Chapter 33

13.6K 275 19
                                    

Please expect slow updates. Completed on VIP Group, Spaces, and Patreon. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.

Chapter 33

Spyral insisted on driving me home but I refused. Hindi porque nakipag-usap at nakipagtawanan ako sa kaniya, ibig sabihin ay ayos lang sa akin ang maging malapit kami sa isa't isa. Ni hindi ko nga magawang seryosohin ang sinabi niyang gusto niyang maging magkaibigan kami.

The last time I checked, being connected with any Monasterio is the last thing I want now. Bitter na kung bitter pero sa ginawa ni Duke... sino ba ang matutuwa?

"Bakit kaya hindi sumasagot itong sina Mommy?" bulong ko sa sarili habang nakatingin sa cell phone.

She told me earlier that we'd be having dinner with a family friend. Sa siyudad lang rin naman kaya malapit lang. Ayaw ko sanang sumama pero mas mabuti na rin iyon kaysa ang magmukmok sa kwarto — bagay na lagi kong ipinag-aalala sa tuwing maiiwan akong mag-isa.

Inangat ko ang mga mata. The cab I was riding suddenly stopped. Wala sa sarili akong tumingin sa labas ng bintana. Mabilis akong napaayos ng upo nang makita si Duke na naglalakad at may kaakbay na babae.

I blinked my eyes repeatedly. Kinusot ko pa ito para masiguro. Sa muling pagkurap, hindi na mukha ni Duke ang nakikita ko kung hindi isa ng estranghero.

Tinawanan ko ang sarili at umiling. Saka ko lang iniwas ang tingin sa gawi nung lalaki at babae nang sumakay sila sa isang motor.

Tigilan mo na, Izza Beatrice. You have to start moving on. Kung saan-saan mo na lang nakikita si Duke.

Umandar muli ang cab hanggang sa makarating kami sa village. Pagkahinto sa tapat ng gate ay kaagad akong bumaba at napatingin sa kulay puti na SUV na siyang nakaparada doon.

Bumili na naman si Daddy ng sasakyan? Kabibili niya lang nung nakaraang linggo, ah?

Nilagpasan ko na iyon at pumasok sa gate. Niyakap ko ang dalawang libro at naglakad patungong main door. I held the door knob and twisted it to open.

Pumasok ako.

"I'm home-"

Kaagad akong natigilan nang makita si Duke na nakaupo sa living room. Nagtama ang mga mata namin. Madali siyang napatayo pagkakita sa akin na para bang hinihintay niya ako. He was even alone there.

"What are you doing here? Where are my parents?" malamig na tanong ko.

Sa kabila ng emosyon na ipinapakita ko sa kaniya sa mga sandaling ito, aminado akong kabaliktaran iyon ng kaba at pangungulila na nararamdaman ko ngayong ilang metro lang ang layo niya sa akin.

I was already accepting that I won't be able to see him anymore. Kasi ako, ayaw ko na rin. Isang beses na pagkakamali, ang bilis kong nadala.

Maybe that's also the reason why my previous boyfriends were so careful to make a mistake that will be against me. Kasi alam nila na kapag nagkamali sila sa akin, hindi na sila makakaulit pa.

One mistake is enough. No fucking reason to let them do it again. Girls should always know self-worth. Kung wala ka noon, mahihirapan ka rin makakuha ng respeto mula sa ibang tao.

"They just left..." he said in a neutral tone. I still remember how I used to get butterflies in my stomach whenever I heard his voice. "I went here to talk to them."

Binawi ko ang tingin mula sa kaniya at naglakad na papuntang hagdanan.

"Business?" I made sure my tone was out of interest.

Monasterio Series 10: Her Wicked SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon