Tumatakbo siya palapit sa kinauupuan namen. Nasa likod niya yung back pack niya tapos may nakasabit na camera sa leeg niya.

“ Tss. Ang kulit talaga ng pandak na yan! “ inis na bulong ni Aireen habang di pa nakakalapit ng tuluyan si Luis samen. Inis na inis talaga si Aireen kay Luis sa di ko alam na dahilan. Basta sa lahat ng pagkikita nameng tatlo sumisimangot na si Aireen, ito namang si Luis parang walang nakikitang Aireen sa paligid.

Hindi ko nga alam kung anong meron tong dalawang to. Mmm. Tingnan natin kung anong meron.

“ Hindi naman pandak si Luis ah. “ pag aagainst ko kay Aireen. Alam kong maiinis lalo siya pag sinasabi ko yung mga bagay na salungat sa iniisip niya pagdating kay Luis. Ewan ko kung bakit niya sinasabihan ng pandak si Luis eh matangkad naman ito samin.

“ Pandak siya Reena! Konti na lang maabutan na natin siya noh! “

Nagshrugged lang ako sa sinabi niya. Well ano pa nga bang magagawa ko? Makipagtalo sa ayaw magpatalo? Mahirap ata yun, kakain na lang kami ni baby. ^O^

Ilang sandali lang nakarating din si Luis sa inuupuan namin na hingal na hingal. Hindi na lang kasi siya naglakad? Sinigaw pa yung pangalan ko malayo pa lang. Ano bang mga taong to.

“ Reena. *hinga* “ nginitian niya ko. Yung ngiting labas lahat ng ngipin. Kung ngumiti pa naman tong si Luis parang sa close up commercial. Ang ganda talaga!

“ Hi Luis :D “ balik na bati ko sa kanya.

Umupo siya sa tabi ni Aireen. Parang ako lang talaga nakikita niya. Di man lang niya binati si Aireen. Ano bang meron sa dalawang to!

“ Reena Pwede ba kong humingi ng pabor?” tanong ni Luis habang may parang inaayos sa loob ng back pack niya o may hinahanap? Ay ewan basta hindi siya nakatingin sakin habang nagsasalita.

“ Ow ano? “ sagot ko.

“ may gaganaping photo contest itong darating na linggo. “ tumingin na siya sakin habang inilipag niya sa lamesa yung camera niya.

Hindi pa man tapos ni Luis ang sasabihin niya alam ko na agad. MMA course ni Luis, nagkakilala lang kami sa isang subject, major in photogaphy siya.

Kahit gusto ko mang pagbigyan siya sa pabor na hinihingi niya hindi pwede. Lumalaki na ang tyan ko. mahigit dalawang buwan na din ako kaya tiyak na mahahalata yun pag kinukuhanan ako ng picture.

“ Ah, Luis.. “ hindi ko matuloy yung sasabihin ko kasi naman yung mata ni Luis, ang cute cute. Parang mga jolen. Black na black, tapos para pa siyang may eyeliner kasi ung pilikmata nya makapal. Pwede ko kaya hawakan?

“ Please Reena, be my model. “ pagmamakaawa ng mata ni Luis. Konti na lang talaga hahawakan ko na yung matang yan. Ang cute cute talaga! >.<

Tiningnan ko si Aireen para maiwasan ko yung paghawak ko sa mata ni Luis. Nakatitig lang si Aireen sa mga pagkain sa mesa. Parang malungkot siya?

Let me love youWhere stories live. Discover now