Challenge # 25

109K 4.1K 713
                                    

Hindi ko naisip na magiging ganoon kadali ang misyon namin sa paghabol sa taong gustong pumatay sa amin. Hindi ko naisip na matatapos agad at ngayon ay pauwi na ako sa lugar kung saan naroon si Leira ngunit kasabay noon ay ang takot sa aking dibdib. Takot na baka hindi niya magustuhan ang sasabihin ko. Kaya kong tingnan siya sa mga mata at sabihin sa kanya ang totoo kasabay noon ay kaya ko rin siyang tingnan sa mga mata at sabihin sa kanya na mahal ko siya dahil iyon din ang totoo.

Grabe maglaro ang tadhana sa amin. Hindi ko inaasahan ang mga pangyayari. Hindi ko inakala na darating ang panahon na magkakaroon ng koneksyon sa buhay ko ang lalaking iyon. Ni hindi ko alam ang pangalan niya. Hindi ko inalam ang kahit na ano tungkol sa kanya dahil wala akong pakialam. He was just some face in the crowd that killed Apollo Consunji. Apollo needed justice so I killed him for her. Buhay ang kinuha, buhay ang pambayad pero bakit kasabay noon ay kinukuha din niya ang ikalawang pagkakataon ko sa buhay para maging masaya ako? Unfair. Matagal na akong hindi sinasampal ng buhay. Ang akala ko ay nakalimutan na niya ako pero nagkamali ako. Binalikan niya ako para muling sabihin sa akin na mas malakas siya higit sa kahit na anuman sa buhay ko.

At dahil sa lakas na mayroon siya ay natatakot ako. Natatakot akong muling maiwang mag-isa.

Leira means the whole world to me.

"Azul." Tinapik ni Ido ang balikat ko. Tumingin ako sa paligid. Nakita kong nakaparada na kami sa tapat ng safe house niya. Hindi ko na namalayan na dumating na kami. Na nasa harapan na kami ng mismong front door ng bahay. Na bumaba na si Judas ng sasakyan at kami na lang ni Ido ang naroon.

"Nandito na tayo." Wika niya sa akin. Tango lang ang isinagot ko sa kanya. Nagsimula nang sumikip ang dibdib ko. Nanginig ang buong katawan ko sa takot. Sinubukan kong buksan ang pintuan. It took so much effort just opening the damn door and so much guts just walking inside the mansion. I didn't know how many times I have swallowed my saliva while walking, natatakot ako.

Bago sa akin ang pakiramdam na ito. Nahinto akong matakot noong namatay si Mom. Wala na akong kinatakutan noon, maski ang Diyos ay hindi ko kinatakutan pero ngayon, pakiramdam ko ay nasa harapan ako ng labing - tatlong mamamatay tao at lahat ng sandata ay nakatutok lang sa sa akin.

Narating ko ang loob ng mansyon ni Ido. Everyone was there including KD's FUBU. She was smoking while looking at KD and Arruba. Napansin ko agad ang pasa sa gilid ng pisngi ni Arruba. I overheard her telling Judas that she slipped. I saw Mariella made a face but that didn't matter. Wala si Leira sa paligid kaya umakyat ako sa silid naming at doon ko siya natagpuan.

Nakatayo siya sa may glass window at nakasilip sa labas. I guess she knew that we were back. She slowly turned around. May maliit na ngiti sa kanyang labi. It was enough to make me shiver.

"Hi..." I tried making a small talk. Leira face me - full this time. I could now see all of her.

"May sasabihin ako..." Wika kong nanginginig ang boses.

Leira didn't say anything. She cleared her throat. Napatingin ako sa paligid. I was dumbfounded when I saw her suitcase on the side. I looked at her.

"Kapag sinabi mong hindi totoo. Maniniwala ako sa'yo, Simoun. Mahal kita. I am giving you the benefit of the doubt. Alam ko na. Sinabi na sa akin ni Arruba ang lahat."

Pinalagpas ko ang sinabi niyang sinabi ni Arruba sa kanya ang lahat. I just sighed. I am a bad man. I have killed many people, deceived so many people and I have lied. I am good at that. I could just look at her eyes and tell her that I didn't do anything to her uncle. I can do that. I am ruthless. I can make her believe that I didn't do anything. I can even take a lie detector test and prove that I wasn't lying. I have done that a million time before and this time - I am tempted by the fact to do exactly that.

Simoun: The Aggressive Man ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon