Chapter 19
Sa sobrang saya ko ay pumayag ako sa lahat ng kondisyon ni Daddy. Hatid sundo ako, magpapaalam ako kung aalis ako, may curfew ako, at irereport ko sa kanila ang mga ginagawa ko at kasama ko.
Hindi na naging kaso saakin 'yon, hindi ko man gusto na mag isa rito, titiisin ko na lang kasama ang mga kondisyon nila. Aantayin ko na lang na maka balik sila rito.
Dito ako titira. Dito ako mag aaral.
Patakbo akong tumungo kung saan ang broadcasting room nila Wyatt. Tinanong ko si Gabi kanina kung pumasok ba sila Wyatt, ang sabi niya ang pinatawag ulit sa broadcasting. Walang dalawang isip akong kumatok agad.
Hindi mabura ang ngiti sa labi ko, kanina ko pa ito inaantay. Kagabi ko pa tinitiis na hindi sabihin kay Wyatt, na muntik na akong umalis pero nakiusap akong maiwan!
Hindi na ako aalis!
Bumukas ang pinto at mas lalong tumaas ang antisipasyon ko. Pero nawala lahat ng iyon at kusang naglaho ang ngiti sa labi ko nang makitang hindi si Wyatt ang nagbukas ng pinto.
"Andyan si Wyatt?" tanong ko at sinubukang silipin ang loob.
"Inah? Buti nakita kita." saad niya at hindi pinansin ang tanong ko.
Nagtataka ko siyang tinignan. "Bakit Ford?"
"May nabalitaan kasi ako, pwede ba tayong mag usap?"
"T-Tungkol saan?" medyo kinabahan ako.
Hindi niya iyon pinansin at tuluyang lumabas sa broadcasting room. Isinara niya ang pinto, bago ako dinala sa gilid.
Natahimik ang ako at parang hindi mapakali sa sasabihin niya.
"Nabaliitan ko kasi..." panimula niya.
Kumunot ang noo ko. "Na ano?"
"Gusto mo raw ako? Crush mo ako?" bakas ang pagkakuryuso sa boses niya.
Napalunok ako at parang nalaglag ang puso ko, paano niya nalaman? Sino ang nagsabi sa kanya? Si Wyatt? Wala naman akong ibang sinabihan kundi si Wyatt lang...
Sinabi niya talaga? Ito ba iyong tulong niya na hinihingi ko?
Hindi ako naka sagot agad, halo-halong pakiramdam ang naglaro sa dibdib ko ngayon. Tumikhim ako. "A-Ah... O-Oo... Saan mo nabalitaan?" alinlangan kong sagot.
Crush ko naman talaga si Ford, pero bakit parang may mali sa pagkasabi ko? Parang may hindi tama sa nangyayari ngayon.
Hindi ba dapat matuwa ako dahil nalaman niya na? Paano pag hindi niya ako nireject at binigyan ng pagkakataon? Dapat ay maging masaya ako!
Pero... bakit mabigat ang loob ko ngayon?
Parang kabaliktaran ng gusto ko ang nangyayari. Nakita ko ang paglunok niya at marahang pagtango. Medyo namula ang tenga niya. May epekto ba ako sa kanya? Bakit ganyan ang reaksyon niya?
"Ganoon ba? H-Hindi ko inaasahan na aamin ka agad..." kumamot siya sa ulo, ngumiti lang ako ny tipid sa kanya.
Tinitigan ko siya, sinubukan kong hanapin ang kilig na naramdaman ko sa kanya dati. Gwapo siya, kinikilig ako kasi gwapo siya. Sapat na ba iyon?
"Nalaman mo na e..." medyo nakaramdam na ako ng hiya at yumuko.
Tinulungan talaga ako ni Wyatt? Nilaglag niya ako kay Ford? May pa 'I won't help you again' pa siyang nalalaman. Ibebenta lang rin pala ako sa kaibigan niya.
"Inah... I think we can start to know each other?" pukaw sa akin ni Ford.
Parang nablanko ang utak ko, hindi ko namalayan na tumango na pala ako sa sinabi niya. Ngumiti siya sa akin at pabirong ginulo ang buhok ko. Kasabay noon ang pagbubukas ng pinto ng broadcasting room, mabilis ko iyong nilingon at nagtama agad ang mata namin ni Wyatt. Ngunit lumipat rin ang tingin niya sa kamay ni Ford sa ulo ko.
BINABASA MO ANG
Trophy of the Sunsets (Tonjuarez Series II)
General FictionEanah Devon Inieno was contented with her peaceful life, she is independent and fearless. Not until the person she least expected entered her life. But the question is, can she handle it? Or just like the sunset that fades the day light, would the l...