Idol, gusto kita!

147 9 8
                                                  

A/N: I tried to write a one-shot story. Hindi ko alam kung okay 'to sa kahulugan na OKAY. LOL. hahaha! Ang first attempt ko kasi no'ng una na one-shot  naging short story. wahaha! So maybe, this'll be a disaster.  ;p
***

Idol, gusto kita! (One-shot story)

------

"Laila, tara na! Mahuhuli na tayo," aya sa 'kin ng kaklase ko. Nasa bukana siya ng pintuan ng boarding house ko. Hindi pwedeng pumasok, eh. Ewan ko ba sa may-ari. Ang strict pa ni landlord, moody all the way ang mukha.

May tindahan sa harap ng bhouse namin na bahay na rin nila sa kabuoan at ang store ay ipinatayo ng mga anak ng may-ari at ang pangalan ng tindahan. . . .

Guess what?

Moody Store.

Get a load of that!

T_T

Pinaparamdam ba talaga niya na ganoon siya o nagpapaalala ang mga anak niya na ganyan ang ugali ng may-ari? Parang warning na: "Don't mess with old man here."

Marami ang rules dito. Nakakainis kasi natatakot akong ma-caught red handed na lumalabag. I hate this place, medyo baguhan pa lang ako dito, 1 month and 2 weeks in counting kasama ang dalawa kong kapatid. Hindi ko rin kilala ang—

"Lai!!! Tara na!"

-_-///

"Teka, teka!" Bwisit na hagdan 'to! Oh by the way, nasa 2nd floor kami. Pakshet, mahirap dito ang life, buti pa no'ng nagdaan kong tinitirahan ang ganda—

"Lai, ano ba?!?! Late na tayo!"

Nagmadali kong tinungo ang sapatos ko at isinuot ko ng nagmamadali, hihihihi..panay pa kasi ang share ko. Haha! Lol. Tumayo ako sa baitang na inuupuan ko at bumaba na ako.

Sheeekeen, ang tataas ng baitang. Hindi pa naman ako kataasan, maliit lang ang mga paa ko.

π_π

Habang bumababa ako ay kay Lisa ako nakatingin na nakamulagat sa 'kin. Nang makababa ako ay tumakbo na ako patungo sa kanya.

"Tara na," nakangiti kong sabi sa kanya.

"Hmpz! Ano bang ginawa mo sa taas? Nakita mo nanaman ba 'yang ido—"

Bigla kong tinakpan ang bibig niya ng mapansin kong naglalakad si Rico papasok. Tiningnan ako ng masama ni Lisa pero ng pumasok si Rico ay hindi na siya pumiglas pa. Napatagilid kaming dalawa pero nasa may pinto pa rin kami.

Nang mapatapat siya sa harapan namin ay nagtaka siya pagkakita sa 'min. Nagpalipat-lipat ang tingin niya mula sa kamay ko na nakatakip sa bibig ni Lisa at sa mukha ko.

Nginitian ko siya. Nilingon ko si Lisa. "Tara na..." tiningnan ko siya ng shut-up-and-let's-go-look. I cocked my head to the side.

Tumango naman si Lisa. Binitiwan ko na siya at matipid akong ngumiti kay Rico at tumango. Bahagya kong itinulak si Lisa palabas.

"Laila..."

Napahinto kami pareho ni Lisa at napalingon.

"Ha? Bakit?" nagtataka kong tanong sa kanya. Whaaat???? This is really happening? For the first time, tinawag niya pangalan ko. Yeheii. Shatap, Laila Rose Reyes.

Tumingin siya sa lupa sa paa ko. Napatingin naman ako. "'Yong sintas mo, baka kung maapakan mo mapahamak ka niyan."

"Ahhh..sige, salamat."

"Sige, pasok na ako sa loob. Ingat ka."

Kumaway siya at bahagyang ngumiti.

***

Idol, gusto kita! (One-shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon