Chapter 32

13.5K 275 20
                                    

Please expect slow updates. Completed on VIP Group, Spaces, and Patreon. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.

Chapter 32

Umikot ang mga mata ko sa sinagot niya.

"You won't ignore me? Patawa ka. Magkaaway nga tayo, hindi ba? Iyon ngang mga pinsan mo na hindi ko naman kaaway ay hindi ako sinagot. Ikaw pa kayang palagi kong sinusungitan?"

Crossing his arms against his chiseled chest, the corner of his lips curled up.

"Aminado ka?"

"Na ano?"

"Na palagi mo akong sinusungitan?"

Hindi ako nakasagot. Aminado naman ako at kahit ako, hindi rin alam kung bakit ko iyon ginagawa sa kaniya sa tuwing makikita ko siya.

I don't hate it. Or maybe that's what I told him before. Pero hindi iyon ang totoo. Arogante lang talaga siya para sa akin. Lahat naman ata sila ay ganoon ang datingan. There's just something with Spyral that I can't name.

Seems like his presence alone was...overpowering me.

"Masungit ka rin naman. Stop acting like you're a saint."

"Didn't say that I am."

Ngumiwi ako saka siya muling inirapan. He chuckled. Sa paraan ng pagtawa niya ay para bang natutuwa siya sa mga sinasagot ko sa kaniya.

Uminom ako ng frappe. Tumunog ang straw dahil wala na iyong laman. Tumingin ako sa baso ko at napanguso nang makitang said na iyon.

"Want another cup? My treat." Si Spyral.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "No need. I can pay for myself."

Huminga ako nang malalim. Puwede naman akong umuwi na kaya lang ay kapag nasa bahay ako, magmumukmok lang ako at maiisip si Duke.

At least when I'm outside, there's a little chance for me to keep myself entertained. Sa kahit na anong paraan, huwag ko lang siya maalala ulit.

Astang tatayo na sana ako para um-order nang maramdam ko ang pangingimay ng mga binti ko dahilan para muling mapaupo.

I groaned and started to massage them both.

"What's wrong?" Spyral asked.

"Nangingimay..." sagot ko nang hindi siya tinitingnan.

Naramdaman ko ang marahang pagsipa ng paa ni Spyral sa binti ko mula sa ilalim ng mesa. It made me flinch and groan in slight pain.

Nag-angat ako nang masamang tingin sa kaniya.

"Ano ba!" angil ko.

He chuckled. "Para mabilis mawala. The longer you wait for it, the more you will feel the discomfort."

Isang beses niya pang binunggo ang binti ko.

"Spyral!"

The asshole just chuckled as if he was already making fun of me. Inirapan ko siya ngunit tila wala naman sa kaniya kahit pa mamuti ang mga mata ko sa kaiirap sa kaniya.

Sa tingin ko, naiiba ang ugali niya kay Duke dahil ni minsan noon, kahit nung hindi pa kami malapit sa isa't isa isa ay hindi niya rin ako nagawang biruin ng ganito.

"Should I buy you another cup now? Mukhang hindi ka makakapaglakad nang maayos."

Bumuntonghinga ako. Maayos naman ang alok niya at mukhang walang kalokohang naiisip. I don't think he has time for that.

Monasterio Series 10: Her Wicked SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon