Chapter 38
I wonder how Spyral wanted me to react to that revelation. Gusto niya ako at mas nauna pa siyang magkagusto sa akin kaysa kay Duke? I don’t remember any moment where I’ve seen him around. Sa paraan ng pagsasalita niya, para bang matagal niya na akong nakikita.
“Geislerr was still courting Frances the first time I saw you. You were chatting with some of your friends while I was with mine. Tipo ka rin ng isa sa mga kaibigan namin kaya kita nakilala...” seryosong aniya. “Those were only the chances I had to see you. Walang malapitan at personal na nagkakilala.”
That explains why. Sa malayo lang niya ako nakilala at nakikita. Hindi rin naman ako mahilig tumingin sa mga taong hindi ko kilala kahit pa sa mga lalaking sobrang gwapo.
I don’t know if that’s the result of being too confident. Nasanay akong kahit ang pinakagwapo sa campus namin ay nagpapapansin sa akin.
Natawa ako, gustong daanin sa biro ang usapan na mayroon kami dahil ramdam ko ang mabigat na emosyon mula sa kaniya.
This confession doesn’t look easy for him. Na kahit matagal nang nangyari ang bagay na iyon, hindi niya pa rin nakakalimutan. Tila ba hindi pa nakaka-abante.
“Bakit hindi mo ako nilapitan para magpakilala? Na-torpe ka?” matunog akong ngumisi. “That’s surprising. Monasterio ka, e.”
Natawa siya, para bang maging siya ay hindi rin maintindihan kung bakit hindi niya ako nagawang lapitan noon.
“At this age, I don’t know how to court a girl...” pag-amin niya. “Natorpe pagdating sa’yo.
“Hmm. Let me guess, hindi ka marunong manligaw dahil ikaw ang nilalapitan ng mga babae?”
“I don’t think that’s something I should be proud of. It’s a disadvantage to be honest,” sabi niya bago ako nilingon. Nagtama ang mga mata namin. “Hindi tuloy kita nagawang ligawan.”
Words didn’t rush down my lips. I have no idea what to feel right now. Kahit pa paulit ulit niya nang sinasabi na gusto niya ako, at matagal na, hindi ko pa rin magawang maniwala.
Nahihirapan akong paniwalaan.
“Would it make a difference if I decided to court you before? Would you... by any chance... give me a chance?” he trailed.
Huminga ako nang malalim at itinuon ang atensyon sa madilim na dagat.
“Siguro? Depende kung palagi tayong magkasama. Depende kung gaano ka ka-pursigido pagdating sa akin. Hindi rin naman ako mahilig makipagrelasyon no’n, Spyral. Siguro ay depende pa rin sa lalaking nakakasama ko.”
“Si Duke ang una mong sineryoso?”
I wasn’t expecting that question from him. Pero wala na rin naman dahilan para pabulaanan iyon.
“Ganoon na nga. Mahirap iwasan lalo pa at palagi kaming magkasama sa bahay. The plan was just to make him forget Ruth. Malay ko bang una akong matatalo.” natawa ako, ramdam ang pait. “Kung alam ko lang na ganoon ang mangyayari, hindi na sana ako nagbakasyon sa Argao.”
He sighed. “The first time I heard that Duke was babysitting a certain Izza in their mansion in Argao, I decided to check for myself if I was thinking the same girl. Nung nakita kita, napamura na lang ako sa sarili ko.”
Natawa ako, naalala ang mga sandaling iyon kung kailan nagsungitan kaming dalawa.
“Grabe sa babysitting. Kaya ba ganoon ka na lang kung makatitig sa akin? Crush na crush mo kasi pala ako.”
I really wanted to make this light for us. Hindi ko alam pero mayroon parte sa akin na ayaw siyang makita na nasasaktan kung totoo man na may nararamdaman siya para sa akin.