumango. "Any update?"

Monasterio Series 10: Her Wicked SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon