CHAPTER 1
Ten years later...
AMETHYST flipped her hair when she steps out from the Cab. Kababalik lang niya galing London at masaya siyang makita ang lumang bahay nila na hindi pala pinagbili ng mga magulang niya. Ilan taon na niyang kinukulit ang mga magulang na hayaan siyang bumalik sa Pilipinas, pero hindi siya ng mga ito pinayagan.
Pero hindi nakahindi ang mga ito ng ang trabaho na niya ang magdikta na dito siya sa bansang ito manirahan pansamantala.
Sa wakas, nakabalik na rin siya. Napakaraming taon din ang lumipas.
And she's back with a mission.
Bago siya tumulak patungong Pilipinas, nakausap niya ang kaniyang boss na puwede naman daw thru e-mail nalang niya ipadala ang mga articles niya. She's a columnist in one of the Magazine House in London. Nagpapasalamat naman siya na puwede i-e-mail ang trabaho niya, hindi 'yon magiging sagabal sa rason kung bakit kinailangan niyang umuwi.
Hindi naman sa kaniya kawalan ang trabaho niya bilang columnist, pero siguradong mawawalan siya ng epektibong pantakip sa tunay niyang trabaho.
Pagkapasok niya sa bahay, napangiwi siya ng makitang puno iyon ng alikabok. Ilang taon rin walang tao ang bahay kaya inaasahan na niya 'yon.
Pagkatapos niyang itabi ang bag na dala at itali ang buhok, kaagad niyang nilinis ang buong bahay. Vacuum dito, vacuum doon ang ginawa niya. Punas dito, punas doon. Lahat ng sulok ng bahay ay nilinis niya. Kahit may jetlag pa siya sa biyahe, pinilit niyang linisin ang buong bahay para bukas relax na siya at wala na siyang gagawin pa.
Hindi namalayan ni Amethyst na gabi na pala. Kung hindi pa humapdi ang tiyan niya, hindi niya malalamang madilim na sa labas.
She's dead tired and worn out, but that's okay. Ang importante, malinis na ang bahay na simula ngayon ay titirhan niya.
Pagod na nagtungo siya sa kuwarto niya at binuksan ang bintana na nakaharap sa kuwarto ni Luther.
Biglang sumikdo ang puso niya.
Luther...
Ipinatong niya ang mga siko sa may bintana, tumingala sa kalangitan at suminghot ng sariwang hangin. Napaka-payapa ng paligid niya at ramdam na ramdam niya iyon ng bigla nalang bulabugin ng malalakas na ungol ang kapayapaang 'yon.
"Oh! Luther! Oh! Oh! Oh, ang sarap mo!"
"Fuck, baby! Oh, fuck. Ride me harder. Like that. Oh!"
"Ah! You're so good, Luther!"
Nanlaki ang mga mata niya sa naririnig mula sa silid na katabi ng silid niya. She can hear the moans and groans of two people. At hindi siya tanga para hindi niya mahulaan kung anong milagro ang ginagawa ng mga tao sa silid na kaharap ng bintana niya.
Hindi na dapat siya magulat. Luther is a healthy male. May pangangailangan ito. At halos sampung taon na rin ang nakalipas. Dapat hindi siya apektado sa naririnig. Wala na iyon sa kanya. Matagal na siyang naka move on sa nararamdaman niya rito.
It was just a young love.
Bata pa siya noon at kung ano man ang namagitan sa kanila ni Luther noon, nakalimutan na niya iyon. Sapat na ang ilang taon para makalimutan niya si Luther San Diego Jr.
Pagak siyang tumawa habang umiiling. "What a great way to welcome me." She mumbled under her breath.
Gusto niyang umalis sa kinatatayuan para hindi marinig ang mga maiingay na ungol ng dalawa. Pero para siyang napako sa kinatatayuan habang naririnig ang ungol ni Luther at ang babaeng katalik nito.
BINABASA MO ANG
Dangerous Gentleman (COMPLETED)
General FictionA GIRL dreams about a Bad boy who is gentle only to her. A BOY dreams about a Girl who is naughty only to him. ****** He was her neighbor. He was her childhood sweetheart. He was her first love. Ten years later... He was everything she abhorred. He...