Chapter 39

318K 6.5K 1.2K

Angel POV

Abala ako sa paglilinis ng kwarto. Feel ko kaseng ako ang mag-ayos ng mga kalat dito. Hindi 'yung laging inaasa sa katulong. Para mas feel ko ang pagiging may-bahay ni Oliver. Mga laruan ni Baby Van na kung saan saan nakapatong. Ang mga feeding bottle at kung anu-ano pang gamit ng anak ko.

Si Oliver ay pumunta sandali sa kompanya kasi kailangan raw siya roon. Kung sabagay, siya ang CEO ay natural lang na kailanganin siya roon.

Nakakatuwang isipin na hands-on si Oliver sa pag-aalaga sa anak namin. Tinutulungan niya ako. Madalas pa nga na siya ang nagpapalit ng diaper ni Van lalo na 'pag nag-pupu na si baby. Walang pandidiri na nakikita sa mukha niya. Nag-e-enjoy pa nga siyang gawin ang bagay na iyon para sa anak namin. Akalain mong ang isang bed monster na tulad ni Oliver ay napaka-responsableng ama at asawa pala.

Consistent din ang pagbe-breastfeed ko sa mag-ama ko. Jusko! Ewan ko ba d'yan as asawa ko at nahilig na rin sa gatas. Samantalang dati naman, kape ang iniinom niya. Lagi niyang sinasabi na, he envy our son for sucking my breast. Kung hindi ba naman may sapak sa ulo. Natural na dumede sa'ken ang anak ko. Eh siya? Hindi natural. Nasasapo ko nalang ang noo ko kapag nakapila na siya 'pag nagbe-breastfeed ako kay Van.

Inayos ko ang kobre kama. Napapangiti talaga ako kapag naiisip ko ang mag-ama ko. Sana'y maagang umuwi si Oliver. Nami-miss ko na din siya. Sa totoo lang, wala na kaming masyadong quality time sa isa't isa dahil ang atensyon namin pareho ay nasa anak namin. But it's okay with me. May mga pagkakataon lang na parang gusto kong maka-bonding ang asawa ko ng kami lang. Pero dahil may anak na kaming dapat intindihin, hindi ako magpapaka-selfish sa oras at atensyon. We'll do everything for Van. He's our angel, our treasure.

Van Angelo Sabina Ynarez..

Nakakatuwa talaga ang pangalan ng anak ko. Na-appreciate ko si Oliver na sa pangalan ko talaga kinuha ang pangalan ng anak namin. Van is from Vanna, my second name. And Angelo from my first name, Angel. Sabina is my surname so naging middle name siya ng anak ko. And lahat kami, Ynarez na since kasal naman kami ni Oliver.

Speaking of Van Angelo. Nasa baba siya, kasama ni Manang. Naroon lang naman siya sa kuna niya. And nakakatuwa naman ang anak ko dahil hindi siya iyakin tulad ng ibang baby. Para bang kuntento na siya na nakahiga siya sa kuna niya habang nakatingin sa mga tumutunog na laruan na nakasabit sa taas ng kuna niya.

Napatigil ako nang mapansin ang feeding bottle ni Van. Minsan kase ay inilalagay ko sa feeding bottle ang gatas na galing rin sa'kin para hindi masanay si Van na laging sa'kin lang umiinom ng gatas. Paano naman kapag nasa public place kami. I'm sure, my husband won't allow me to show my breast in public to feed our son. Possessive pa naman ang mister ko. Kinuha ko ang feeding bottle na nakapatong sa side table. Hindi pala naibaba. Baka nagugutom na ang anak ko.

Lumabas na ako ng kwarto namin at bumaba sa salas. Mabuti nang ibaba ko ito para in case na magutom si Van ay mapadede agad. Hindi pa naman ako tapos sa paglilinis sa kwarto namin.

"Manang?" Tawag ko.

Walang sumasagot kaya binilisan ko ang paglalakad pababa sa hagdan.

"Manang?" Ulit ko pero wala pa ring sumasagot.

Baka nasa garden o kusina kaya?

Pagbaba ko ay dumiretso muna ako kay Van sa kuna niya. Tumutunog pa ang laruan niya sa kuna then I saw him..

Nanlaki ang mata ko nang wala si Van sa crib niya. Biglang pinuno ng kaba ang dibdib ko. Nasaan ang anak ko? Ah, kalma lang. Baka kasama lang ni Manang.

"Manang!" Sigaw ko pero mag pagkataranta na. Natatakot ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. "Manang!!"

Lumabas ako sa garage papuntang garden pero wala si Manang, o kahit si Van. Pumunta ako sa may pool pero wala pa din. Naisipan kong ikutin ang buong bahay. Sa kusina, sa mga banyo, sa ibang kwarto, sa terrace, sa library, naiiyak na ako.

One Night Stand (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon