CHAPTER 2
ITINIGIL ni Amethyst ang sasakyan na kabibili palang sa harap ng Club Red. Nang maayos niyang maiparada ang sasaktan, pumasok siya sa loob ng Club para gawin ang isang rason kung bakit narito siya sa Pilipinas.
Umupo siya sa bakanteng mesa at napangiti siya ng lumapit sa kaniya ang isang waitress na seksing-seksi ang suot na damit. Alam na alam ni Amethyst na hindi komportable ang babae sa suot nitong maikling palda na halos kita na ang panty at tube na tanging dibdib lang ang natatakpan.
"I hate you, Thyst." Pasimpling sabi ng waitress sa kaniya ng makalapit ito sa kaniya. "Ikaw dapat ang nasa posisyon ko ngayon."
She just smiled and looked around. "One bottle of Vodka, please, Themarie."
"Coming,biatch." Inungusan siya nito saka tinalikuran.
Nangingiting napailing-iling siya. Her friend really has a bitchy attitude. Kaya nga ito ang ipinadala at hindi siya. And now, looking at Themarie's waitress uniform, tama talagang ito ang ipinadala at hindi siya. She couldn't take the clothes and men looking at Themarie with lust. It's awkward.
Habang hinihintay ang order niyang alak, ipinapalibot niya ang tingin sa kabuonan ng Bar. Then her eyes stopped at Mr. Wong. The old man looks happy. That will end soon. Sigurado siya do'n.
Mabilis niyang inalis ang mga mata sa matanda at inilabas niya ang kaniyang cell phone para magpalipas ng oras.
"Miss, can i join you—"
"No." Mabilis niyang sansala sa sasabihin ng lalaki na lumapit sa kaniya.
Then another voice asked her.
"Hey, beautiful, can i join you—"
"Not interested."
"Miss, can i sit with you—"
"Go away." Mabilis niyang sabi habang naglalaro ng cooking fever.
"Miss, can we dance—"
"Go to hell." Kalmado niyang tugon.
"Miss pretty, i can accompany you—"
"Get lost." Naguumpisa na siyang mairita.
"Miss, puwede ba kitang isayaw?"
She's irritated. "Magpakamatay ka muna."
Tulad ng mga nauna rito, bagsak ang balikat na iniwan ng mga ito ang mesa na kinauupuan niya.
Her fingers were quickly distributing the clients' orders in cooking fever when a man stopped beside her table.
Irritation filled her. Inis niyang inilapag ang cell phone na hawak at matalim ang matang tiningala ang lalaki.
"Go fuck yourself!" Pagalit niyang sabi kapagkuwan ay bigla niyang itinikom ang labi ng makita kung sino ang lalaking nakatayo sa tabi ng mesa niya. "L-Luther..."
Luther frowned at her. "Sinusundan mo ba ako?"
Bumakas ang kaguluhan sa mukha niya na may kasamang pagtataka. "Bakit ko naman gagawin 'yon?"
Nagdilim ang mukha nito, "then why are you here? Dapat lang akong magtanong," ngumisi ito na parang nang-uuyam. "Hindi ba kahit naman noon palagi mo akong sinunsundan kahit saan ako magpunta?"
Pinanatili niyang kalmado ang mukha. "That was before, when I still love you." Pasimple niyang tiningnan ng masama ang binate para itago ang pag-iinit ng pisngi niya. "Hindi ko na 'yon gagawin ngayon kasi hindi naman na kita mahal."
Sasagot pa sana ang binata ng biglang tumunog ang cellphone niya. Sabay silang napatingin ni Luther sa screen ng cell phone.
Honey Calling...
BINABASA MO ANG
Dangerous Gentleman (COMPLETED)
General FictionA GIRL dreams about a Bad boy who is gentle only to her. A BOY dreams about a Girl who is naughty only to him. ****** He was her neighbor. He was her childhood sweetheart. He was her first love. Ten years later... He was everything she abhorred. He...