TOTS 26

19.1K 311 51
                                        

twenty-six

"Ha?! Aalis ka, Inah?" hindi makapaniwalang tanong ni Amiel, pati sila Pio at Dan ay gulat akong tinignan. Tumango ako sa kanila.

"Bakit? Kailan? Biglaan yata!" dugtong pa nito. Matipid lang akong ngumiti, pinaglalaruan ang mga daliri sa ilalim ng mesa.

Nakausap ko na sila Daddy kagabi, sinabi kong plano ko nang sumunod sa kanila. Siyempre ay natuwa sila, mas mapapanatag daw ang loob nila kung nandoon na ako. Kaya agad silang pumayag. Tatapusin ko lang ang last day ng school year at aalis sa ako. Sa sobrang excited ni Daddy, matataon pa yata ang flight ko sa mismo huling araw ng pasok.

Kaya planado na lahat, mabigat man ang loob kong gawin ito alam kung ito ang makakabuti.

"Kailangan ko na kasi talaga umalis...." nakita ko silang tatlo rito sa cafeteria. Kaya minabuti ko nang magpaalam.

"Alam na ba ni Wyatt? Ano'ng sabi niya?" tanong pa ni Pio.

Bakit lahat ng sinabihan ko, si Wyatt agad ang tinatanong? Ano naman kung ano ang magiging reaksyon ni Wyatt? Ikakamatay niya ba kung aalis ako?

Umiling ako. "Hindi pa, tsaka ko na sasabihin sa kanya. Kapag malapit na siguro akong umalis, at 'wag muna sana itong aabot sa kanya. Ako na ang magsasabi," pakiusap ko. Tumango-tango naman sila.

"Oo, Inah. 'Wag ka mag-alala," paninigurado ni Pio.

Habang papalapit nang papalapit ang araw ng alis ko, mas lalo akong kinakabahan. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang malaking pagsubok na ito. Ang magpaalam kay Wyatt, umamin sa kanya, at iwan siya. Hindi ko pa rin alam kung saan ako kukuha ng lakas para gawin iyon, gusto ko na lang magising isang araw at nalampasan ko na ito lahat.

I never imagined that loving someone could be this tragic. Siguro hindi sa lahat ng tao, pero sa akin ganito ang nangyari.

"Kailan ang alis mo?" mapait na tanong ni Ford, hindi na nga ako nagsayang ng panahon para magpaalam rin sa kanya. Nang marinig niya na aalis ako, halos nilipad lahat ng saya sa kanya. Bumagsak ang balikat nito at parang nakarinig ng isang masamang balita.

"Sa last day ng school year, nataon kasi."

Naglabas siya ng malalim na hininga. "Desidido ka na talaga? Marami namang ibang paraan para makalimutan mo si Wyatt. Kailangan mo talaga umalis? Kailangan iwan mo ang buhay mo rito?"

Tumango ako sa kanya. "Kailangan. Alam mo, bakit? Kasi si Wyatt ang lahat-lahat ko rito, at kung kakalimutan ko siya mawawala rin naman ang lahat sa akin. Kaya bakit hindi ko pa sagarin 'di ba? Aalis na lang ako."

Gumuhit ang sakit sa mukha niya. "Gano'n mo siya kamahal?"

Napalunok ako at naramdaman ko ang hapdi sa aking lalamunan. "Oo, at patuloy ko pa siyang minamahal, Ford. Kaya natatakot ako, natatakot ako na baka kapag mas lumalim ito, hindi ko na talaga matututunan na hindi siya mahalin. Baka habang buhay akong hindi makaahon."

Hirap niya akong tinitigan. "I-Inah..."

Humugot ako ng malalim na hininga. "Unti-unti ko pa lang nadidiskubre kung gaano ko siya kamahal, pero ganito na ang nangyayari sa akin. Sa tingin mo saan ako pupulutin kung matatagal pa ako rito? Saan kami pupulutin dalawa?"

Dati, hindi ko alam kung paano nagagawang magmahal ng mga tao. Paanong natututunan nilang mas pahalagahan ang isang tao higit pa sa sarili nila. Paanong natitiis nilang manatili kahit nasasaktan.

Ngayon ang tanong ko na, paano nagagawa ng mga taong makalimutan ang taong minsan nilang minahal? Kung talagang mahal mo ang isang tao, saan ka pa kukuha ng lakas na palitan siya? Paano mo pa magagawang magmahal ng iba? Matututunan mo pa bang magmahal ulit? Kung binigay mo na lahat ng pagmamahal sa taong una mong minahal.

Trophy of the Sunsets | Tonjuarez Series IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon