Please expect slow updates. Completed on VIP Group, Spaces, and Patreon. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.
Complete chapters available for 100 pesos only. Limited offer.
—
Chapter 37
Nahirapan akong magkunwari sa harap ng mga kaibigan na maayos lang ako. Mahirap magkunwari lalo pa at masiyado iyong labag sa totoong nararamdaman mo.
I didn't swim when they asked me to swim with them. They asked for picture takings, I agreed but couldn't even stretch my lips for a smile. I tried to get along with their stories but I still ended up falling into my deep thoughts... regrets... misery.
"Huy, Izza! Ano na? Masiyado kang tahimik at seryoso ngayon. Parang lamay ang pinuntahan mo!" pansin ni Eya sa akin. "Birthday ko, sis!"
We were in the balcony of the girls' room. Masiyado itong malaki kaya maging ang mga lalaki ay nandito na rin. Our view was the mystical moon reflecting its light on the dark sea.
They decided to drink. Hindi ako pumayag uminom dahil sa sitwasyon ko. I just made up an alibi that I didn't feel like drinking.
Nahagip ng mga mata ko si Spyral na nakatitig sa akin habang nakaupo katabi ni Geislerr. Nag-iwas ako ng tingin at pilit na ngumiti kay Eya.
"Sorry. May naiisip lang."
"Naku! Si Duke na naman iyan? Huwag mo na siyang isipin. Just think of him as an experience. Like kasi at hindi ka naman marunong magseryoso? First time mo magseryoso at kay Duke iyon. Let's just say karma mo?" Humalakhak siya na ikinaliit na mga mata ko. "Biro lang! Iinom mo na lang iyan-"
"Just to make it clear to you, Eya. Kahit nagpaiba-iba ako ng boyfriend, ni minsan ay hindi ko sila niloko at pinagsabay-sabay. I broke up with them when I don't like them anymore. Hindi katulad ng ginagawa mo sa mga nagiging boyfriend mo na kabikabila."
Nagtawanan ang mga lalaki. Eye pouted her lips while looking at me.
"Grabe! Personalan?" Natawa siya. "Biro lang naman, Izza. Huwag ka masiyadong hot headed diyan. I-shot mo na lang iyan."
Iniabot niya sa akin ang isang baso na may lamang alak. Sinundan pa iyon ng kantsawan ng iba naming kaibigan.
"Kill joy naman kapag hindi uminom! We all know that you drink, Izza," sabi pa ni Reggie, isa sa mga kaklase namin.
Can I just tell them that I'm pregnant so I cannot drink that alcohol? Para tigilan na nila ang kakapilit sa akin.
Kung ganoon nga lang sana kadali.
Mula sa pagkakaabot sa akin ni Eya ng shot glass at nakita ko kung paanong kinuha iyon ni Spyral. Inisang lagok niya ang laman no'n bago tikom ang mga labing inilapag sa mesa.
"Don't force her..." sabi ni Spyral sa malalim at maawtoridad na boses, ang mga mata ay madilim na nakatitig sa mesa. "I'll take her shots. Leave her alone."
This is the Spyral that I first met. Mysterious and dark. The Spyral whose aura screams powerful. Not the playful one.
Sumipol si Geislerr. "What's this? Don't tell me ikaw naman ang pumalit sa pinsan mo-"
"Geislerr..." sita ni Frances.
Nagkatinginan silang lahat, tila nag-uusap ang mga mata. Huminga ako nang malalim saka umiling.
"I know whatever you're thinking. Hindi kami ni Spyral. Wala kaming relasyon. I'm not gonna let myself be involved with any Monasterio again."
Mula sa pagkakatitig sa mesa ay nag-angat ng tingin sa akin si Spyral. Our eyes drilled with each other. Pakiramdam ko, may gusto siyang sabihin sa akin dahil sa paraan ng pagkakatitig niya.