CHAPTER 2: ME VERSUS CONSTANCE

Start from the beginning
                                    

“Yes, My Lady.” Iniabot ko sa kanya ang cellphone ko. “Nasira ba ito? Ipagagawa o papalitan?”

Siningkitan ko siya ng mata. “Alamin mo ang pangalan ng babaeng naka-wallpaper sa cellphone ko.” Utos ko sa kanya pagkatapos nagsimula na akong maglakad papunta sa kwarto ko. Narinig ko ang yabag niyang nakasunod sa akin.  Tinitingnan ko siya nang sumabay na sa paglakad ko. Titig na titig siya sa wallpaper ng cellphone ko. “Baka mabura. Hʼwag mong masyadong titigan. Nag-iisa lang 'yang stolen shot na kinuha ko kanina.”

“Ibig sabihin...magkasama kayo kanina?” gulat niyang tanong.

Hindi ko siya sinagot sa halip a tiningnan lang nang makahulugan. Huminto ako sa tapat ng pinto ng kwarto ko. Pagkapihit ko ng doorknob, napahinto ako nang marinig ang sinabi niya.

“Iʼts Nerea Beaux Suela. The famous international model.”

“Who?”

Inagaw ko sa kanya ang aking cellphone. Hindi ko na siya pinansin.

Pinagsasabi niya?

Ibinagsak ko ang aking katawan sa mahabang sofa na kulay itim sa living room ng kwarto ko. Napapikit ako dahil sa paglalakad niya ng pabalik-balik sa harapan ko. Ganyan siya kapag nate-tense. Kahit nakapikit ay dinig na dinig ko pa rin ang mga yabag niya. Naririndi ako sa ingay na ginagawa niya. Malawak ang kwarto ko na kasing laki ng ordinaryong bahay. Kaya kung pupudpurin ni Constance ang sapatos niya, mabilis 'yong mangyayari dahil malawak ang sahig na nilalakaran niya.

“Sisirain mo ba ang eardrum ko!” sabi ko saka pa lang siya tumigil. Huminto siya sa tapat ko saka nagsalita. Dumilat ako at bahagyang nasilaw sa nakabukas na magarang chandelier sa tapat ko. Pagkatapos ay saka ko siya tinapunan ng tingin.

“Thereʼs an issue about her right now. Iwasan mo na siya bago ka pa madamay sa issue na 'yon. Baka ma-stress ka lang kapag nadawit ka sa problema ng mga sikat na personalidad. Hindi ka sanay mamuhay na kagaya nila. Sanay silang makipaglaro sa media. Nagagawa nila kahit ang magsinungaling. Hindi ako papayag na makaladkad ang pangalan mo sa mga kagaya lang nila.”

Lalo akong narindi sa mga sinabi niya. Masyado nang mahaba. Iniba ko na ang usapan. Sinabi ko sa kanya ang address at pangalan ng building kung saan nakatira ang babaeng inihatid ko. “Ikuha mo ako ng condo sa building na 'yan. Gusto ko katapat ng unit ng sinasabi mong sikat na International model.” Nanlalaki ang mata niya sa sinabi ko. Kilala ko na siya kahit itago pa niya ang kanyang emosyon. Alam kong umuusok ang ilong niya sa galit. “Gusto ko nang magpahinga. Lumabas ka na. Hʼwag mong kalimutan ang utos ko. Gusto kong lumipat doʼn as soon as possible.”

Tumayo na ako at iniwanan siya. Hindi ko na pinakinggan ang sinasabi niya. Pumasok na lang ako sa kwarto ko. Ibinagsak ko ang sarili sa  king size bed. Halos lumubog pa ang katawan ko sa lambot ng kutson. Kinuha ko ang unan sa ulunan at itinakip  sa ulo para hindi ko marinig si Constance na panay pa rin ang pagsasalita sa labas ng kwarto ko. Hinubad ko ang suot kong sapatos at ibinato sa pinto. Saka pa lang siya tumigil.

Salamat naman.

Nahagip ng mata ko ang laptop na nakapatong sa side table. Kinuha ko 'yon at binuksan. Hinanap ko sa internet ang pangalang Nerea Beaux Suela.

Nanlalaki ang mata ko nang maglabasan ang ibaʼt ibang picture ng babaeng kasama ko kanina.

Siya nga? Siya talaga?

Lumapad ang ngiti ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Lalo akong naging interesado sa kanya. Kada may makikita akong larawan niya sa internet, bumibilis ang tibok ng puso ko. Napapahawak ako sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay lalabas ano mang oras ang puso ko.

To capture my wife's heart Where stories live. Discover now