Chapter 22

158 3 0
                                    

Jennie POV

Dalawang araw na ko sa Ospital at nakakainip dito wala na kong ginawa kundi kumain at matulog di ako sanay. Ngayon kasama ko sina mommy at daddy ko dahil sumaglit si Lim sa office nya may aasikasuhin daw. Busy si mommy kakanood ng drama sa TV habang si daddy naman nag sscroll yata sa tiktok

Ano ba yan hinaan mo yang cellphone mo bingi ka na ba ang ingay ingay di ko maintindihan tong pinapanood ko naiinis na sabi ni mommy

Di mo talaga maiintindihan yan kahit paulet ulet ulitin mo yan dahil iba salita nyan sagot naman ni daddy

Aba itong matanda na to namimilosopo pa sabay bato ng unan ni mommy kay daddy..

Haha para silang mga bata. Si mommy kasi kdrama ang pinapanood at si daddy naman tiktok yata ang iniiscroll dahil tawa ng tawa..

Habang busy sila ako naman nakatingin lang sa kanila dahil nakakatuwa silang panoorin at nangangarap ako ng gising na sana kami din ni Lim umabot sa ganitong edad na magkasama pa din

Mommy bakit daw nagpunta si Lim office tanong ko

Ah yun ba anak aasikasuhin nya daw kasi yung fund ng foundation ngayon daw kasi nya irereleased yung budget para madistribute na.

Ahh yun pala kala sa company nya

Ahh hindi anak kasi naasikaso naman daw ng assistant at secretary nya mga trabaho nya ehh.

Bilib din ako kay Lim akalain mo napakadami nyang sinusopartahan na mga foundation sa buong pilipinas saan kaya nanggagaling ang pondo nya para dun. Napakabuting tao ng asawa mo kaya pinagpapala kayo kaya yan may blessing agad ingatan mo na lang. Sabi ni mommy

Opo mommy.. sagot ko! Napaisip ako dun saan nga ba si Lim kumukuha ng malaking pera na pinapamigay nya sa mga tao nakakapagtaka din ehh

Mommy nakausap nyo ba si ate?

Bakit ko naman kakausapin yung bruha na yun tingnan mo nga ginawa nya sayo muntik ka pa makunan sa ginawa nya.

Mommy naman..

Anong mommy naman.. anak yung ate mo wala na sa katinuan yun bahala sya sa buhay nya.

Mommy anak mo pa rin yun kahit ganon yun walang ibang iintindi at magmamahal dun kundi kayo din lang kahit demonyita na sya ngayon

Eh paano ko kakausapin yun eh nakita mo nga kung paano ko sagot sagutin bastos

Eh kasi nga mommy galit sya dahil nagseselos sya.. naguguilty ako siguro dahil sa kin kaya sya nagkaganon kasi baka naagaw ko lahat ng atensyon nyo at wala na para sa kanya

Dyos ko anak alam natin lahat binigay namin lahat sa ate mo saan pa ba kami nagkulang matanda na sya pinili nya yung ganyan

Pero kahit na po daddy minsan po kausapin nyo sya ng matino malay nyo mag open sya ng nararamdaman nya lalo na po sa inyo daddy kasi mas close po kayong dalawa. Di natin alam seryoso na pala yun na literal na may sakit na sa utak si ate at kailangan na nya magrehab walang iintindi sa kanya kundi tayong pamilya nya..

Napakabuti mo talaga anak kahit ganyan nangyari sayo ate mo pa rin iniisip mo.

Eh kasi naman mommy di naman ganyan si ate diba mahal na mahal nya ko lalo na nung mga bata pa kami.. tanda nyo sya pa yung umamo sa kin nung narebelde ko nung nalaman ko na ampon ako. Alam nyo ba kung anong sabi nya sa kin? Sabi nya walang magbabago sya pa rin daw ang ate ko kahit di kami magkadugo kaya ako nun nagtino dahil kay ate pinaramdam nya na mahal nya talaga ko.

Back to youWhere stories live. Discover now